Chapter 13

16 2 0
                                    

Chapter 13

Confusion









Blacks POV

Wala sa sariling napalunok ako ng mariin nang ibulong niya ang mga salitang iyon. I can sense the jealousy with his words but I decide not to take it seriously.

He’s just a friend and nothing more. Tahimik lang kaming nagtititigan pero mas matalim at madilim ang titig niya sa akin.

Ilang beses akong napakurap at saka pekeng tumikhim at iniwas ang paningin ko sa kaniya. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

“W-Whatever you say, just hurry up so I can continue doing my work,” Nauutal na sambit ko.

‘What the hell, Zhiera?! Nautal ka pa?’

Nautal pa ako! Hindi ako makapaniwala! Parang pakiramdam ko ay ngayon nalang ulit ako nautal sa buong buhay ko!

Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa paghilot ng braso ko habang nakaganoong posisyon pa rin at hindi na ako umangal pa. Ginamot niya rin ang mga pasa ko at nang matapos siya ay guminhawa ang pakiramdam ko dahil naka-inom na rin ako ng pain reliever kanina.

Nilagyan niya rin ng mga muscle patches ang likod ko.

He’s the one of the people we call when something like this happens. Kapag hindi lang talaga masyadong malala at pananakit lang ng katawan.

Kung hindi lang talaga ako namali ng hakbang kanina ay hindi lalala ng ganito ang pananakit ng katawan ko. I was supposed to go down because I asked him to go here in my house but I unfortunately fell down.

Ilang baitang rin iyon kaya talagang sumakit ang katawan ko. But that’s nothing compared to the training I had.

“Dapat hindi ka pa masyadong nag-gagagalaw,” sabi niya habang nililigpit ang kalat.

“I’m not weak, James. I can handle myself,” sabi ko at umismid saka siya inirapan.

“Tapos na?” Tanong ni Kiera at lumapit sa amin.

“Yes. Kayo?” Tanong ko.

“Ready na kami” sabi niya at tumango ako.

“Then, magsisimula na tayo,” sabi ko at tumayo.

Kumuha ako ng high chair at nilagay iyon sa gilid sa harapan habang sila naman ay nag-aayos na para makuhaan sila ng video.

Medyo masakit pa ang hita ko nang maglakad ako pero kaya ko naman na.

“'Yong mic, Kiera?” Tanong ni Samuel kay Kiera.

Nanliit ang mata ko nang makitang biglang kinabahan si Kiera at naging aligaga.

“A-Ah...eh," Nauutal na sabi niya at dumulas ang camera sa kamay niya.

Nanlaki ang mata ko at ganoon din ang mga kaibigan ko. Huli na para saluhin iyon dahil tumama na ito sa sahig. Mabilis na umupo si Kiera para suriin ang kaniyang kamera.

‘Anong kabobohan ‘yan, Kiera Craley?’

“Shit! No! No!” Inis na bulong Kiera.

Agad na lumapit sila Catherin sa kanila habang ako naman ay nakatanaw lang dahil hindi ako puwedeng gumalaw nang gumalaw. According to my doctor.

“Hala! Gumagana pa ba?” Nag-aalalang tanong ni Bernie.

“Anong nangyari?” Tanong ni James na kakabalik lang dahil tinapon niya ang basura.

Black and Pastel | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon