Epilogue

1.7K 102 30
                                    

Nanya

Hindi makapaniwala si Nanya na babalik pa siya sa isla ni Hanaleese. She didn't have a lot of fun memories in this place.

Then she looked around. Maraming mga mortals ang nagtutulung-tulong para muling buhayin ang isla.

Men, women, children, old people, everyone helped in building houses, making boats, planting trees, cultivating vegetable gardens and raising livestock.

Ang masasayang mga bata ay naghahabulan sa dalampasigan.

"Nakakapagod," biglang lumapit sa kanya si Rosha. Ilang araw pa lang niyang nakilala ang babae pero magaan na agad ang loob niya rito.

"Tapos na ang ginagawa ninyong bahay?" tanong niya rito.

"Hindi pa. Naku! Ikaw ba naman ang gumawa ng malaking bahay."

Napangiti si Nanya. Walo ang anak ni Rosha. Plus may boyfriend pa ito. The woman needed a huge house.

"Everything will be better from now on," aniya at isang malaking ngiti ang naging sagot ni Rosha.

"Safe na talaga tayo? Wala na talagang Silent Magicians? Our heroes eliminated all of them?"

Tumango si Nanya. "Our heroes sacrificed their lives to give us this, freedom."

Bumaha ang lungkot sa mukha ni Rosha. "And home."

"And home," agree ni Nanya.

Ngayon ay si Nanya na ang magiging mayor ng isla. The continent of Ribenly had agreed to absorb their new home as part of it.

"So, sa bahay ni Hanaleese ka titira?" tanong ni Rosha.

"Oo. Sayang naman kasi hindi naman nasira. May ilang nabitak sa sahig dahil siguro sa mga lindol pero habitable naman."

"Oh, s'ya. Ikaw na ang leader ng isla. Kung may kailangan ka, handa kaming tumulong. Salamat talaga at hinayaan mo kaming mga taga-Slums na lumipat dito. Wala kasi talaga kaming mapuntahan."

"Hindi ko plano ito, Rosha. Si Deus ang nag-suggest nito. Tsaka, ayaw mo namang maging mayor dito so, he asked me. At least panatag siya dahil kilala n'ya naman ako."

"He made the right decision. S'ya nga pala, wala bang natira sa mga recruits na gustong maging Silent Magicians?"

Lumungkot ang mukha ni Nanya. "Marami sa kanila ay naging Silent Magicians. Kaya marami ang nakaharap nina Deus n'ong umatake sila. 'Yung iba pinatay ni Hanaleese for petty reasons."

"How about the imprisoned supernaturals?"

"'Yung iba na-sacrifice ni Hanaleese pero may iilang students mula sa boarding schools ang na-rescue after..." hindi natapos ni Nanya ang sasabihin dahil biglang nagbara ang lalamunan n'ya.

...after their sacrifice.

"Anyways, iyung mga na-rescue na mga supernaturals ay nakauwi na sa kanila."

Malungkot ang reaksyon ni Rosha. Alam niyang maging ito ay nalulungkot sa mga buhay na nawala during the battle.

"Let's make their sacrifices worth it. 'Wag nating sayangin," sabi na lang ni Nanya at agad na sumang-ayon si Rosha.

Greg

"Tinanong mo ako dati kung nagsisi ako na isinakripisyo ko ang ama ni Kari. Siempre, nagsisi ako. I'm not a cold-blooded murderer," naririnig pa rin ni Greg ang malamyos na boses ni Garren.

Nakaapak siya ngayon sa baybayin at abot ng tubig ang kanyang mga paa.

"Mabuti pa kayo, bumabalik sa akin kahit ilang beses kayong lumalayo," kausap niya sa maliliit na alon. "Samantalang si Garren..."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon