Special Chapter

1.9K 136 31
                                    

Deus was walking back and forth and he was aware that everyone's eyes were on him. Kabadong-kabado siya. Paano kung nagkakamali si Brado Harnash? Paano kung cursed nga siya?

"Alam mo, kasalanan mo ito eh. Bakit mo sinabi kina Mom at Dad ang theory ni Mr. Harnash?" baling niya sa kakambal. "Tingnan mo tuloy, inutusan akong bumalik ng Vergaemonth."

"Hey! Bakit mo ba ako sinisisi? Nobody tied you up. Kusa kang sumama sa amin," maarte namang sagot ni Tiana.

"Paano kung may curse nga ako?"

"Paano nga kung wala?"

"You'll risk it for maybes?" pinanlakihan niya ng mga mata ang kakambal.

"You're the one risking it," pairap naman nitong sagot.

"Hey, hey. Di ba sabi naman ni Mr. Harnash na sure s'ya? Bakit pa kayo nagtatalo?" sabad ni Gaius.

"May isa kasi d'yan na masyadong pessimistic," sagot ni Tiana.

"Natatakot lang ako para sa mga magulang natin."

"Mr. Harnash is a good witch. He knows many things. And he's right. Gaius saved you. That's a loophole," ani Malik.

"Chill, dude," segunda naman ni Greg.

"Fine, fine. I will calm down."

Sure, Deus kept his mouth shut but his mind was in turmoil. Hindi siya mapakali. Napapailing na lang si Malik kapag nakikita s'ya nito.

Twelve days ang byahe nila kaya habang palapit sila nang palapit sa Vergaemonth ay mas lumalala ang pag-aalala niya. Isang araw na lang at makakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Tatlong katok sa pinto ang umagaw ng kanyang atensyon. Mabilis siyang napaupo mula sa pagkakahiga sa kanyang bunk bed.

"Do you have a minute?" tanong ni Bleik.

"Oo naman," nakangiti niyang sagot. He patted the bed at umupo nga sa tabi niya ang dalaga. For eleven days, hindi niya masyadong nakakausap si Bleik. Palagi kasi siyang nag-aalala. Masyado siyang distracted. Si Bleik naman ay laging kasama sina Benny at Kari.

This was the first time na na-solo n'ya ito. And it actually felt good.

"How are you?" tanong niya sa dalaga.

"Not good but getting better. Ikaw?"

Nagkibit siya ng balikat. "Confused? Troubled?"

Inilahad nito ang kaliwang kamay saka humarap sa kanya sa pagkakaupo.

Kunut-noong ibinigay niya rito ang kanang kamay na agad naman nitong minasahe iyun.

Her warm hands sent jolts of electricity all over his body. He didn't expect that she would have this effect on him. Well, she was beautiful, kind and strong. But he was still surprised of this feelings.

"Kalma ka lang. I can assure you, you can trust my father's words."

"Believe me, I really want to believe him. Hindi lang mawala sa isip ko ang takot. Ayaw kong may masamang mangyari sa mga magulang ko dahil sa akin."

Lumungkot ang mukha ni Bleik pero patuloy pa rin ito sa pagmasahe sa kamay niya.

"I'm sorry..."

Mabilis itong umiling. "You have nothing to be sorry about. Nandoon sina Mama at Garren sa isla nang dahil sa akin but they saved us. I wouldn't take away that glory from them. I understand that you're nervous. Siempre hindi ko maintindihan ang intensity n'on pero alam kong natatakot ka. What you're feeling is normal. So, while you're terrified, I'm just gonna be here. I will try to make you feel better."

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon