3- Deus

2K 133 25
                                    

"Hi, I prefer to be called Deus," pormal na inilahad ng lalaki ang kamay nito kay Bleik kaya takot na napaatras ang dalaga.

Deus looked confused pero ibinaba na lang nito ang kamay. Mukhang hindi naman ito na-offend sa ginawa n'ya.

"S'ya na muna ang asikasuhin ninyo, Director Losche. I can wait," sabi ni Deus saka ito bumalik sa may bintana. Sa dilim.

Tumikhim ang Director saka pinaupo si Bleik sa harap ng makintab nitong desk.

"Here," nakangiting inabutan siya nito ng papel at pen. "You must be wondering, I am familiar with the members of the Silent Magic. Our doctrines don't agree with each other but here in The Divine Lights, we welcome everyone."

The Silent Magic. Ayaw nang maalala ni Bleik ang kultong iyun pero heto s'ya, araw-araw na pinaalalahanan dahil sa itsura n'ya.

She took the pen and started writing. Her parents made sure she had the best education when she was young. She could write and read kahit na madungis siyang tingnan.

Ako po si Bleik Harnash. Hindi ako member ng Silent Magic. I tried 2 years ago but I didn't succeed. Nandito ako ngayon para sa isang bata na inaalagaan ko. Any time this week ay ide-demolish ang Slums. Wala kaming matutuluyan. Pwede n'yo bang tanggapin si Kari? 7 years old pa lang s'ya. Mabait at matalino na bata. Kung pwede, can I visit her?

She slid the paper across the desk and the Director read it quietly.

"I see. Our doors are open for Kari. You can bring her here anytime. At yes, pwede mo s'yang dalawin, Bleik," nakangiting sabi ng Director kaya nakahinga ng maluwang si Bleik.

Hindi niya inaasahan na ganito lang kadali hanapan ng matitirhan si Kari.

"But you must understand, kapag may pamilyang umampon kay Kari ay hindi mo na s'ya pwedeng bisitahin. She will have a new family. A new name and a new life," dagdag ng Director.

Natigilan si Bleik sa sinabi nito. Hindi na niya pwedeng makasama si Kari kapag inampon na ito?

"Wag kang mag-alala, we always make sure that the children go to good families."

Nanghina si Bleik sa narinig. Orphanage nga pala ito. Natural lang na ipaampon ng mga ito ang mga bata rito.

Makakaya n'ya bang mawalay sa kanya si Kari? Sa tingin n'ya naman ay oo. Nakaya n'yang mawala sa kanya ang mga taong minahal n'ya mula pagkabata. She could do it again. This was what's best for Kari. Hindi n'ya kayang ibigay rito ang lahat ng pangangailangan nito. Kari would be better off adopted by a rich family.

She signed thank you to the Director. Hindi n'ya alam kung nakakaintindi ito ng sign language but he smiled.

Nagsulat siya uli pero hindi niya iyun ibinigay sa kausap. She stood up and went to Deus' direction. She tapped his right shoulder using her index finger.

Kunot-noo siya nitong nilingon pero hindi ito nagsalita. Nakatingin lang sa kanya. She handed him the paper saka siya nagmamadaling lumabas ng silid na 'yun. Bago pa man siya nito ipahuli sa police.

—-
Kunut-noong binasa ni Deus ang note na ibinigay ng babae.

I'm sorry.
-Bleik

Huminga siya ng malalim. Buti na lang at isinuli nito ang wallet n'ya. He didn't want to go into the trouble of getting new cards right now. Pagod siya sa kanyang isang taong byahe mula Vergaemonth papunta rito sa Ribenly. At mas lalong wala siyang panahong magpunta sa Police Station para mag-file ng complaint.

"Pasensya na kayo, Mr. Bloodworth. Lage kaming nakakatanggap ng mga panauhin dito," nasa mukha ng Director ang hiya dahil pinaghintay siya nito.

Nakausap ni Deus ang kanyang kakambal na si Tiana sa pamamagitan ng spell kung saan pumupunta sila sa void at the same time. Totoong ninakaw niya ang barko ng fiancé nito na si King Alexandros. He asked her to ask him what he could do to pay him pero ayaw naman magpabayad ng lalaki pero mapilit si Deus kaya naman sinabi ni Xandros na mag-donate na lang siya sa orphanage dito sa Harkans. Dating benefactor dito ang hari. Noong nag-aaral pa ito rito. Kaya ito ang una niyang inasikaso pagkarating n'ya. Mabawasan man lang ang kanyang guilt.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon