12- Isle

1.6K 118 9
                                    

"He ignored you?" bulalas ni Garren. For the ninth time. Hindi ito makapaniwala sa kwento ni Bleik nang makauwi sila ni Kari. Hanggang ngayon ay nag-aalburuto pa rin ang bata. Padabog pa itong pumasok sa kwarto na shini-share nito sa ina.

"Yup," Bleik replied and threw a grape into the air and caught it with her mouth.

"Oh no. I wonder why."

Umikot ang mga mata ni Bleik. Sa wakas may iba na rin itong sinabi maliban sa 'He ignored you?'.

"So, let me get this straight. He looked at you and you're sure that he saw you but he just turned around and ignored you," seryosong sabi ni Garren.

"That's the whole story," sagot naman n'ya saka kumuha nanaman ng grape mula sa fruit tray.

"May nagawa ba tayong nakasakit sa kanya? May sinabi ba tayong naka-offend sa kanya?" Garren was taking this seriously.

Nagkibit-balikat si Bleik.

"Oh no. Baka mabaho ang hininga ko n'ong nandito s'ya last time. Bleik!"

"Garren, listen, kung ayaw na niyang makipagkaibigan sa atin then 'wag na nating pilitin 'yung tao," Bleik said. Ilang tao na ba ang tumalikod sa kanya? Kapag ayaw na sa kanya then fine. She would move on with her life. Her parents abandoned her. Her friends left her. One new acquaintance like Deus wouldn't hurt her.

"At talagang hindi ka nag-comment sa sinabi ko?" taas-kilay na sabi uli ni Garren kaya napakunot ang noo ni Bleik.

"What? About sa mabaho ang hininga mo? Don't try to fish for compliments, Garren. Gusto mo lang na sabihin kong amoy preskong rosas ang hininga mo."

Sumimangot ang babae. "Ang harsh mo. Pero seriously though, hindi ka concerned?"

Umiling siya pero ang totoo ay nagtataka rin siya. Wala siyang maalala na dapat ay ika-offend nito. Pero alam din niyang may rason ito kung bakit nito ito ginawa. Sa maikling panahon na nakasama n'ya ito, alam niyang hindi ito mababaw na tao... or bampira... or witch.

"Whatever," ani Bleik sa sarili.

"I will call him later. May trabaho ka sa kanya bukas hindi ba?" sabi uli ni Garren.

Tumango s'ya.

"Kaibiganin mo ha. Baka naman inaaway mo 'yun."

Sinamaan niya ng tingin ang babae. S'ya pa ang sinisi nito. "Baka lumalayo dahil sa inyo ni Kari. Pareho kasi kayong feeling close."

Close.

Natigilan sila at napatitig sa isa't isa.

"OMG. I think I know now why he's keeping distance," bulalas ni Garren.

Tumango naman si Bleik.

Pareho silang nanlumo sa na-realize. Ayaw nila pareho na mamatay just because Deus was cursed.

"You think kailangan natin siyang hayaan na lang?" hindi siguradong tanong ni Garren.

"I don't know. Ang sigurado lang ako ay gusto kong ipagpatuloy ang trabaho sa kanya. Gusto kong mahanapan ng solusyon itong problema n'ya."

Tumango-tango si Garren. "Maghahanap din ako sa library. You can go there anytime you want. Oh well, pupuntahan ko muna si Kari para i-explain ang nangyari. Nagtatampo ang isang 'yun."

Hindi na nagkomento si Bleik nang tumayo at umalis si Garren.

Deus saved them from being homeless. He offered them shelter and a job. Hindi n'ya ito tatalikuran just because he wanted to do the right thing.

CURSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon