10- Vertex

1.7K 130 53
                                    

Kasalukuyang naghahanap ng recipe sina Bleik at Kari sa internet. Kung ano ang mahahanap nila, iyun ang iluluto ni Garren.

Bleik was really happy. Pakiramdam niya ay may pamilya na s'ya uli. All those years of hardship and being alone didn't matter anymore. Parang ang tagal na n'on dahil sa sayang nararamdaman n'ya ngayon.

"Lasing sabi n'yo si Deus?" usisa ni Garren na nakaupo sa harap ng TV at nanonood ng drama.

"Opo, Mama. Tsaka ang bigat n'ya," si Kari ang sumagot na kasalukuyang naglalaway sa mga pictures ng pagkain sa laptop na ginagamit nila.

"Siempre mabigat 'yun, anak. Malaking lalaki 'yun," seryoso namang sumagot si Garren. "Bleik, sa tingin mo may kinalaman ito sa girlfriend na naiwan n'ya sa Vergaemonth?"

Nagkibit-balikat naman siya. "H-Hindi ko alam. Siguro."

Tumangu-tango naman si Garren na para bang sinagot nga niya ang tanong nito. "Kawawa naman. Sa akin na lang s'ya. Hindi ko s'ya sasaktan."

"Hindi pwede, Mama. Sa akin lang s'ya," sabad ni Kari na biglang nawalan ng ganang maglaway sa mga pictures ng pagkain.

"Hindi mo pa nga natapos 'yung card na ginagawa mo para sa kanya eh," naka-pout na sagot ni Garren.

"Tatapusin ko na. Bleik, ikaw na ang maghanap ng pagkain. Kahit ano ay okay lang basta 'wag isda, shrimp, chicken breast, cauliflower, broccoli, asparagus..."

"A-Akala ko ba k-kahit ano ay okay lang?" taas-kilay na sabi ni Bleik.

"Basta 'wag ang mga 'yun. Okay. See ya," at tumakbo na ito papasok sa kwarto ng ina kung saan ito natutulog. Kari could sleep there even without Bleik to Garren's relief.

"Ang kulit talaga ng batang 'yun," nakangiting komento ni Garren.

Napangiti na rin si Bleik. Ipinagpatuloy niya ang paghahanap ng recipe nang bigla na lang nag-ring ang doorbell kaya nagkatinginan sila ni Garren.

"I better get that. Baka mga bata nanamang makukulit."

"A-Ako na," ani Bleik para hindi na maisturbo ang panonood nito ng TV.

Tumayo siya at nagtungo sa pinto. Kung isang unit lang bawat palapag sa underground apartments, dito sa taas ay apat na units ang nasa bawat palapag. Mas mura ang bayad nila at hindi kasing gara. At may mga bata sa ibang units na makukulit. Mahilig silang mamindot ng doorbell sabay takbo palayo.

Binuksan na ni Bleik ang pinto, handa nang manigaw nang bigla na lang may tumamang kung ano sa noo n'ya.

"Oops. Sorry," gulat na sambit ni Deus. Kakatok na sana ito and it happened na sa noo iyun ni Bleik tumama.

Natawa si Bleik. "O-Okay lang."

Hindi agad sumagot si Deus at hindi rin alam ni Bleik kung ano ang sasabihin kaya nakatitig lang sila sa isa't isa. He was really handsome. Ibang-iba sa mga gwapong nakita na ni Bleik. Walang-wala rito ang childhood crush niyang si Arun.

"Bleik, sino 'yan?" pasigaw na tanong ni Garren mula sa loob kaya agad na nagbawi ng tingin ang dalaga.

"B-Bakit ka pala n-nandito?" tanong niya.

Tila nahihiya pang itinaas ni Deus ang hawak na paperbag. "Food?"

Napangiti siya. Biglang naghugis plato ang kanyang mga mata. "Pasok."

"Deus, ikaw pala," ani Garren nang makapasok ang lalaki.

"I brought food. I didn't feel like eating alone," nakangiting sagot ni Deus.

Agad namang tinanggap ni Garren ang bag. Tuwang-tawa ito na hindi na nito kinailangan pang magluto ng hapunan. "Good. I'm starving already anyway. Kari, nandito si Sir Deus!"

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon