Chapter 32
Privacy
Kiera’s POV
“Wala sinabi akong alam dyan e—argh!” Napaubo ako ng sipain na naman ako ng lalaking ito sa panga ko.
“'Wag ka ng magmalinis pa...nasaan na ngayon ang lakas at tapang mo? Umurong na?” Sarkastikong sabi tanong niya.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon dahil pagkagising ko ay nasa madilim na lugar na ito na ako ngayon. Ang huling naalala ko ay nasa party kami at bigla nalang may tumakip sa ilong ko at saka nahimatay ako.
Ngayon naman ay bumungad sa akin ang mga panget na ito. Sa tingin ko ay nasa mid-30's na silang lahat at mukhang bugbog sarado pa sila dahil halata pa ang mga sugat sa kanilang katawan.
Nasa lima lang sila at paulit-ulit nila akong binubugbog dahil pilit nila akong pinapaamin sa bagay na hindi ko alam.
Labanan ko daw sila ngayon at ipakita ang lakas ko na hindi ko maintindihan.
'Kailan pa ako lumakas?!'
“Sinasabi ko sa ‘yo, kapag hindi ka pa rin nakakawala dyan ng trenta minuto at labanan kami...tatapusin na namin ang buhay mo!” Sigaw nito sa mismong mukha ko.
Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Alam kong kaya nilang pumatay dahil hindi nga sila nagdadalawang isip na bugbugin ako. At sino bang kidnapper ang maganda ang motibo?
“Naiintindiham mo, Alpha's treasure?” Dagdag nito habang may ngisi sa labi pero kumunot ang noo ko
'Alpha's treasure? What is that? Are they werewolves and they thought I was one too? Psh! Enough with the fantasy, Kiera!'
“Paano ko kayo lalabanan kung puro sugat na ko!” Nagtatapang na sigaw ko.
Kaonting-kaonti nalang talaga ay mapapanguso na ako dito at baka umiyak pa.
“Tsk! Bakit bumobo yata ito?” Natatawang tanong nito at nagtawanan din naman ang mga ibang lalaki.
Seriously, kanina ay takot na takot ako sa kanila. Paano ba naman kasi ay mukha silang halimaw at idagdag mo pa ang mga sugat nila. Para silang mga drug addict na hindi nakatilim ng drug ng isang taon. Ang daming tattoos! May mga chains sa leeg! May panot at kalbo. May bungal at bungi. At sobrang laki ng sigarilyo nila.
Huminto sila sa pagtawa at lumapit na naman ang lalaki kaya bigla akong kinabahan. Sumeryoso silang lahat nang makitang hindi ako nagre-react.
“Sabihin mo, ikaw si Xie, hindi ba?” Seryoso niyang tanong at kumunot ang noo ko.
Bigla kong naalala ang kanina naming pinag-uusapan ni Black sa kwarto niya bago kami umalis ng bahay para umatend ng party.
~🌼~
Flashback~
“Kiera,” Malamig tawag sa akin ni Black.
“Bakit?” Tanong ko at tinignan siya gamit ang salamin.
“Kung sakaling mapagkamalan ka man na ibang tao ay ang sasabihin mo lang ay hindi ikaw iyon,” sabi nya at kumunot ang noo ko pero tumawa rin sa huli.
“Bakit naman ako mapapagkamalang ibang tao? Tsk! Syempre talagang sasabihin kong hindi ako iyon!” Sambit ko.
Bumuntong hininga ako siya at tumalikod sa akin.
“Good,” Aniya.
Lumapit ako sa kanya ay napangiti ako nang makitang magkamukhang-magkamukha kami pero ang pinagkaiba lang ay ang buhok namin.

BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
ActionThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...