19- A Cloaked Shadow

1.6K 118 5
                                    

Nagmamadaling binuksan ni Bleik ang pinto ng shipping container. Ayun kay Deus ay may tatlong naroon and he was inside the middle one. And he asked her to bring a bag of blood with her pero hindi niya alam kung saan kukuha ng supply since naubusan na pala ito sa apartment nito.

"Deus?" tawag niya nang walang makita sa loob ng container.

He said he would be there.

"Deus!" muli niyang tawag. Sana naman ay walang masamang nangyari rito. She was so worried when she received his call. Siya namang pag-alis nina Garren at Kari para pumunta sa Ribenly National Library kaya mag-isa siyang sumugod doon.

"B-Bleik..." finally he answered and she saw a shadow moving in the dark corner of the container.

"Deus, ano'ng ginagawa mo d'yan sa dilim?"

Her question was answered nang humakbang ito palapit sa kanya. Hindi napigilan ni Bleik ang pagsinghap at pag-atras nang makita ang mapupula nitong mga mata at ang matutulis nitong mga pangil.

Ilang beses siyang napakurap habang nakatitig dito. This was the first time that she saw him in his vampire form. At hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng takot.

Deus looked like he was uncomfortable under her scrutinizing gaze kaya nag-iwas ito ng tingin. "D-Did you bring me some b-blood?"

"I-I... w-wala ka nang blood bag sa apartment mo."

He cursed under his breath. Panay ang hinga nito ng malalim na para bang kinakalma nito ang sarili. He was suffering from bloodlust.

"When was the last time you had blood?"

Muli itong tumingin sa kanya at muntik nanaman siyang mapatalon nang makita ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Hindi lang siya sanay na iba ang kulay ng mga 'to ngayon.

"How long until you'll lose control?"

"A couple of hours, maybe. This place... This place is making my hunger more intense. It's... It's like ten times more," nahihirapan nitong sabi.

Napatingin si Bleik sa ibang bahagi ng container. May iilang natuyo nang drops ng dugo sa sahig, may blood stains naman sa wall.

"Sa tingin ko ay nasa tamang shipping container ka. These blood drops, galing ito sa ceremony. They cut us a few times to get our blood."

Nakita ni Bleik ang pagpikit ni Deus nang banggitin niya ang salitang blood. Nahihirapan ito. Kaya kahit dahan-dahang kinakain ng takot ang kanyang dibdib ay nilakasan ng dalaga ang kanyang loob. Humakbang siya palapit kay Deus kaya gulat itong napatingin sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata nito nang hawiin niya ang neckline ng suot niyang t-shirt.

"W-What are you doing?" taranta nitong tanong na mas humakbang pa palayo sa kanya.

"Deus, you need blood. Have some of mine," pinigilan niya ang panginginig ng kanyang boses.

"Bleik, I am hungry. Baka hindi ako makapagpigil. I can drain you," nag-aalala nitong sabi.

Huminga ng malalim ang dalaga. Alright. This might be a bad idea after all. She could die. But looking at him right now, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang tulungan ito. Ayaw niyang makita ang gwapo ngunit nahihirapan nitong mukha.

Inhale. Exhale. Ilang hakbang pa palapit dito ang ginawa niya sabay mas hawi pa sa neckline niya.

"Drink," matigas niyang utos.

And just like that, hindi na nakapagpigil si Deus. Mahigpit siyang hinapit nito sa beywang and Bleik gave him total access to her soft neck. The anticipation of pain was overwhelming. At nang bumaon ang pangil nito sa kanyang leeg ay napapikit na lang ang dalaga.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon