5- New Employer

1.7K 122 19
                                    

Now what?

Inilibot ni Bleik ang paningin sa paligid. Umuulan nanaman at wala masyadong tao na pwede niyang pagnakawan ng wallet ngayon kaya napabuga na lang siya ng hangin.

She should really stop stealing. She tried to look for jobs before pero walang tumanggap sa kanya. During her first two years sa Harkans, nobody hired her for lack of skills. Sanay siyang may maraming katulong kaya wala siyang alam na gawin. Mas lumala lang 'yun when her mouth was sealed. People were scared of her for her appearance and for being a member of the occult.

Kaya heto s'ya, naging magnanakaw para lang maka-survive. She knew it wasn't an excuse but she tried and nobody accepted her.

She felt so helpless. Again.

Her clothes started to soak kaya naisip n'yang sumilong sa labas ng isang fastfood restaurant. Big mistake. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng pagkain kaya ang gutom na lage niyang nararamdaman ay mas lumala pa.

Napapatingin sa kanya ang mga taong dumadaan at kapag naaninag ng mga ito ang mukha n'ya ay nagmamadaling umalis ang mga ito.

"Hoy, umalis ka nga rito sa harap ng restaurant. Nakakasira ka ng business," biglang lumabas ang isang lalaki na galit na galit ang mukha.

Nag-angat siya ng mukha rito kaya agad itong napaatras nang makita siya.

"U-Umalis ka rito kung ayaw mong tumawag ako ng police!" his voice was not as loud and angry pero naroon naman ang takot, pagkadisgusto at pandidiri.

Huminga ng malalim si Bleik saka hinigpitan ang pagkakayakap niya sa kanyang sarili. Umalis siya sa lugar na 'yun.

Police. Being in jail didn't sound so bad suddenly. At least doon, may kama siyang matutulugan. Wala naman sigurong baliw na mangahas na manakit sa kanya doon dahil iisipin ng mga ito na may kapangyarihan siya.

She considered it for a second but she remembered Kari... and now Mr. Dobb. They needed her.

Homeless and flat broke, she didn't know what to do. She didn't have any idea where to go. No direction. No plan.

Dinala siya ng kanyang mga paa sa harap ng gate ng The Divine Lights. Kita niya sa playground ang maraming bata na naglalaro at nagtatawanan. Kulay maroon na bestida ang suot ng mga babae at puting polo at maroon shorts naman ang sa mga lalaki. Medyo basa na ang mga ito pero mukhang parte ng paglalaro ng mga ito ang magpakabasa sa ulan.

"Miss, papasok ka?" kaswal na tanong ng guard. Kilala na siya ng mga ito kaya hindi na siya ipinagtatabuyan. Pero napapangiwi pa rin ang mga ito sa itsura n'ya.

Umiling si Bleik. Ayaw niyang makita ni Kari na gan'on ang itsura, parang basang sisiw. Isa pa, nakikita niya ang bata ngayon. Nasa swing ito at itinutulak ng isa pang batang babae na kaedaran lang nito. She looked like she was having a good time. Ayaw sirain ni Bleik ang araw nito. She just needed to see her.

"Miss, excuse lang. May lalabas na sasakyan," anang gwardya kaya walang nagawa si Bleik. Umalis siya sa harapan ng gate at nagsimula nanamang maglakad nang walang direksyon.

Sa may di kalayuan ay may nakita siyang grupo, five of them, ng mga nakasuot ng itim na hooded cloak. Walang parte ng katawan ng mga ito ang kita pero alam agad ni Bleik kung sino ang mga iyun.

Silent Magicians.

Lumalayo ang mga tao mula sa mga ito. Wala namang ginagawa ang lima maliban sa tahimik na paglalakad at pagpasok sa isang mamahaling clothes store. About two minutes later, people started rushing out of the store. May ilan pang tumakbo para lang makalayo. Ang iba ay nadapa pa at hindi na pinulot ang mga pinamiling damit. Napailing na lang si Bleik. Paniguradong walang ginawang masama ang lima. Sadyang takot lang ang mga tao sa Silent Magicians.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon