Chapter 30

21 3 0
                                    

Chapter 30

Smile














Zhiera’s POV

“Take your hand off my thigh, Havoc” Nakangiti munit seryosong sabi ko.

Ngumisi rin siya at inilapit ang mukha sa akin habang ako naman ay hindi nagpatinag. Kung noon ay halos takbuhan ko ang nararamdaman kong ito, ngayon ay halos gusto ko ng mabuhay mula dito.

Umalis na ang tatlo at nagpaalam na mag-aayos na dahil malapit na kaming dumaong.

“No,” Nakangisi munit seryosong sabi rin niya.

“And why?” Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

“Why? Did you stop flirting with that butthole when I already gave you a warning?" Tanong niya.

Imbis na mainis ay kumawala ang isang nakakalokong tawa mula sa akin. Isang tawa na nakalimutan ko na kung kailan ko huling ginawa.

“Stop laughing,” Mariin na utos niya sa akin pero hindi ako tumigil.

Rinig na rinig ang tawa ko sa buong kwarto at halos mga crew ay napapatingin na rin sa gawi ko pero hindi ako matigil sa pagtawa.

“Zhiera Raine!" Nagbabantang tawag niya sa akin pero hindi ako tumigil.

‘What the hell? Butthole?’

“Stop or I'll kiss you!” Banta niya ulit.

Nang dahil duon ay napilitan tuloy akong itikom ang labi ko at para mapigilan ko ang pagtawa ko ay kinagat ko ang ibabang labi ko pero hindi pa rin maiwasan ang pagngisi.

“So, that's how you shut up” Nakangising sabi niya nang makita ang reaksyon ko sa pagbabanta niya.

“Maybe I won't give a warning next time?” Nakangising tanong niya pa at muling nilapit sa akin ang mukha niya.

'Please don't give a warning next time'

Binitawan ko ang ibabang labi ko saka nilapit rin ang mukha sa kaniya saka tinignan ang labi bago tumingin sa kanyang mata habang nakangisi.

“Dream. On,” Madiin na bulong ko sa mismong mukha niya at mabilis na lumayo sa kaniya.

Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko at nakangisi akong tumayo habang siya ay nakatingin pa rin sa akin.

“Fix your belongings, Havoc. We're arriving soon,” Nakangising sabi ko.

Bago pa man siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya habang nakangisi pa. Bumalik ako sa kwarto na pinagtuluyan ko kanina at inayos ang mga gamit ko.

Hindi naman nagtagal ay inanunsyong nakahinto na kami kaya lumabas na ako ng kwarto ko at sinalubong ako ni Aida na agad umangkla sa braso ko.

Dahil sleeveless ang dress na binigay ni James sa akin ay isinuot ko muli ang black leather jacket ko at ang itim na boots ko. Hinayaan ko rin na nakalugay ang buhok ko na kapag hindi naka-pig tail ay abot hanggang bewang ko.

Dahil wig nga lang ang fake bangs ko ay hindi na ako namoblema duon. Nagsuot din ako ng sunglasses na nakita ko sa kwarto ko habang palabas kami.

Sa ayos namin ngayon ay mukhang galing kami sa bakasyon at hindi sa mission. Magpapamilyang galing bakasyon. Tss.

Nakasakay sa isang wheelchair si Cally na wala pa ring malay ngayon at may suot na sunglasses para hindi halata sa mga madadaanan naming tao at tulaktulak ni Twain.

Nang makuha namin ang jeep namin ay muli kaming sumakay sa loob at mabuti nalang ay kasya pa kami kahit na mukha kaming sardinas dito at si Aida pa rin ang pinagdrive namin. Huminto muna kami sa isang hotel na malapit sa bahay nila Cally para mag-check in at iiwan si Cally duon bago kami nagpatuloy sa headquarters.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon