44- Losses

1.4K 101 10
                                    

Nagising si Bleik na masakit ang buong katawan. But she somehow felt better in days. Mas magaan ang katawan n'ya.

She opened her eyes and realized that she was on the ground.

"Ugh!" nasapo niya ang kanyang ulo dahil sa sobrang kirot niyun. Then she felt the sting on her skin surrounding her mouth kaya agad siyang napahawak doon.

Dugo. There was blood surrounding her mouth!

She gasped in complete confusion.

She looked at her hands. She... She was back in her own body. The seal on Hanaleese must have snapped when her consciousness took over her body again.

"Bleik!"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses ng tumawag sa kanya.

Garren? That was her friend's voice.

Nakarinig siya ng mga yapak mula sa likuran niya at nang lingunin naman niya iyun ay nakita niya ang pitong taong nakasuot ng itim na palapit sa kanya. Medyo nahihilo pa siya kaya hindi malinaw kung sinu-sino ang mga 'yun. Ilang ulit siyang kumurap to clear her vision.

Deus. She saw Deus!

Dahan-dahan siyang napangiti nang tuluyan na itong makilala. "D-Deus..." paos ang boses na sambit niya.

Agad itong tumakbo palapit sa kanya nang marinig ang sinabi n'ya. Nag-slide ito nang tuluyang nakalapit sa kanya at agad siyang niyakap nang mahigpit.

"Bleik, is that you?" nanginginig ang boses na tanong nito.

Tumango siya. Gusto niyang tumawa sa sobrang tuwa. He really came back for her. Hindi hallucination iyung nakita niya kanina.

"Bleik," may isa pang lumuhod sa tabi niya at nakisali sa yakapan nila ni Deus. Humahagulhol ang isang 'to.

"Garren?" aniya saka tiningnan ang mukha ng kaibigan.

"I'm so happy to see you," umiiyak na sagot ng babae saka siya muling niyakap ng mahigpit.

"Thank you. Thank you so much," paulit-ulit niyang sabi.

"Anak..."

Natigilan si Bleik nang marinig ang boses na 'yun. Tama, nandito ang kanyang mga magulang. She looked around to find them. Ang sikip ng kanyang dibdib nang tuluyang lumantad sa paningin n'ya ang dalawang tao na parehong duguan ang mga damit.

And her mom's whole arm...

Then there was an explosion! Lahat sila ay tumilapon sa iba't ibang direksyon. Napuno ng usok ang paligid.

Napaubo si Bleik habang pilit na tumatayo. She could hear coughing from different directions. Inaninag niya ang mga aninong nakikita niya sa paligid.

"Ma! Pa! Deus! Garren!" paos niyang tawag. Halos ayaw pang lumabas ng boses n'ya.

"Bleik!" iilang boses ang tumawag sa kanya.

Another explosion followed by a gut-wrenching howl. "Papatayin ko kayong lahat!"

Isang kamay ang humablot sa braso niya kaya agad siyang napaatras.

"It's me. It's me," ani Deus kaya agad siyang napayakap dito. "Let's go," anito saka payuko nilang tinungo ang isang malaking bato.

Not long after, Garren joined them. Agad itong niyakap ni Bleik.

"Are you okay?" tanong nito kaya tumango siya.

Iilan pang explosion at sigawan ang narinig nila. Alam ni Bleik na kailangan niyang tapusin ito.

"She's weak now that she's back in her body," ani Garren.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon