18- Fishport

1.7K 112 14
                                    

Binisita ni Deus ang mga boarding schools na inatake ng Silent Magicians. Sinunog ng mga ito ang mga buildings, may mga estudyanteng injured, iyung mga lumaban ay pinatay ng mga walang awa na dark witches. It was total chaos and destruction. Iyung mga nakaligtas ay nagsimula nang lumikas. Marami sa mga estudyante rito ay nagmula pa sa iba't ibang continents kaya uuwi ang mga ito sa mga pamilya ng mga ito.

"How many did they take?" tanong ni Deus sa headmaster ng isa sa mga boarding schools. Isa iyung matabang lalaki na may mahabang kulay gold na buhok.

"Ten Purebloods from Blackbourne. Three witches from Hellville City," nanghihinang sagot ng headmaster na isang vampire-human.

Napahinga ng malalim si Deus. At talagang kababayan pa niya ang tatlo sa mga na-kidnap.

"Ano'ng gagawin ng Silent Magic sa kanila?"

"Kung hindi mo pa alam, Mr. Bloodworth, Silent Magic is a cult of sacrificial witches. They sacrifice powerful vampires and witches to gain more power."

"So, they're going to sacrifice those kids."

"I am ninety-nine percent sure that they will. It's just sad that people don't believe that they are real monsters. Wala naman kasi silang ginagawa to prove the rumors about them to be true. Natatakot lang ang mga tao sa itsura nila," malungkot na sabi ng headmaster.

"Until now. Ngayon ay ipinakita na nila sa mga tao itong atake na ginawa nila."

"You're right. Para bang pinatunayan na nila sa mga mamamayan dito na dapat talaga silang katakutan."

Tumango si Deus. "They're up to something aside sa pandudukot ng mga powerful na sacrificial lambs. May nakakaalam ba kung saan naglulungga itong mga taga- Silent Magic?"

"Unfortunately, no. Kahit iyung mga gustong sumali ay hindi dinadala sa main headquarters nila hanggang sa matanggap sila."

"So, Bleik might not know either," naisip ni Deus dahil hindi naman natanggap si Bleik.

"Marami ring mga Purebloods na natangay mula sa ibang schools," dagdag ng headmaster.

Frustrated na napasabunot na lang si Deus sa kanyang sarili.

"Thanks for the help, Headmaster," aniya saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyun.

Dumeretso si Deus sa apartment ni Garren kung saan naghihintay ang mga ito. Nailagay na nila sa underground cell ng Ribenly National Library si Benny at nasigurado nilang komportable at secured ito.

"Ano'ng balita?" salubong ni Bleik.

"Walang nakakaalam kung nasaan ang headquarters ng Silent Magic."

"Alam ko kung saan sila tumatanggap ng new recruits," anang dalaga.

"Good. Then we can capture one of them then let's torture him or her for information," ani Garren na parang nakaisip pa ng magandang idea.

"Garren, tumigil ka nga," saway ni Bleik dito. Buti na lang at wala roon si Kari dahil natutulog ito ngayon. Kung anu-ano kasi ang naiisip ng ina nito.

"I agree with the kidnapping one Silent Magician but we will not torture them, Garren," ani Deus. "But first, ano ba ang nalalaman natin tungkol sa kultong ito?"

"Well, ayun sa rumors they're mangkukulam and that rumor turned out to be true. Well, matagal na naman nating alam na totoo naman talaga," ani Garren.

"Ano pa?" ani Deus.

"Iyung sinabi kong nasa dugo ng Vertex witches ang kapangyarihan natin, totoo 'yun. Pero minsan, may mga batang hindi gifted enough para ilabas ang powers nila. They are called impuissant. Their blood is useless since they can't use it. Para silang mga mortals but there's a great source of power inside them."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon