20- A Baby and An Air Ship

1.7K 131 48
                                    

Nag-aalala pa rin si Bleik kay Deus nang magpaalam ito na maghahanap muna ng dugo. Malamang ay babalik nanaman ito sa blood bank. Hopefully ay may makuha ito.

"Bleik, kumuha ka ng sage at garlic sa kusina. Samahan mo na rin ng tatlong kandila at bowl," agaw ni Garren sa atensyon n'ya. Napaisip pa tuloy siya kung ano ang lulutuin nito sa salas.

Wala na lang siyang sinabi at sinunod ang utos nito. Nang bumalik siya sa salas ay kumuha ng pebbles si Garren mula sa malaking vase sa gilid ng sofa.

"Ano'ng gagawin mo?" tanong niya pero may ideya naman siya na may gagawin itong spell, hindi nga lang niya alam kung ano.

"Kailangan natin ng protection. The witches of the Silent Magic are dangerous. They are evil, Bleik. They kill powerful beings to gain power themselves. 'Yun ang hindi naiintindihan ng mga mortal eh. Akala nila ordinaryong kulto lang ang Silent Magic, hindi nananakit. Alam mo kung bakit sila takot sa kanila? Because of how they look."

"Tinawag akong mangkukulam dati. Ibig bang sabihin n'on ay naniniwala silang may kaya akong gawin kahit maliit na magic lang?"

"Tinawag ka nilang mangkukulam dahil alam nilang wala kang kapangyarihan. Alam nilang wala kang magagawa kahit na i-bully ka nila. Sa tingin mo ba ay gagalitin ka nila kung naniniwala silang kaya mo silang gawing palaka?"

Garren had a point. Maybe people were just scared of the Silent Magicians' look, the sealed lips look.

"That shadow, sino sa tingin mo ang hina-hunting? Ikaw o si Deus?" ani Garren sabay kuha ng lighter na nasa ashtray na nasa ibabaw ng end table. Kung bakit may lighter d'on ay hindi alam ni Bleik. Wala naman kasing naninigarilyo sa kanila sa bahay na 'to.

Umiling si Bleik. "Bakit naman ako? Walang nakakaalam kung ano talaga ako maliban sa atin. Pero alam mo kung ano ang weird? I think that shadow helped me."

Kumunot ang noo ni Garren habang ina- arrange ang pebbles sa ibabaw ng coffee table. "What do you mean?"

"When Deus was consumed by hunger, wala s'ya sa sarili n'ya eh. He couldn't stop himself. He almost drained me, Garren. Hindi ko rin s'ya mapigilan dahil nanghihina na ako. Then, bigla na lang siyang tumilapon. Hindi ko alam kung aware siya sa nangyari. Doon ko nakita ang aninong 'yun. When Deus was himself again, saka naman nawala 'yung anino."

"And you didn't tell him this because? Why?"

"Ayokong isipin n'ya na hopeless s'ya. He almost drained me, Garren. He almost killed me."

"And it sucks because you still want to protect him. I think that's what love is all about," ani Garren na tila hindi pinag-iisipan ang sinasabi.

"Ano'ng love pinagsasabi mo d'yan?" napataas bigla ang boses ni Bleik kaya napatingin sa kanya si Garren.

"What?" lito nitong tanong.

Kumunot din ang noo ni Bleik "What?"

"Whatever. Tumahimik ka nga muna habang inaalala ko ang tamang spell para rito."

Sumimangot na lang si Bleik. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ni Garren. Nanahimik na lang siya at pinanood ang babae nang bigla na lang may nag-ring na phone.

"Answer your phone in your room please. I need some peace," ani Garren.

"That's not mine," kunut-noong sinundan ni Bleik ang ingay at nahanap n'ya ang isang itim na phone sa ilalim ng couch.

Tiana calling...

"This is Deus' phone," aniya.

"Sagutin mo. Baka importante," ani Garren kaya sinunod naman ni Bleik.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon