Chapter 8

22 3 0
                                    

Chapter 8

Samuel









Catherin’s POV

“Hindi namin alam ang bahay niyo,” sabi ni Sandro.

“Saan ba kayo nakatira?” Tanong ko.

“Malapit lang ako sa school,” sabi ni Sandro.

“I live in Juel’s Village,” sabi ni Samuel na bahagyang ikinagulat ko.

Sa tagal-tagal kong naglalabas pasok sa Juel’s Village at sa sobrang sikat ni Samuel ay ngayon ko lang nalaman na taga-Juel’s pala siya.

“Pwede kong sunduin si Sandro at sabay na kaming pumunta habang pwedeng sunduin ni Samuel si Bernie dahil parehas naman kayong nasa Juel’s Village. Malapit nalang ang bahay nila Black duon at alam naman ni Bernie ang daan,” sabi ko na mas lalong ikinatuwa ni bakla.

“Ay, sist! Bet ko ‘yan!” Tili ni Bernie at pumalakpak pa at napangiwi ako.

“Can I just go alone? Text me the address,” sabi ni Samuel at natawa ako dahil parang nalugi si Bernie.

“Hindi naman kita kakagatin! Ano sa tingin mo sa akin? Nangangain ng tao?!” Tanong ni Bernie habang nakataas ang isang kilay.

“Hindi pero namimigwit ng lalaki,” Nakangiwing sabi ni Samuel at natawa kami ni Kiera.

“Mas maganda nga kung ganoon, para hindi na mahirapan sa pagpunta,” Sabat ni Black na ikinangiti ng tagumpay ni Bernie.

“Then were all set! Kita nalang tayo bukas,” sabi ko at isang beses na pumalakpak.

Nagsitanguan naman sila at wala nang umangal pa. Sakto namang nagring na ang bell na senyales na tapos na ang time namin para sa subject na ito.

Inayos namin ang mga upuan namin at naghanda para sa susunod na subject.

Mabilis na lumipas ang oras at panay ang pakikinig namin sa mga guro namin at hindi namalayan na uwian na rin pala.

~🌼~

Kiera’s POV

“Mauna na kami sa inyo,” Paalam ko kila Catherin.

“Sige...see you tommorow,” sabi ni Catherin at tumango ako.

“Agahan ninyo,” Paalala ulit ni Black.

“Sure!” sabi ni Sandro.

Simpleng tumango lang si Black bago naunang umalis ng classroom. Nagpaalam din ako sa kanilang dalawa at hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-sunod ng mata ni Samuel kay Black.

Agad akong sumunod kay Black at napanguso nang maalala ang pagsunod ng paningin ni Samuel kay Black.

Anong mayroon at sinusundan niya ng tingin si Black?

Napansin ko lang na magmula nung huli naming pagkikita kasama si Black nung nagpasama siya sa hospital ay naging tahimik at malamig na rin si Samuel.

“Kiera!” Napabalik ako sa realidad nang marinig ang tawag sa akin ni Black.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya. Duon ko lang napansin na naiwanan na niya pala ako.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya at nang makalapit ako ay inismiran niya ako.

“Ang bagal-bagal maglakad,” Naiinis na sabi niya.

“Sorry,” sabi ko nalang.

Hindi siya kumibo at nagpatuloy kami sa paglalakad. Nang nakarating kami sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse ni Black.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon