Chapter 2
Nightmare
Black’s POV
Mabilis na tumakbo ang oras at naguwian na agad. Sinadya kong magpahuli dahil ayaw kong maraming kasabay paglabas nila ng classroom.
“Black!” Rinig kong tawag ni Kiera saka lumapit siya sa akin.
“Oh?” Tanong ko.
“Tumawag sa akin si Kuya...may family dinner daw tayo sa bahay ni Grandpa. Sasama ka?” sabi niya na ikina-rolyo ng mata ko.
‘Another boring dinner with them’
“Anong oras?” Tanong ko.
“Usual...7:30 o’ clock,” sabi niya.
“Fine,” Sang-ayon ko at agad niyang inilabas ang cellphone para i-text si Kuya.
Nang maubos ang tao sa loob ng classroom ay tumayo na ako at sabay kaming lumabas ng classroom.
Akala ko ay wala ng aabala sa amin pero nagulat ako nang bumungad sa amin ang dalawang estudyante na mukhang nagtutulakan papasok ng classroom namin.
Tumikhim ako dahilan para pareho silang matigilan at binigyan ako ng hilaw na ngiti.
“What do you need?” Malamig na sabi ko pero nginitian lang nila ako.
“Hi! I’m Catherin and he’s Bernie...Barney kapag gabi! And we want to make friends with you,” Nakangiting sabi ng babae dahilan para matuwa si Kiera.
‘Tss’
“Anong Barney?!” Inis na sabi ng kasama niya.
Hindi kumibo si Catherin at nanatiling nakangiti sa amin. Why bother? Anong makukuha mo sa pagkakaibigan? Sakit lang sa ulo.
“Why?” Tanong ko.
Natigilan ang dalawa at nagkatinginan. Mukhang nagsusukatan kung sino ang sasagot ng tanong ko sa kanilang dalawa.
“I-It’s just that...we found you cool earlier sa cafeteria. Wala pang bumanga kila Samuel at Shane ng ganoon nuon, so we thought we wanted to be friends with you two,” sabi ni Bernie.
“C-Can we be your friends?” Nag-aalanganin na tanong ni Catherin.
Mukhang nakita niya na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.
Agad na lumiwanag ang mukha ni Kiera. She likes having more friends. Nung sa dating school namin ay gustong-gusto niyang makipagkaibigan sa mga ka-schoolmates namin pero ayaw sa kanya dahil weird nga daw ang ayos namin.
I don’t care about it and I’m keeping my style. No one can make me change my style.
“Of course!” Masayang sabi ni Kiera at pumalakpak pa.
Tumingin ang tatlo sa akin na parang inaantay ang sagot ko kaya tipid akong tumango.
What more can I do? This is Kiera’s dream come true. Kasiyahan niya ang maraming kaibigan.
“Yes!” Sabay-sabay na sabi nilang tatlo.
“I’m Kiera Cuanco and she’s Black, my twin. Pleasure to meet you!” Masigla pang pakilala ni Kiera.
Akmang magsasalita pa ang dalawa pero agad akong sumabat. Gusto ko nang maka-uwi at magpahinga.
“Yeah! Yeah! And if you excuse us...may importante pa kaming gagawin,” Naiinis na pagputol ko sa usapan at hinila palayo duon si Kiera.
BINABASA MO ANG
Black and Pastel | ✓
AçãoThe Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in their own ways. One who prefer all black as her overall style and one who's as colorful as a rainbow...