Prologue

3.6K 155 36
                                    

4 years ago

It was Bleik's eighteenth birthday. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay magiging katulad na siya ng kanyang pamilya.

Tonight would be her baptism and she could start using spells.

"Hoy!"

"Ay kambing na may bangs," literal na napatalon siya mula sa inuupuang bato na nakaharap sa dagat. "Rika!"

Tumatawa ang kaibigan niya habang nakahawak sa tiyan. "Ang pangit mo talaga, Bleik, kapag nagugulat ka."

"Ay nagsalita ang maganda," nakalabi niyang sagot. Well, maganda naman talaga si Rika. Marami nga lang tigyawat sa buong mukha. Teenager kasi. Hormones. 'Yun ang sabi ng healer nila. Mawawala rin 'yun.

"Ano ba'ng ginagawa mo rito? Handa na ba lahat ng kakailanganin mo mamaya para sa baptism?" Rika had a burn-like scar on the right side of her face. It was her witch's mark. It appeared right after her baptism.

"Handa na sabi ni Mama. Hindi naman niya sinabi kung ano ang kailangan kong gawin. Sabi n'ya mag-relax lang daw ako kasi mamaya, I will need all the strength I could get," sagot naman niya.

Hindi sumagot si Rika. Tumingin lang ito sa mapayapang dagat.

"Hoy, Rika, masakit ba talaga ang baptism?" tanong niya sa kaibigan. Natapos na ito three months ago at nandoon s'ya. Rika was unconscious for about five minutes after screaming and crying so loud.

"Magpakatatag ka lang, okay? Kasi sobrang sakit talaga ng baptism. Parang kinakain ng apoy ang kalamnan mo. Kaya nga fifty percent lang 'yung chance natin 'di ba na maka-survive. Dahil 'yun sa sakit. Hindi kasi makayanan ng iba," seryoso nitong sabi.

Marami nga silang kakilala na hindi naka-survive ng baptism. May mga kaibigan silang namatay dahil sa sakit ng proseso.

"Kaya nga tayo pinag-exercise araw-araw, pinapakain ng mga masustansyang pagkain at pinapatulog sa tamang oras para maging handa ang katawan natin sa uri ng sakit na dulot ng baptism."

Alam ni Bleik 'yun. Before baptism, napakakinis ng kutis ni Rika dahil sa lifestyle nila. But after she survived the excruciating pain of the whole ceremony, Rika started neglecting the healthy lifestyle she was used to. Sabi nito, reward iyun kasi mas masaya ito sa lifestyle nito ngayon.

"Paano kung hindi ako maka-survive?"

"You better survive. Manonood sa ceremony si Arun. Magpakatatag ka para hindi s'ya mawalan ng future girlfriend."

Agad namang kinilig si Bleik. Crush n'ya si Arun na classmate nila. Kababata rin nila ito kaya kilala na nila ang isa't isa. Tapos na sa baptism si Arun last month at magaling na itong witch ngayon. Masipag kasi itong mag-aral at mag-ensayo.

"Sabi n'ya manonood s'ya?"

"Oo. Sabi n'ya sa akin, secret ha. Sabi n'ya, after mong maka-survive magsisimula na siya sa panliligaw sa'yo."

Lumawak ang ngisi ni Bleik dahil sa narinig. Kahit na takot para mamayang gabi ay bigla siyang nagkaroon ng kakaibang lakas. Panibagong motivation.

Hahalikan n'ya talaga si Arun mamaya. Wala siyang pakialam kung nandoon ang kanyang mga magulang. Wala nang ligaw-ligaw. Alam naman ng buong isla na may gusto siya sa lalaki. Sino ang nagkalat? S'ya rin.

"Tara na. Gusto kong magpahinga sa bahay para may extra strength ako para mamayang gabi."

Tumawa na lang si Rika nang kumaripas siya ng takbo.

Nang gabing 'yun, pinaliguan si Bleik ng gatas at pabango saka pinasuot ng itim na damit na may manipis na tela. Halos hindi magkandaugaga ang mga ginang na naroon para ihanda siya sa kanyang baptism. Pati mga maids nila ay sobrang busy.

Baptism was a huge occasion. Mas malaki kesa sa kasal. Mas malaki kesa sa birthday.

"Anak, magpakatatag ka ha?" seryosong sabi ng kanyang ina. Gilda Harnash was a short woman with round face and brown curly hair. She was one of the most well-respected witches of their island. One of the most active. One of the best.

"Si Papa po?"

"Nasa paligid lang 'yun. Alam mo naman 'yun, nag-aalala," kuminang ang scar ni Gilda na nasa kanang pisngi nito. It was her mark that she had been carrying for twenty-two years now.

"Nandito lang naman ako," biglang sumulpot ang ama niyang nakasuot ng itim na maluwang na T-shirt at pantalon. His witch mark on his neck glistening against the light of the light bulb. His black spiky hair was all over the place. Kahit na anong pagsuklay nito sa buhok ay hindi talaga iyun naaayos.

Napatingin si Bleik sa kanyang mga magulang. Wala siyang nakuha sa mga ito in terms of physical appearance. Pula kasi ang buhok n'ya, green na mga mata unlike them who both had brown, and she was taller than them. Hindi naman siya gan'on katangkad sa height na 5'4" pero mas maliit pa rin ang mga ito.

"Papa, sa tingin n'yo, saan kaya lalabas ang witch mark ko?" naisip niyang itanong.

"Kahit saan basta 'wag lang sa mukha," matabang na sagot ng kanyang ina. She hated her mark so bad. Sabi nito, pumangit ito dahil doon.

"Dear, 'wag ka nang magreklamo. Maganda ka pa rin naman kahit nasa mukha ang marka mo. Gawa pa tayo ng kapatid ni Bleik mamaya eh para mapatunayan ko sa'yo kung gaano ka kaganda," paglalambing ni Brado sa asawa.

"Tigilan mo ako, Brado," umirap si Gilda pero makikita namang nagpipigil lang ito ng kinikilig na ngiti. Kahit na may insecurities sa katawan ang ina n'ya, her dad didn't fail to make his wife feel beautiful.

Napangiti na lang si Bleik (kahit na kinilabutan sa sinabi ng ama) habang nakatingin sa mga magulang na ngayon ay nagyayakapan na. Masaya siya. Para sa kanya, puno ng pagmamahalan ang kanilang tahanan. Bonus na lang ang kanilang kayamanan.

—-

Tumunog ang kampana sa bayan. Five minutes before midnight.

Kabadong naglalakad si Bleik sa tabi ng dagat. Wala siyang suot na pangpaa kaya nararamdaman niya ang bawat kiliti ng puting buhangin na inaapakan n'ya. May itim na belo sa kanyang ulo at may hawak siyang itim na tatlong rosas.

Sa unahan ay naglalakad ang mga matatandang witches na nagsasaulo ng mga encantation sa pangunguna ng kanyang ina. Sa likuran naman ay ang kanilang mga kababayan kasama na ron sina Rika at Arun na bumubulong din ng mga spells sa hangin. Sa pinakahuli ay ang kanyang ama na may hawak na malaking torch na ang apoy ay kulay itim.

Tumigil ang prosesyon sa harap ng isang pentagram na gawa sa itim na mga kandila. Iginiya siya ng kanyang ina sa gitna niyun at sa labas ng pentagram ay naroon ang lahat para manood.

Nagsimulang mag-chant ang mga matatandang witches at paminsan-minsan ay sumasagot ang congregation.

Lumakas ang apoy mula sa mga itim na kandila at mas lumakas ang chanting ng mga witches.

Hinintay ni Bleik ang pagdaloy ng nakamamatay sa sakit sa kanyang buong katawan. She closed her eyes in anticipation.

Any moment now...

The chanting got louder. The fire got hotter.

Any moment now...

Bleik felt a tingling sensation on her skin. But it wasn't pain.

There was nothing.

Then the chanting died. So did the fire.

Bleik opened her eyes at sinalubong siya ng mga mukhang may hindi maipaliwanag na mga ekspresyon.

"What happened?" mahina ang boses na tanong niya.

Nobody answered.

They looked at her with disgust.

Then they turned their back, leaving her at the beach.

Rika... Arun...

Even her parents.

***

One more story? Last na? 😂

I hope you read this one. And I hope you enjoy.

Have a good day.

@immrsbryant

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon