17- Reconciliation

1.6K 115 17
                                    

Deus closed the last book about clairvoyance in the Sanctuarium. Ilang oras din siyang naghanap at nagbasa. Pinalitan na ng isang lalaki ang matandang curator. Pero wala pa rin siyang mahanap na pwedeng makatulong sa kanya.

Sinulyapan niya ang hawak na cellphone na wala man lang isang mensahe mula kay Sophia pero at least ay binabaha ng mensahe mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

3:05 in the morning. Ang tagal na niya roon. Nakaramdam na rin siya ng pagod kaya ibinalik na niya sa shelves ang mga librong ginamit at nagpaalam sa bagong tagabantay na masama ang tingin sa kanya. Gan'on na talaga siguro ang ugali ng mga Converts. Parang galit sa ibang uri ng witches at mortals. To think na dati rin namang mortal ang mga ito.

Malakas pa rin ang tugtog sa may beach kaya alam ni Deus na buhay na buhay pa rin ang party ng mga tourists doon. Dumeretso siya sa may kakahuyan kung saan naroon ang cabin ng kakilala niya.

Halos wala nang apoy sa fireplace kaya medyo malamig sa loob ng cabin. Dahil nasa ilalim ito ng malalaking puno kaya mas malamig ang temperatura doon kumpara sa may beach.

Naririnig din niya ang mahihinang hilik ng kanyang mga bagong kaibigan. Mapait siyang napangiti. He would love to hangout with them. Masasaya at mabubuting tao ang mga ito. He would have enjoyed their company if it wasn't for this curse.

"Deus... nandito ka na pala," gulat siyang napatingin kay Bleik na kakapasok pa lang ng cabin. Nakasuot ito ng puting turtleneck sweater, jeans at sneakers.

"Late na ah. Saan ka galing?" hindi niya mapigilang itanong.

"Ah d'yan lang sa labas. Nagpahangin," sagot nito na hindi makatingin sa kanya. May kung ano pa itong tinatago sa likod nito.

"Bleik..."

Huminga ito ng malalim saka lumapit sa kanya. Ni hindi ito makatingin sa kanya. Did she go out to meet Arun? Bakit guilty masyado ang mukha nito?

Inilabas nito ang kung anong nakatago sa likod nito and it turned out to be some kind of a book.

"I snuck into my old room to get my old photo album," she said sheepishly.

Hindi agad nagkomento si Deus. Nakatingin lang siya sa photo album na kulay pink. May iilang stickers pa iyun ng mga cute na cartoon characters.

"It's dangerous to go there alone, Bleik. They can hurt you," nag-aalala niyang sabi. Mr. and Mrs. Harnash were not exactly pleased to see their daughter again.

"I just have to have this. It's full of my childhood memories. Hanggang sa naging teenager ako. Sa pamamagitan nito, I can prove to myself that I once had a life, friends and family. Para kasing naiisip ko minsan na hindi talaga nangyari ang past ko. Parang panaginip lang."

Napatitig si Deus sa dalaga. He couldn't even imagine how lonely she could be. Yes, he was lonely being far from his loved ones but at least he still had them. Bleik on the other hand, had no one to go back to. He was glad she found Kari. Kaya magkakasama sila ngayon. Iyun ay dahil natagpuan nito at inalagaan ang bata.

"Gusto ko lang makita ang past ko. My happy past," malungkot nitong dagdag.

Ibinalik ni Deus ang album dito. This was her treasure. Wala siyang karapatang kunin iyun sa dalaga.

"You have us now," sabi niya rito.

Isang maliit na ngiti ang sumilip sa mga labi nito. Alam niyang masaya rin ito na hindi na ito nag-iisa.

"Why don't you go to bed now? It's late, Bleik."

Tumango ito. "Good night, Deus."

"Good night, Bleik."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon