Dali-daling iniwan ni Deus si Nanya dahil bigla na lamang nitong hinubad ang suot na damit nang makapasok ito sa silid nila. Silid nila. He shivered in the thought. Wala siyang magagawa dahil iyun din naman talaga ang silid ng babae.
Ilang araw na siya nitong inaakit. Aaminin niyang sobrang ganda ng babae. Marami sa mga recruits ang nagsasabing napakaganda nito at napakabait pa. Napakaswerte raw niya at roommate n'ya ang babae.
"Deus, saan ka pupunta? Kakatapos lang maligo ni Nanya ah," sabi ng isang mortal na lalaki na nakasandal sa isang poste ng kuryente. Kasalukuyan itong naninigarilyo kasama ang tatlo pang lalaki.
"Tiyak ang bango-bango n'on. Bakit ka umalis?" sabi ng pangalawa na kaedad n'ya lang yata. This one looked decent. 'Yung iba mukhang mga hindi naliligo.
"Bakla ka ba?" direktang tanong ng pangatlo at nagtawanan ang mga ito.
"Sayang naman 'yang mukha, height at katawan mo," dagdag ng pang-apat.
Nagkibit-balikat lang si Deus. "First, hindi ko s'ya type. Second, no, hindi ako bakla. Just don't like her."
Nagtawanan nanaman ang apat.
"Defensive," pang-iirita pa ng pangalawa at muling nagtawanan ang mga ito.
Hindi na lamang pinatulan ni Deus ang mga lalaki. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Kung saan pupunta, hindi niya alam.
Palubog na ang araw at tapos na ang pagtatanim nila ng gulay sa farm kanina. Maya-maya lang ay tutunog na ang bell para sa hapunan.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa baybayin kung saan may mga batang naglalaro ng habulan. May mga Silent Magicians din doon na nanonood ng sunset. Ang iba ay nakataas pa ang mga braso sa harap ng papalubog na araw.
A few fluffy clouds were scattered on the red- and orange-tinged sky. If he didn't know better, he would think this place was a paradise and that the people here were not monsters.
Umupo si Deus sa isang batong nakausli malayo sa mga taong naroon. He watched people as they continue to enjoy the beach. Their life seemed so... normal and simple. Like they were really happy and free especially the children.
"Deus," kumaway pa ang mga recruits na dumaan. They also looked content.
Maybe because this was here where they want to be. Sila ni Bleik, they didn't belong here.
He looked at the sunset again and something caught his eyes. He saw something in the horizon. He squinted his eyes to see it clearly. There certainly was a ripple in the air.
Agad siyang napatayo na para bang makakatulong 'yun para makita n'ya nang mas maayos ang ripple na 'yun.
Deus quietly cursed Hanaleese for suppressing his vampire abilities. If only he had his vampire sight then he would have a clear vision of that suspicious ripple in the air.
"That's a ward."
Muntik nang mapatalon si Deus sa babaeng biglang nagsalita sa tabi n'ya. He cursed Hanaleese again. He didn't have his vampire senses.
"Nanya," aniya. Pinilit niya ang kanyang sarili na kumalma. Nagulat talaga s'ya at hindi siya sanay. He used to feel what was coming even before he saw or heard it.
But now...
Ngumiti sa kanya ang babae at namumungay ang mga mata nito.
"Ano ba talaga ang kailangan n'ya sa akin?" tanong ni Deus sa kanyang sarili.
"Like I said, may ward na nakapalibot sa buong isla. Hanaleese makes sure na hindi tayo nakikita rito ng mga dumadaang mga barko. Isang barren island ang nakikita nila," pagpapatuloy ng babae.
BINABASA MO ANG
CURSED
FantasíaBleik had a wonderful family and friends. Everything was good. The boy she had a crush on had eyes on her too. But on the night of her eighteenth birthday, everything changed. She wasn't worthy to have everything she had. Now, she was alone.