4-Slums

1.7K 129 11
                                    

Umiiyak si Kari nang iwanan ito ni Bleik sa pangangalaga ng The Divine Lights. Bawat tawag nito sa pangalan n'ya ay tila sinasaksak siya sa dibdib.

She didn't want to do this but she had to.

Three days after she went to the orphanage, heavy equipments for the demolition arrived at the Slums kaya wala siyang nagawa kundi ang dalhin ang bata sa ampunan. Ayaw niyang masaktan ito dahil nagkagulo na doon.

"Bleik!!!" Kari was hysterical. Nagpupumiglas ito mula sa pagkakahawak ni Director Losche.

"She will visit you. Tahan na," alo ng lalaki sa bata.

Bleik wiped her eyes before turning to the corner. Kailangan niyang makalayo sa lalong madaling panahon dahil ayaw na niyang marinig ang iyak ni Kari.

Now, ano na ang gagawin niya?

The Slums.

Dali-dali siyang tumakbo pabalik sa Slums. Hindi iyun kalayuan pero hiningal pa rin siya nang makarating siya roon.

At tinotoo nga ng kanyang mga kapit-bahay ang plano ng mga ito. Hindi maka-proceed ang demolition team dahil nagkapit-bisig ang mga taga-roon para hindi makadaan ang mga tauhan ng gobyerno. Though, may ibang parte na nasimulan na.

Ang mga bata naman ay may dalang mga karatula.

Don't take our home.

Pero nanghina si Bleik nang makitang nagiba na ang ibang parte ng Building 2 at isa sa mga units na nawasak na ay ang sa kanila ni Kari.

"Go away! Go away!" sigaw ng kanyang mga kapit-bahay.

"Mga kababayan, we are asking you kindly to leave the premises bago pa man may masaktan sa inyo," sabi ng isang city hall employee na may hawak na megaphone.

Napangiwi si Bleik. The employee thought he was being subtle in his threats pero halata naman masyado. And her neighbors knew it. Mas lumakas lang ang kanilang sigawan. May iilan pang lasing na binato ng mga empty bottles ang equipments.

"Mga kababayan-." hindi natapos ng city hall employee ang kanyang sasabihin dahil ito naman ang binato ng bote kaya napaatras ito sa gulat.

"Umalis kayo rito sa lugar namin!" sigaw ng isang babae na nakasuot pa ng itim at maikling bestida. May makapal itong makeup na naka-smudge sa iba't ibang parte ng mukha nito. At tila pinugaran ng ibon ang buhok nito. Ang alam ni Bleik, nagtatrabaho ito sa mga madidilim na kanto sa bayan.

"Babalik pa rin naman kami para tapusin ang trabaho namin," anang city hall employee na nagtatago sa likod ng crane truck na may nakasabit na wrecking ball.

"Eh di bumalik kayo kung gusto n'yong umuwi nang wala ng ulo," ganti naman ni Mr. Dobb. Pulang-pula sa galit ang matanda. Pati ito ay wala nang matitirhan. Nasira na rin ang unit nito.

"Talagang babalik kami. At sa pagbabalik namin, may kasama na kaming police," sigaw din ng lalaking may megaphone, only this time, tumaas ang pitch ng boses nito na parang naka-falsetto na. Umalis ito pagkatapos nitong sumigaw pero iniwan naman nito ang mga trabahador na nanatili sa loob ng kanilang mga truck.

"Bleik! Bleik, saan na tayo titira nito?" halos maiyak nang tanong ni Mr. Dobb nang makita s'ya.

Walang maibigay na sagot si Bleik dahil maging siya ay walang ideya kung saan siya pupunta.

"Hindi man lang ba nila tayo bibigyan ng lugar para sa relocation? Gigibain nila ang mga tahanan natin tapos pababayaan lang tayong pakalat-kalat? Eh di ba mas stupid 'yun?" sabi naman ni Rosha na nagpapadede nanaman sa apat na taong gulang na anak na babae.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon