29- Evening Rendezvous

1.4K 101 5
                                    

Pinanood lang ni Garren ang pagbabago ng panahon mula sa bintana ng kanyang apartment. One minute, ay maliwanag ang sinag ng araw, the next minute ay biglang bubuhos ang malakas na ulan, at balik nanaman sa init. Ganyan ang sitwasyon sa loob ng isang oras at paniguradong nagtataka na ang mga tao kung bakit gan'on na lang kung magbago ang weather nila.

"Gregrory, please stop that. Nahihilo na rin ako d'yan sa ginagawa mo," Garren snapped at the man lounging on her couch.

Gregory blinked and looked at her. "I'm sorry. I didn't mean to do that."

"It's alright," sagot ng babae saka muling tumingin sa labas. Lahat sila stressed ngayon. Wala silang magawa para tulungan ang mga kaibigan nila.

Tiana Bloodworth was so angry when they told her about what happened. Agad itong sumakay sa airship ng fiancé nitong hari ng Blackbourne continent. Ayun sa babae, twelve days ang magiging byahe nito. They still had ten days to wait for the woman.

At wala silang natanggap na sagot mula sa mga adoptive parents nina Bleik at Benny.

"Tell me again, paano tayo matutulungan ng kakambal ni Deus? Paano n'ya mata-track ang kapatid n'ya?" tanong ni Gregory.

"They're twins. They might be able to detect each other," sagot ni Bryce.

Gregory scoffed.

"Have some faith, man. 'Yan lang meron tayo," dagdag ni Bryce.

"I know, I know," agree ni Gregory.

"Let's just hope na wala pang nangyaring masama kina Deus in ten days," ani Keira. Nakikita ni Garren ang warrior side ng babae sa tuwing kumikilos ito. She was alert and such a badass woman. Hindi pa niya nakikita itong nakipaglaban pero alam niyang magagaling na warriors ang mga Sentry, kahit na hindi na 'yun ginagawa ng babae. Ayun sa nabasa ni Garren sa mga libro tungkol sa ISOP, Sentries have years of rigorous trainings.

"I can try to track them again," ani Garren. Ilang beses na siyang nagsagawa ng tracking spell pero wala talaga siyang napapala. Siguro ay may ward ang lugar na kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan ngayon.

Tumango sa kanya si Keira. "We have to do everything that we think is helpful. Ako naman ngayon ang lalabas para maghanap sa kanila. Bryce, Greg, magpahinga na muna kayo."

"Sasama ako," biglang sabi ni Benny sabay tayo kaya napatingin silang lahat dito.

Hindi masyadong umiimik ang babae. Hindi pa yata masyadong nagsi-sink in sa utak nito ang nangyari. Isa pa, kakabalik lang ng kontrol nito sa sarili.

"Do you need blood? May dala ako. Nasa fridge. Have some bago ka umalis," seryosong sabi ni Greg. It was an order. Alam nito na as a Turned, maaaring mawalan ng kontrol si Benny sa bloodlust nito lalo na at bago ito.

Tumango lang ang babae saka sumunod sa utos ni Greg. She drank two bags of blood.

Pumasok naman si Keira sa silid ni Bleik at nang lumabas ito ay may nakasabit nang mga daggers sa belt at thighs nito. Nagsuot ito ng mahabang itim na overcoat para maikubli ang mga weapons nito.

"Ready?" tanong ni Keira kay Benny na agad tumango.

"Here," binigyan ni Bryce ng isang handgun si Benny. "Gamitin mo lang kung kailangan. You're a vampire. You're fast and strong. Use those skills when necessary."

Tumango si Benny. "Thank you."

Tinapik ni Keira sa balikat si Bryce at umalis na ang dalawang babae.

"You baby her too much," ani Garren. Sa totoo lang ay naiinggit siya sa mga bagong alis. She wanted to go outside too. Gusto n'yang maghanap kina Bleik at Deus. Siya ang kaibigan ng dalawa. The rest of them only knew Deus, liban kay Benny. Siya, kilala niya ang dalawa.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon