14- Deal

1.5K 114 19
                                    

Deal? What deal? Tahimik na sumunod sina Bleik nang hinayaan silang pumasok sa mansyon. Bleik expected a bright interior, just like before she left, pero nagulat siya nang makitang magulo ang loob ng mansyon. Nakatumba ang furniture, may mga butas sa dingding na para bang sinuntok ng kung sino, makalat ang paligid at higit sa lahat, nakasara ang lahat ng bintana. Madilim ang buong lugar. Tanging ang isang ilaw lang sa sulok ang nagbibigay-liwanag doon.

Hindi ito ang bahay na kinalakihan n'ya. Something was wrong here.

And in one of the rooms, the guest room in the first floor specifically, came loud screams and banging on the door. Tunog babae na parang galit na galit.

"What is that?" tanong ni Kari na agad humawak sa kamay ng ina.

"That's the reason why we're here," sagot ni Deus na para bang pinaalala sa kanila na napag-usapan na nila ito dati.

"You will let her out today, Tita Gilda?" takot ang nakarehistro sa mukha ni Rika na nagtago sa likod ni Arun. Si Arun na panay ang sulyap kay Bleik.

"Oo. Pasensya na hindi namin kayo nasabihan tungkol dito. Mas mabuti sigurong umuwi na muna kayo, Rika. Arun, iuwi mo na ang asawa mo. Baka madamay pa ang bata," anang ginang.

"Ah...opo. Dear, halika na," ani Arun saka hinila na palabas ang asawa pero bago ito tuluyang lumabas ay tinapunan muna nito ng tingin si Bleik. He even smiled at her bago ito nawala sa paningin n'ya.

Bleik shook her head. She didn't like that at all. She didn't want him to show kindness towards her after what he had done.

"Palabasin n'yo ako rito! Papatayin ko kayong lahat!" anang boses mula sa loob ng kwarto.

"Mama, monster ba 'yan?" takot na tanong ni Kari.

"Garren, Bleik, bumalik na muna kayo sa hotel. This is dangerous lalo na at nandito si Kari. This might get out of hand," seryosong baling ni Deus sa kanila.

"No. I will stay," ani Bleik. "Garren, mauna na kayo."

Ayaw pa sanang umalis ni Garren dahil naku- curious ito pero ayaw naman nitong ilagay sa panganib ang anak kaya wala itong nagawa kundi ang umalis kasama ang bata.

"Delikado rin ito para sa mortal," ani Brado na masama ang tingin kay Bleik.

"Don't worry about her. I got her," si Deus na sumagot saka hinila siya papunta sa likuran nito.

"Ano ba'ng meron?" bulong niya sa lalaki.

"There's a vampire inside that room."

Hindi sinasadyang napakapit siya sa gilid ng damit ni Deus dahil sa sinabi nito. "Vampire? As in like you?"

"No. This one is a dangerous type. No matter what happens, you stay behind me, okay?" sagot naman nito kaya kinabahan si Bleik?

"Lalabas ba kami, Mr. Bloodworth?" tanong ni Brado na nakatayo na malapit sa pinto na sa pagkakaalala ni Bleik ay papuntang kusina. Pero may nagbago na roon. Napansin ni Bleik na lahat ng pintuan dito ay may metal na harang.

Sino ba itong bampira na nasa puder ng kanyang mga kinilalang mga magulang? At ano ang kinalaman ni Deus dito?

"Yes. Kami na ang bahala rito," sagot ni Deus na sinulyapan siya. "Are you sure you want to stay here?"

Hindi sigurado si Bleik. Nakakatakot lalo na at wala siyang alam sa nangyayari. Pero nang tingnan niya sina Gilda at Brado ay nagkaroon siya ng lakas ng loob. They thought she was weak. She was going to prove them wrong.

"Yes. I'm sure. Just tell me what to do," mahina niyang sagot.

Isang maliit na ngiti ang ibinigay ni Deus sa kanya saka saglit na pinisil ang kanyang kamay.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon