The log cabin that Deus rented was in the middle of the woods. It looked so cozy lalo na sa loob. May maliit sa sala na may fireplace, kusina, dining area and two bedrooms.
"Wow. I don't want to to back to the city," manghang komento ni Garren.
"Gusto n'yo pong tumira rito kasama iyung mga mangkukulam na masama ang ugali?" sabad naman ni Kari kaya muntik na itong mabatukan ng ina.
"Wag ka ngang kontrabida," sabi na lang ng ina.
Tiningnan ni Bleik si Deus na kasalukuyang gumagawa ng apoy sa fireplace. Agad sila nitong sinundo nang marinig ang nangyari sa kanila.
"Ang daming pagkain," binuksan na ni Garren ang refrigerator at tama ngang maraming laman iyun.
"Help yourselves, ladies," sabi naman ni Deus na sa apoy pa rin nakatingin.
Alam ni Bleik na nag-aatubili pa rin itong mapalapit sa kanila dahil sa curse nito pero hindi naman siguro nila mapapalitan sa puso nito ang pamilya nito. They would always be the ones closest to his heart. So, maybe, they would be safe?
"Okay ka lang?" hindi niya napansin na nakatayo na pala ito at nakatingin sa kanya.
"A-Ah... oo," aniya.
Hindi na muling umimik si Deus at nakatitig lang ito sa apoy. For some reason ay napatitig si Bleik sa binata. Ang haba ng mga pilik-mata nito. And his nose was perfect. Nasa tamang lugar ang lahat ng curve. The fire made him look more picturesque.
"Kumusta kayo ng girlfriend mo?" at bago pa man niya napigilan ang sarili ay naitanong na niya iyun kaya napa-what the hell na lang siya sa kanyang utak.
Mukhang nagulat din si Deus sa tanong niya kaya napasulyap ito sa kanya. "She... She wanted some time off. Sabi n'ya may mission s'yang gagawin and she will use the time to think about us," malungkot nitong sagot.
"Time? Ano'ng time pa ba ang kailangan n'ya? You've been apart for more than a year. She had all the time and space she needed," inis na sabat ni Garren. May hawak na itong sandwich. Pati si Kari. Nagtaka tuloy si Bleik kung paano nito nagawa iyun nang sobrang bilis.
"Garren..." saway ni Bleik sa kaibigan.
"It's okay. Alam ko naman 'yun eh. Hindi na ako umaasa. We're as good as broken up," malungkot na sagot ni Deus saka naupo sa pang-isahang sofa na nakaharap sa fireplace.
Lihim na pinandilatan ni Bleik si Garren na agad nagkibit-balikat.
"You can use the room next to the kitchen. I think may sheets at covers sa closet," pag-iiba ni Deus sa usapan at agad namang pumasok doon ang mag-ina.
"Okay ka lang?" umupo si Bleik sa sahig, sa tabi ng fireplace.
"I think so," mapait na ngumiti si Deus. "Bakit ka nga pala pinuntahan ni Arun?"
Nagkibit-balikat ang dalaga. "He told me he loved me before I was disowned. It doesn't matter. He's a married man. That was very inappropriate."
"Do you still love him?" deretsong tanong nito at ayaw sana iyung sagutin ni Bleik pero husto namang tumitig ito sa kanya nang sulyapan n'ya ito.
"I don't know. I want to say na hindi na pero may nararamdaman pa rin akong kirot," she answered honestly.
"Ang hirap magmahal 'no?" anito na tumayo saka inayos ang firewood gamit ang poker.
"Ganyan talaga. Pain is like the twin of love. They always come together. The more kasi na mahal mo ang isang tao, the more na binuksan mo ang puso mo. Making it vulnerable," hindi niya alam kung saan n'ya hinugot 'yun. Nagsalita lang siya nang galing sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
CURSED
FantasyBleik had a wonderful family and friends. Everything was good. The boy she had a crush on had eyes on her too. But on the night of her eighteenth birthday, everything changed. She wasn't worthy to have everything she had. Now, she was alone.