8- Unsealing

1.7K 131 17
                                    

Deus turned off his phone. Fifty messages. He sent fifty messages to Sophia and he hadn't received a reply. Not even one. Akala n'ya noong una ay nasa mission ito kaya hindi s'ya nag-alala. But Cole just texted him a few hours ago. Sophia had been in Gerhardt manor for a week now.

Bakit hindi ito nagre-reply sa kanya? Bakit hindi nito sinasagot ang mga tawag n'ya? Laking pasalamat nga n'ya na abot ng technology dito ang Vergaemonth pero hindi naman nagmi-message ang gusto niyang makausap.

"Mr. Bloodworth..."

Nag-angat siya ng tingin kay Ms. Yang. They were in his apartment. They were going to do the unsealing ceremony there. She didn't want to do magic in her house. Ayaw nitong i-risk ang safety nito lalo na ngayong natagpuan na nito ang anak na dalawang taong nawalay rito.

"Is everything ready?" tanong niya sa babae.

"Yeah. Naihanda ko na lahat ng gagamitin. I also got the right spell from one of the books in the library. Si Bleik na lang ang hinihintay ko," sagot naman ni Ms. Yang.

"Why? What is she doing right now?"

"Kanina pa s'ya pumasok ng banyo."

Hindi sumagot si Deus. Kung nagdadalawang-isip si Bleik ay hindi naman nila ito pipilitin. She needed to get rid of the seal. She needed to eat in order to be alive. Pero kung ayaw nito then wala silang magagawa.

"Mr. Bloodworth-."

"Please, call me Deus. Mr. Bloodworth is too formal. I feel old," aniya na bahagyang nakangiti.

Ngumiti naman ang babae. "Call me Garren then. Anyway, I'm wondering how and why did she last this long? Two years without food?"

"It's not because she had her mouth sealed through magic? Magic didn't do that?" nagtatakang tanong ni Deus.

"It could be but she didn't get magic from the Silent Magic. Something made her survive this long. And it's not from that dark magic."

"How are you so sure?"

"I don't know. Sa tingin ko, may ibang source siya ng magic."

Tumangu-tango si Deus. Sa tingin n'ya ay may ideya na siya kung ano ang source na 'yun. Pero hindi siya sigurado.

"Lumabas na si Bleik," sigaw ni Kari. Sa tingin ni Deus ay talagang nag-abang ang bata sa labas ng banyo.

Tumayo si Deus at sabay na silang nagtungo sa kwarto nina Bleik at Kari.

"You okay?" agad na tanong ni Garren kay Bleik nang maabutan nila itong nakahiga sa queen-sized bed na naroon.

Tumango ang babae saka dahan-dahang umupo. Napansin ni Deus ang panginginig ng mga kamay nito.

"We should do the spell together," nilingon siya ni Garren kaya nawala kay Bleik ang tingin n'ya.

"Pati ako?"

"Deus, the sealing ceremony was done by the whole coven of the Silent Magic. It's a very long and exhausting ritual. Your strength will be equal to one coven of witches."

"Thanks for the compliment, Garren," naiiling na sagot ni Deus pero nakangiti naman. Nasulyapan n'ya si Bleik na nakakunut-noo na nakatingin sa kanya kaya nagbawi siya ng tingin.

"Just stating the obvious," sagot naman ng babae.

"So, paano natin gagawin 'to?"

"I will show you the book. It explains the spell that we will use."

"Okay."

"Kari, please give me the Silent Magic book," tawag ni Garren sa anak na agad namang sumunod.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon