13- Bitter Reunion

1.6K 124 35
                                    

Simple lang ang hotel room nina Bleik. The room was big with two queen-sized beds. May maliit na salas na may TV. Mayroon ding kitchenette kung saan pwede silang magluto anytime they want. Sa third floor sila kaya mayroon silang maliit na balcony na nakaharap sa dagat. The view was almost spectacular kung hindi lang sana madilim ang panahon ngayon. Uulan pa yata. Magkasama silang tatlo nina Garren at Kari doon.

"Limang araw tayo rito. Bukas ay sisimulan na natin ang research," ani Garren na naglalagay ng mga damit sa closet. "Are you ready to face your parents tomorrow, Bleik?"

"You're seriously asking me that?" mahinang sagot ni Bleik na nakaupo sa gitna ng kanyang kama. Tinitingnan n'ya si Kari na nasa balcony at nakatingin sa dagat.

"Well, I am sure na makakaya mo kahit na hindi ka handa. I know how strong you are."

"Thanks, Garren."

"Galing kong mag pep talk 'no?" ngumisi ito sabay kindat.

"I mean thanks for everything."

Nawala ang ngiti ni Garren at napalitan iyun ng paglambong ng kung anong emosyon sa mukha nito. Iniwan nito ang ginagawa saka umupo sa harapan n'ya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Tayo-tayo na lang ang natira sa coven natin. Hindi ko alam kung magkadugo tayo o hindi pero para sa akin, we are sisters. We should take care of each other if we want to survive this. Hindi ko alam kung hina-hunting pa rin tayo ng mga Silent Magicians pero mas mabuti na 'yung handa tayo."

"Salamat talaga."

"Mama, bakit galit sa atin ang Silent Magicians?" biglang tanong ni Kari na pumasok na ng kwarto.

"Hindi sila galit sa atin, anak. They used our coven as a sacrifice for more power. Ang alam ko, the more power they sacrifice, the more power they gain. And their leader was kind of ambitious."

"Hindi nila nakilala si Bleik? Look at her hair and eyes," anang bata.

Kumunot ang noo ng dalawang babae. Tama ang bata. Bakit nga ba?

"I-I don't know," ani Bleik. "Marami kami noon na gustong sumali sa Silent Magic. I think their main focus is to have more members. They didn't even do background checking. We just did the ceremony and then when I did not succeed, they thew me out to the streets."

"All three of us together, our appearance is conspicuous. We have to change our hair color."

Napatingin si Bleik kay Garren. Tama ito. At iyun nga ang ginawa nila. Bumili sila ng hair dye at contact lenses para kay Bleik. Wig na mababa naman para kay Kari na kulay itim.

Natatawa pa sila dahil mukhang huli na nilang naisip ang bagay na ito. And thanks to Kari for that. Ang talino talaga ng bata.

Platinum blonde ang napiling kulay ng buhok ni Bleik at purple naman na contact lenses at itim na hair dye din kay Garren at walang contacts para parehas pa rin ito kay Kari.

Kinabukasan, naghahanda na sila para pumunta sa bahay ng kinilalang mga magulang ni Bleik. Kabado siya at pinagpawisan. Hindi talaga siya handa para rito. She was gone for four years pero pakiramdam niya ay kahapon lang siya itinakwil. The wound was still fresh and bleeding.

Magagalit ba ang mga ito kapag nakita s'ya uli?

Matutuwa? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Imposible.

At dinagdagan pa ni Kari ang kanyang mga iniisip dahil may naisip nanaman ito.

"Bleik, mas maganda ka 'pag ganyan. Mama, lagyan mo ng makeup si Bleik," excited na sabi ni Kari. "Tapos pasuotin n'yo po ng sexy para mukha na s'yang artista."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon