24- The Leader

1.6K 99 17
                                    

Iyak nang iyak si Garren nang mabasa ang note na nakita nila sa labas ng pinto. Hindi nila ito mapatahan habang nagliligpit ito ng mga damit sa isang maleta.

"Saan ka naman pupunta, aber? They are watching us, Garren," sabi ni Bleik. Hindi siya ina para maintindihan ang pag-aalala nito pero mahal din niya si Kari na parang isang anak. Dalawang taon siyang naging nanay-nanayan dito kaya labis din siyang nag-aalala.

"Anywhere but here. Lalayo kami ni Kari para ligtas kami," humihikbi na sagot ni Garren.

"You can go to Vergaemonth. My family can protect you. But the travel will last for a year. Hindi natin masisiguro na walang galamay ang Silent Magic sa barko na masasakyan n'yo," sabi naman ni Deus na nakasandal sa nakabukas na pinto habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito.

Pabagsak na naupo si Garren sa kama kung saan tahimik lang na nakaupo si Kari. Hindi kakikitaan ng takot ang bata pero nasa mukha nito ang pag-aalala para sa ina.

"I'm sorry. Akala ko ay safe kayo rito sa condo ko. May tao rin siguro sila rito. Pakiramdam ko ay wala na akong magawang tama these days. Lahat na lang ng plano ko palpak," apologetic na sabi ni Deus. Alam ni Bleik na sinisisi nanaman nito ang sarili.

"This is not your fault, Deus," naiinis nang sambit ni Bleik. "May kailangan sila sa akin. Kung anuman 'yun, wala kang kinalaman d'on. Don't blame yourself for something you have no control of. Isa lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat nang 'to."

Agad na nag-react ang tatlo. Sabay-sabay pang nagsalita ang mga ito para pigilan siya pero desidido na si Bleik. Makikipagkita siya sa leader ng Silent Magic at alamin ang dahilan nito. Bakit siya ginugulo nito. At bakit siya nito kilala.

"Bleik," itinaas niya ang kanang palad para pigilan ang nakahandang speech ni Deus.

"I have to find out what she wants. Sabi mo, Garren, ang founder ng Silent Magic ay dating Vertex witch?"

Tumango ang bababe. "An impuissant. A Vertex witch who isn't strong enough to manifest any magic. So, she turned to dark sorcery. Sacrificial witchcraft specifically."

"Stealing other supernaturals' powers is what makes her and her comrades strong," pagtatapos ni Deus.

"They're the dangerous kind, you know. They stop at nothing just to be powerful. And yes, they will kill small kids. They will kill babies. Ginawa na nila 'yan twenty-years ago. Hindi ko hahayaang saktan nila ang anak ko."

"Let's fight them. Marami na akong alam na spells and Bleik is also practicing everyday. Ayan! Apat na tayo," matapang na sagot ni Kari.

"I wish it was that simple, anak. But we are ridiculously outnumbered," ginulo ni Garren ang buhok ng bata.

"Sayang naman," sagot naman nito.

"So, ano'ng plano mo?" baling ni Deus kay Bleik. Seryoso itong nakatingin sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang isip.

"Haharapin ko siyang mag-isa. Sa sementeryo, maybe. I guess I could use your help. Scout the place for her friends."

"Kaming dalawa lang ni Deus?" hindi siguradong tanong ni Garren.

"Wala tayong choice, Garren. Kailangan ko s'yang harapin para tigilan na niya tayo. Isa pa, marami akong tanong sa kanya. I need answers. Paano niya nalaman na isa akong Vertex? Hindi ako gumamit ng spell sa labas ng apartment."

"This is personal on Hanaleese's part. And I have an idea kung ano ang kailangan n'ya."

"Ako rin," agree ni Bleik.

—-

Kinabukasan, sinamahan ni Bleik si Deus sa underground cell ng library para dalhan ng pagkain sina Benny at ang babaeng walang maalala habang nagpaiwan sina Garren at Kari para maglagay ng protective ward sa buong condo unit ng lalaki.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon