40- Let Love Prevail

1.4K 109 14
                                    

"Hetong kumot. Sigurado kayong okay lang kayo rito?" tanong ni Malik sa grupo ng mga dalaga na nakaupo sa pew ng chapel ng Divine Lights.

Ayun kay Deus, isa itong benefactor ng relihiyon na 'to at malaki na ang na-donate nito rito kaya walang pagdadalawang-isip na tinanggap sila ng director.

"Oo. Salamat, Malik," halos sabay-sabay na sagot ng mga babae at binigyan n'ya ang mga ito ng simpatikong ngiti.

"Just call me if you need anything, ayt?" he winked kaya namilipit ang mga ito. Nakangiti siyang lumayo sa grupo at lumapit sa mahabang mesa kung saan nag-setup ng mga kakanin at kape ang Divine Lights.

"Tigilan mo nga 'yang pagiging womanizer mo. Kita mo na nga't homeless na ang mga 'yan," saway ni Tiana nang lumapit ito sa kanya.

He rolled his eyes. "Tiana, kita mo 'tong mukha ko?" itinuro n'ya ang sariling mukha.

"Oo, kitang-kita. Pangit," pairap nitong sagot.

Malik groaned in annoyance. "Ikaw pa lang ang tumawag sa akin nang pangit which means it's a lie. And I know it's a lie. I know how handsome and charismatic I am."

Umikot ang mga mata ni Tiana. Alam nitong gwapo naman talaga s'ya.

"Itong mukhang 'to ay nagbibigay ng tulong sa kanila, okay? Nababawasan ang sama ng loob nila kapag nakikita nila ang gwapo kong mukha."

"Eww," Tiana answered, while pretending to vomit.

"Selos ka lang. Hindi ka na kasi pwedeng makipag-flirt kasi nakatali ka na kay Xandros Black."

"Alexandros Xanthos Blackbourne. King of the Blackbourne continent," taas-kilay nitong pagtatama sa sinabi n'ya pero pinaikot n'ya lang ang kanyang mga mata.

"I still like Xandros Black better."

"Whatever, Malik."

Binigyan n'ya lang ng isang malaking ngisi ang kaibigan saka ito kinindatan.

"Eww," she said with a sour face.

Kapwa sila napatingin sa mga bagong dating at sabay pa silang napabuntung-hininga.

"She's getting worse, isn't she?" aniya habang nakatingin kay Garren na maputlang-maputla. Ilang araw pa lang ang nakalipas mula n'ong mawala sina Kari and Garren already lost so much weight.

Nakaalalay si Greg sa babae at nasa likuran naman sina Keira at Bryce na mukhang binagsakan ng langit.

"Mahahanap pa kaya natin sila?" mahinang tanong ni Malik.

"We have to try and exhaust all our options. We can't give up," ani Tiana.

"Before arriving here, I didn't expect to have all these problems. Akala ko, si Deus at si Bleik lang ang iri-rescue natin. Pang-one time na mission."

"That's life, Malik. It's unpredictable. Sige na. Bumalik ka na sa pamimigay ng kumot," ani Tiana saka siya iniwan.

Napapailing na lang na bumalik siya sa trabahong naka-assign sa kanya.

Nang mabigyan niya ng kumot ang lahat ay saka siya bumalik sa mesa at kumuha ng isang muffin. Akmang kakagat na siya nang may mapansin siyang kung anong anino sa labas ng bintana.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon