Nanginig sa kilabot si Bleik nang marinig ang plano ni Deus kung paano nila hahanapin ang mga kaibigan ng kakambal nito. It sounded dangerous at hindi siya sigurado kung makakaya n'ya 'yun. But she asked for this. She wanted to be involved. Now, she was!
"Sigurado ka bang kaya mo?" tanong ni Garren na nag-aalala rin.
"Saan ka pupunta, Bleik?" tanong ni Kari na kasalukuyang kumakain ng muffin. Nakasuot pa ito ng school uniform na kulay maroon na blazer at itim na palda.
"May gagawin lang kami ni Deus. At kaya ko 'to, Garren," pero sa loob-loob n'ya ay hindi siya sigurado.
"Ano'ng gagawin n'yo?" curious na tanong ng bata at sasagot na sana siya pero naunahan na siya ni Garren sa mga lutang nitong sagot.
"Mga bagay-bagay na tanging matatanda lang ang pwedeng gumawa kaya 'wag ka nang matanong dahil bawal ka pa. Bata ka pa."
Gulat na napatitig si Bleik sa babae. Pinagsasabi nito?
"Wag ka na nga lang makinig d'yan sa ina mo. Kung anu-ano ang pinagsasasabi," inis na sabi ni Bleik.
"What did I say?" tanong naman ni Garren pero sinagot n'ya lang ito ng irap.
"Pupuntahan ko muna si Benny bago kami aalis ni Deus. Dadalhan ko s'ya ng dugo," aniya saka kinuha na ang cooler na inihanda ni Garren. May dalawang blood bags sa loob n'on para sa rasyon ni Benny for two days.
"Take care. Dadalhin ko pa itong makulit sa school."
Tuluyan nang nagpaalam si Bleik. Sumakay siya sa isang taxi at nagpahatid na sa Ribenly National Library. Since kilala na naman siya ng guard ay hindi na siya dumaan sa usual na inspection.
Dumeretso siya sa underground kung saan may mga seldang naroon. Kung bakit mayroong gan'on doon ay hindi niya alam.
"Benny..." mahina niyang sabi nang nasa harapan na siya ng selda ng babaeng Turned.
Nilinis nila ang selda na ginagamit nito. May kama roon, may banyo, mesa, mga libro.
"Dugo!"
"Ay putek!" gulat na napaatras si Bleik nang bigla na lamang sumulpot sa harapan niya si Benny na may mapupulang mga mata. Tila nagka-crack din ang balat nito sa mukha. Buti na lang at may rehas sa pagitan nila kaya hindi siya tuluyang natakot dito.
"Dugo," Benny hissed. Her voice was hoarse from all the screaming. Madungis din ito dahil hindi nito pinapansin ang mga malinis na damit na dinadala nila.
Huminga ng malalim si Bleik. Kelan kaya ito mabibigyan ni Deus ng oras? She tossed the first blood bag at maliksi iyung nasalo ni Benny. Sa isang iglap lang ay naubos iyun ng babae. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Ibinigay niya rito ang pangawalang bag. Nang natapos ito ay tumalikod na siya para umalis.
"E-Excuse me..."
Kunut-noo siyang napatingin sa isa pang selda na nadaanan niya. It was the lady that Deus got from the fishport. Nalinisan na nila ito at nalaman ni Bleik na nasa siguro ay nasa early forties na ito.
"Hi," nakangiti niyang bati rito.
"P-Pwede na ba akong lumabas? Bakit n'yo ako ikinulong dito?" hindi naman ito galit. Mukhang nagmamakaawa pa nga.
"Ah eh..." hindi alam ni Bleik kung ano ang isasagot. Bakit nga ba ito nandito? Alam niyang may rason si Deus pero hindi pa niya alam.
"Iyung lalaki na nagdala sa akin dito. Mapupula ang mga mata n'ya," nanginig ito na para bang kinilabutan sa vampire state ni Deus. "He's a vampire, isn't he?"
BINABASA MO ANG
CURSED
FantasyBleik had a wonderful family and friends. Everything was good. The boy she had a crush on had eyes on her too. But on the night of her eighteenth birthday, everything changed. She wasn't worthy to have everything she had. Now, she was alone.