28- Nanya

1.4K 96 5
                                    

Pawisan si Bleik at nanginginig na ang kanyang mga kalamnan dahil sa sobrang pagod. Naka-squat siya sa hangin na para bang nakaupo siya sa isang silya habang nakataas sa ibabaw ng kanyang ulo ang kanyang mga braso. How long had she been in that position? Five hours? Eight? Basta ang alam niya, nagsimula siya at four AM. Right now, pakalat-kalat na ang Silent Magicians at mga recruits sa paligid. They just finished their morning tasks.

Three days nang ganito lage ang ginagawa niya ayun na rin sa utos ni Hanaleese. Noong una kasi siyang dinala nito sa likuran ng bahay nito, the older lady found out na hindi lang siya mahina sa magic, mahina rin siya physically. So now, pinapalakas nito ang stamina niya. And patience.

"Kung hindi ka susunod sa utos ko, malilintikan si Mr. Bloodworth. Hindi s'ya kakain sa loob ng isang linggo. And he will be whipped one hundred times," iyun ang sabi ni Hanaleese nung pumalag siya.

Kaya heto s'ya ngayon, nagtitiis.

Pwede namang hayaan na lang niya si Deus na magutom at malatigo pero hindi iyun kakayanin ng konsensya n'ya. He shouldn't suffer because of her. Because of her weakness.

Naramdaman ni Bleik ang pagtulo ng pawis mula sa kanyang noo papunta sa kanyang labi na ilang araw nang sobrang hapdi. Her lips were so dry ad chapped like she hadn't had a drop of water in days.

"Alright," Hanaleese finally spoke after being quiet the whole time. Nakahilata ito sa isang magarang chaise lounge na kulay crimson at may binabasang libro na sa tingin ni Bleik ay isang lumang spell book. "You can get up now."

Dahan-dahang tumayo ng tuwid si Bleik. Hindi n'ya magawang kumilos nang mabilis dahil sa panginginig at pananakit ng kanyang kalamnan.

"Can I see Deus?" iyun ang una niyang tanong nang humarap sa ina, inang walang awa siyang tino-torture.

Tumaas ang kilay ng babae saka siya tiningnan na parang nababaliw siya. "You're hungry and tired, pero ang lalaking 'yun ang una mong itatanong?"

Naramdaman ni Bleik ang galit sa boses ni Hanaleese.

"You should not care about men. They're evil. They will use you and leave you in the mud. Listen to me, child, when I say that you should be the one using them."

Ngumiwi si Bleik. Napaka-bitter pa rin talaga ng babae. Nakakatawa. But she didn't laugh. She didn't even have the energy to talk back.

"No, Bleik. You can't see, Mr. Bloodworth. You are very stupid. You can't even do simple spells. You don't deserve to ask any favor. Now, go back to the house and clean yourself up. After eating your lunch, go back to your training. Maybe, just maybe, kapag pinagbutihan mo ay pwede mo s'yang makita."

Naikuyom na lang ni Bleik ang kanyang mga kamay saka inis na tumalikod. Pero bago pa s'ya tuluyang nakalayo ay may pahabol pa si Hanaleese.

"You should not think of Mr. Bloodworth anymore, Bleik. He might be enjoying his life as of right now. Without you."

Hindi siya tumigil para sumagot pa. She was too weak to argue.

Pero napaisip pa rin siya. Bakit naman mag-e-enjoy si Deus? Ano ang ginagawa nito ngayon?

—-

Ilang mura ang pinakawalan ni Garren nang makapasok siya sa kanyang apartment. Ilang araw na niyang sinusundan ang mga leads na natatanggap niya tungkol sa location ng mga Silent Magicians pero hindi pa rin niya mahanap-hanap ang kanyang mga kaibigan. Ilang araw na rin niyang napapabayaan ang kanyang trabaho. The Mayor just threatened to fire her this morning.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon