15- Revisiting Past Emotions

1.6K 116 24
                                    

Hindi alam ni Bleik kung ano ang dapat na maramdaman habang kaharap ang lalaking dati niyang minahal. She loved him for a long time. Pero noon iyun.

"Bleik, una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nangyari kanina," ani Arun. Nasa restaurant sila ngayon ng hotel na tinutuluyan nila nina Garren at Kari.

"Alam ba nila itong ginagawa mo, Arun?" mababa ang boses ni Bleik pero nandoon ang tigas.

"No. They would kill me if they found out," anito pero hindi naman mukhang natatakot. "Uhm... K-Kumusta ka na pala?"

"Makikita mo namang okay ako," walang emosyon niyang sagot. Lihim niyang pinapakiramdaman ang sarili. Yeah, there was pain pero konti lang naman. Siguro ay 'yung pag-abandona lang sa kanya ang mas nakatatak pa. 'Yung feelings n'ya noon para sa lalaki ay paniguradong wala na. Hopefully.

"I can see that. You look good," anito.

Naningkit ang mga mata ni Bleik. "I know," hindi n'ya mapigilang sabihin 'yun.

Bakit ba ang lakas ng nais niya na ipakita sa mga ito na okay s'ya? Na hindi kawalan ang mga ito? Na okay lang siya sa kabila ng ginawa ng mga ito sa kanya four years ago?

Then it hit her. Hindi siya okay. Nagdusa siya sa loob ng apat na taon. Ngayon lang siya nakahinga nang makilala niya sina Deus at Garren. Apat na taong nawala niya ang kanyang sarili because she wanted to gain power para muling matanggap siya ng mga ito.

Hanggang ngayon ba naman ay apektado pa rin siya? Why did she want to prove them wrong so bad?

"Bleik? Are you alright?"

"Huh?" napakurap siya. May sinabi na pala si Arun pero hindi n'ya narinig. She cleared her throat before she asked. "What did you say?"

"About Mr. Bloodworth. He's your boyfriend?"

"Is Rika your wife?" ganting tanong n'ya rito. Why should he care?

"Bleik, concerned lang ako. I heard he's a vampire witch. He is very dangerous," his concern seemed genuine.

"He has not abandoned me. He has not hurt me even once. So, your point?"

Hindi agad sumagot si Arun. Nakatitig lang ito sa kanya kaya nakaramdam siya ng galit pero nandoon din ang pagkaasiwa. He used to look at her like this when they were young. Kung naging convert siya di sana ay sila ang nagkatuluyan. He was about to start courting her after her baptism.

Pero hindi iyun ang nangyari. So, bakit ganito ito makatingin sa kanya?

"Bleik, for four years, I have not stopped thinking about you. Last time I heard, you tried to join the Silent Magic. After that, wala na akong narinig na balita tungkol sa'yo. My men just lost you."

Nanliit ang mga mata ni Bleik. "Your men?"

"I had you followed for two years. I had to make sure that you're safe," sabi nito kaya mas kumulo ang dugo ni Bleik.

"Why?" halos hindi na bumuka ang bibig n'ya sa sobrang galit at sama ng loob.

"Because I loved you," walang-gatol nitong sagot kaya hindi na nakapagpigil ang dalaga.

"You loved me? How dare you!? Two years? I was living on the streets but you just watched? You didn't even lift a finger to help me? And now you're saying that you loved me."

"Alam mo ang batas natin, Bleik."

"Bawal din sa batas ng converts ang makipag-usap sa katulad ko. Isang unworthy. Bakit nandito ka ngayon? At bakit mo ako pinasundan ng dalawang taon? That was also a communication. One way nga lang because you were a coward."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon