26- Bloom

1.6K 108 12
                                    

Hindi mapakali si Garren habang naghihintay sa loob ng Fronziert Cafe. She just had the worst day of her life and she was still shaking. Sa mga braso n'ya ay ang kanyang umiiyak na anak. Both of them were captured by Silent Magicians and were hung upside down together with Mr. Dobb and Benny. The old man wasn't so lucky. Muling kinilabutan si Garren sa nasaksihan.

Napatingin siya sa kanyang anak who was scarred by that barbaric and heinous crime done by the Silent Magic. Kung pwede nga lang niyang tanggalin ang experience na 'yun sa isip ng bata.

"Where are they?" tanong niya, not really waiting for a response. Sino ba naman kasi ang may alam?

Kasama nila ni Kari sa loob ng cafe si Benny. Laking pasalamat ni Garren nang pakawalan sila ng mga naka-cloak na members ng Silent Magic. Nang maibaba sila ay agad nang umalis ang mga ito. And yes, saka lang lumapit ang mga pulis na kanina ay nanood lang sa kanila.

"Ms. Yang, sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong makasuhan ng obstruction of justice," biglang singhal ng isang unipormadong police na siyang kumukuha ng statements niya.

Hindi sumagot si Garren. Wala siya sa mood na ma-interrogate lalo na ngayong hindi nila maaninag kahit anino nina Bleik at Deus.

"Ms. Yang!" ngayon ay mas lumakas na ang sigaw ng pulis kaya mas lumakas din ang iyak ni Kari.

"Ano ba'ng problema mo!? Nagtago ka lang naman kanina sa loob ng patrol car mo tapos ngayon maangas ka na kasi wala na'ng kalaban?" ganting sigaw ni Garren kaya natahimik ang pulis. Napahiya siguro dahil naroon din ang iilang mga kasamahan nito.

Biglang bumukas ang pinto mula sa kitchen at pumasok doon ang hinihingal pang isang napakagwapong lalaki.

"Where's Deus?" agad nitong tanong na humakbang na palapit sa kanila.

"We can't find him. Pati si Bleik," gustong maiyak ni Garren habang sinasabi 'yun.

"Di kaya...?" hindi tinapos ni Benny ang sasabihin. Hindi na kailangan. Alam na rin naman ni Garren kung nasaan ang dalawa. Alam niya kung bakit bigla na lang silang pinakawalan. Iisang dahilan lang ang naiisip n'ya. And she was hoping that it wasn't true.

"Who are you?" baling ni Garren sa lalaking bagong dating. Kakaiba ang kagwapuhan nito. Parang masyadong perpekto.

"Greg Bloodworth, uhm... Deus' distant relative," sagot naman nito saka naupo sa isa sa mga silyang naroon.

"Mr. Bloodworth..."

"Please mamaya n'yo na kunin ang statements nila, Officer. Hanapin n'yo muna ang mga nawawala naming kaibigan," sabi nito sa pulis na lumapit dito kaya walang nagawa ang mga ito kundi ang umalis.

"Distant relative huh?" ani Garren saka tiningnan ang lalaki from head to foot. Walang resemblance ang dalawang lalaki.

"Yes."

"Bakit nandito ka sa Ribenly?"

"I've lived here for more than a hundred years already," anito saka sinulyapan si Benny. "Hellville City, that's where my family came from, was always under attack by Turned vampires. We were always at war. Nakakapagod din naman after so many years kaya halos lahat ng mga Bloodworth ay umalis. We were scattered since then. Dito ko pinili sa Ribenly since it's peaceful here. Well, until Silent Magic was formed. They hunted down supernatural beings. Iyung mga gustong sumali sa kanila, they let them live. I managed to stay under the radar for many years."

"Until Deus came," pagtatapos ni Garren. "Hindi mo mapigilan ang sarili mong lumapit sa kanya."

"Blood is blood, so, yes. I had to meet him."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon