32- A Small Team

1.3K 91 14
                                    

"Weak! Weak! Paano ba kita naging anak? Nakakahiya ka!" napangiwi si Bleik nang bigla na lamang siyang batuhin ni Hanaleese ng tea cup at tumama iyun sa kanyang braso. Buti na lang at wala iyung lamang mainit na tsaa dahil naubos na ng babae.

The test the woman talked about yesterday was cutting a coconut tree down with her bare hands. No help of any tool. Just her hands.

"This is stupid! Paano ko na ipapatumba itong niyog na 'to gamit lang ang mga kamay ko? Hindi ako superhuman," sagot ni Bleik. Pawisan siya at hinihingal.

"You're a supernatural!"nanggagalaiting sigaw ni Hanaleese. Halos pumutok na ang mga ugat nito sa noo.

Nagkatinginan ang mga Silent Magicians dahil sa leader nilang nawawalan na ng kontrol sa sarili dahil sa galit.

"Cut that tree down kung ayaw mong patayin ko si Mr. Bloodworth ngayon mismo!" Hanaleese pushed her teapot and cups from the small table beside her chair.

Basag!

"Don't you dare!" naiinis na rin si Bleik.

"Oh, try me, Bleik. Try me lalo na kung galit ako."

Halos umusok na ang ilong ni Bleik sa sobrang galit. Ni walang ibinigay na tool sa kanya. Ano'ng tingin nito sa mga kamay n'ya? Gawa sa bakal?

Bakit ganito ang ina n'ya?

On second thought, she shouldn't had wondered anymore. Hanaleese grew up with the Vertex coven. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na 'yun pala ang ginagawa... ginawa ng kanyang mga ka-coven.

"You should do the initiation so you'll get your power. I'm sure you're not an impuissant. You can do easy spells. But you're very weak," sabi ni Hanaleese pagkaraan ng ilang saglit. Bumaba na uli ang boses nito na para bang kumalma lang ito bigla.

Bleik's jaw clenched. Initiation. "No. Hindi ko gagawin ang bagay na 'yun."

"All Vertex witches do it to reach our full potential. I did it. Unfortunately for me, I'm an impuissant."

"Hindi lahat ng Vertex witch ay gagawin 'yan. Garren will never do that," giit ni Bleik. Sigurado siyang hindi isinagawa ni Garren ang initiation na parte ng tradition ng mga Vertex witches.

Garren was one of the best and kindest people she knew. She didn't know a lot of people but Garren was extraordinarily good. Hindi nito gagawin ang bagay na 'yun.

"Oh, you are so naive. I'm sure she already did."

Hindi naniniwala si Bleik kay Hanaleese. The woman would do anything to break her.

"Five nights from now is the start of the moonless week. It will be the perfect time for your initiation. No moon, no other outside force to interrupt the rite," final na sabi ni Hanaleese at hindi sumagot si Bleik. Alam niyang wala siyang magagawa para baguhin ang isip nito. She didn't want to do it kaya kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi ito matuloy.

—-

Araw-araw na lumalabas si Bryce para maghanap kay Deus Bloodworth. Hindi siya close sa lalaki pero kakambal ito ng kaibigan niyang si Tiana kaya concerned siya rito. And the woman would be here today. Lagot siya dahil hindi pa niya nahanap ang lalaki.

"You'll be fine. Hindi mo kasalanan kung bakit nawawala ang kakambal n'ya," hinawakan siya ni Keira sa balikat habang nakaharap siya sa bintana.

"I could have done something," mahina niyang sagot.

"No. They were already gone when we arrived."

Sinulyapan niya si Keira. They had been together for more than a year now. He was glad they came back safe. Kapalit naman n'on ay sina Deus at Bleik.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon