9- New Life

1.7K 136 24
                                    

Garren's apartment was in the same building as Deus' but it wasn't underground. As a matter of fact, kabaliktaran ang location ng dalawa since nasa twentieth floor sila ngayon at kita ang buong city mula roon.

"This should be more expensive than the underground apartments. Ang ganda ng view dito," naisip n'ya habang nakatayo sa harap ng glass wall.

But the advertising and marketing for the underground apartments made it seem like they were fancier. In some way, maybe they were.

At napansin din niya na hindi kasing ganda ang interior ng apartment na 'to. Deus' looked new, modern, and very well taken care of. Garren's looked kind of older and the wall paint was faded!

"Mama, ang ganda po ng apartment n'yo. Mas maganda pa kaysa kay Mr. Deus," narinig ni Bleik na komento ni Kari.

"Liar," natatawang sabi ni Bleik sa sarili.

Natawa nga si Garren sa sinabi ni Kari. "Anak, Mama mo ako. 'Wag kang magsinungaling sa akin."

Tumawa ng malakas si Kari. "Okay po. Mas maganda ang apartment ni Sir Deus."

"Good girl. Anyway, Bleik, we have two rooms here. Itong sa'yo."

Nilingon ni Bleik ang mag-ina saka lumapit sa kwartong itinuro ni Garren.

"Don't worry. Kukunin ko 'yang mga libro para maging komportable ka," anang babae saka umalis.

Tama nga ito. The room had a twin-sized bed in one wall samantalang sa kabilang wall ay isang shelf na puno ng napakaraming libro. There was also a table in the middle na may nakatambak at hindi naka-arrange na mga libro. There were books everywhere. On the bed, on the floor. Napakagulo ng kwarto.

Bumalik si Garren na may dalang malalaking boxes. Sinimulan na nitong ilagay doon ang mga libro kaya agad na tumulong si Bleik. Pati si Kari tumulong na rin pero para rito ay laro lang ang ginagawa nila.

Two hours later ay nagmukha nang bedroom ang silid kaya nakahinga ng maluwang si Bleik. That was hard work.

"Magpa-deliver na lang tayo ng food ha. I'm too exhausted to cook. Isa pa, we need to celebrate Bleik's first meal after ages."

Pumalakpak si Kari.

She actually had her first meal back in Deus' place, the porridge that Garren made. But it didn't taste any thing at all. Kaya excited siyang kumain ng mas masarap na pagkain.

"Si Sir Deus hindi kasama?" tanong ni Kari.

"I asked him before we left pero may importante yata siyang gagawin."

Lumungkot ang mukha ni Kari.

"Wait a minute. Bakit malungkot ka?" natatawang tanong ni Garren sa bata na agad namula.

"Ang gwapo gwapo ni Sir Deus. Parang artista," sabi ng bata saka itinago ang namumulang mukha sa likod ng mga kamay nito.

Tumawa nang malakas si Garren. "Anak, magkakasundo tayo."

Masayang pinagmasdan ni Bleik ang mag-ina. Ang bilis na maging close ng dalawa. Parang hindi man lang nagkahiwalay ng dalawang taon. Dala yata ng lukso ng dugo.

"Bleik, ano sa tingin mo?"

"Huh?" napakurap si Bleik nang mapansing nakatingin na pala sa kanya ang mag-ina na para bang naghihintay ng sagot. "T-Tungkol saan?" Her voice sounded better now. Hindi na tunog palaka na may sipon. Tunog palaka na lang.

"Gwapo ba si Sir Deus?" Kari's eyes were dreamy.

Naalala ni Bleik ang mukha ng lalaki. His messy dirty blond hair. His lean body under his shirt (where the muscles on the right places were hidden). How did she know? Minsan kasi ay nagsusuot ng hapit na workout clothes and lalaki. His prominent and manly jaw. And his turquoise eyes, they had a language of their own. Nangungusap ang mga 'yun. He seemed to smile easily but his eyes conveyed something else. Something lonely.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon