3rd League: Curiosity

279 9 0
                                    

3rd League: Curiosity

"OH, DAGDAG sa kulang ko," wika ni Travis nang makita niya si Iris sa AU.

Dumapo ang tingin ni Iris sa perang binibigay sa kaniya ng binata. Tatlong libong piso ang halaga. Kunut-noo naman niyang tiningnan sa mga mata ang binata. Blanko ang mga ito.

"Magkano pa ba ang kulang ko? Pasensya ka na. Nagastos ko kasi 'yong dalawang libo pambili ng gamot ng kapatid ko. Sa susunod na linggo ko na lang ulit ibibigay 'yong kulang," ani Travis.

"Ilayo mo nga sa 'kin 'yan. Ipambili mo na lang ng gamot ng kapatid mo 'yan. Tss..." nakairap na tugon ni Iris at nilagpasan ng lakad si Travis.

Offended siya sa mga sinabi sa kaniya ni Travis noong Linggo. He even gave her a cold shoulder despite how nice she forced her approach to him. Sa isip niya, kung ayaw siya nitong kausap, edi huwag. She made up her mind already. Hinding hindi na niya papansinin ang binata.

"Saan ka pupunta? Tanggapin mo ang bayad ko," sabi Travis habang sinusundan ng lakad si Iris.

"Ano ba? 'Wag mo nga 'kong sundan! Ayoko, hindi ko tatanggapin 'yan. Akala ko ba ayaw mo 'kong kausap? Bakit sunod ka pa ng sunod? Para kang aso diyan," inis na wika ni Iris.

"Alam mo, maganda ka sana. Kaya lang sobrang pangit ng ugali mo. Napakasungit mo. Napakaarogante mo. Bakit ba ganiyan ka? Siguro ang lungkot ng buhay mo," tanong ni Travis.

Tinitigan lang siya ni Iris. Hindi ito umimik.

"Tapos ka na? May sasabihin ka pa ba?" Iris asked. Her eyes started to become watery.

Napalunok naman si Travis sa nakita. Siya naman ngayon ang hindi makaimik. Mabilis niyang napagtanto na sumobra siya sa mga sinabi niya.

"Forget about my shoes. Please, don't come near me again," sabi ni Iris at naglakad na palayo.

TRAVIS COULDN'T forget Iris's sad face. Nakokonsensya siya sa nagawa niya. Iris was rude but that didn't mean that he also had to act rude. That was never his nature. His mother taught him the good things only.

Nakaupo lang siya sa isa sa mga bench sa Quadrangle nang biglang dumating si Elerie. Naupo ito sa tabi niya. Kahit paano ay kumalma ang damdamin niya sa presensya ng dalaga. Only Elerie could make him feel that way.

Bata pa lang ay magkaibigan na sila. His mother was a housemaid at the Guillermo's residence. Doon lamang ito nagtrabaho until she lost her battle against brain tumor. Mababait ang mga Guillermo. They wouldn't look down on people that are way below the social hierarchy. In fact, they helped them a lot when his mother needed some medication and other financial problems.

"Sorry, ngayon lang ako nakatakas sa friends ko," Elerie apologized.

"Bakit ka ba nagso-sorry? Dapat nga hindi mo na 'ko pinupuntahan. Paano kung mahuli ka ng mga kaibigan mong kausap ako?" he asked.

Inamin sa kaniya ni Elerie na pinagbawalan siyang lumapit sa kaniya ng mga kaibigan niya dahil daw sa janitor siya. That he was only taking advantage of her. Oo, nasaktan si Travis pero wala naman siyang magagawa. Hindi sila magka-level ni Elerie.

Elerie was rich. Siya naman ay wala pang napapatunayan. Kaya nga hindi niya tinanggap ang alok na tulong ng ama ni Elerie ay dahil gusto niyang umangat sa sariling pagsisikap. Nang sa gayon ay walang masabi ang iba kapag dumating ang panahon na handa na siyang sabihin kay Elerie ang tunay niyang nararamdaman.

"Okay lang 'yon. They won't catch me. And besides, hindi naman silang lahat hate ka. I mean... I have this friend and she told me that she doesn't mind me hanging out with you," wika ni Elerie.

Definitely Out of his League | published under Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon