15th League: Friends
IRIS LOOKED at Travis with a puzzled expression. What did he mean by that? May gusto ba sa kaniya ang binata? Travis couldn't even looked properly at her. Panay ang baling nito sa baba at sa gilid ng kaniyang ulo.
Nakatingin sa kanila si Elerie na walang kaalam-alam kung tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila. Nagkibit-balikat na lamang ito at lumipat sa kabilang side upang bumalik na sa pamimigay ng vitamins.
"What are you trying to say?" she asked, feeling distracted with Travis's aviators.
"Hindi ko alam, Iris. Naguguluhan pa 'ko. Pero please, 'wag ka namang magalit sa 'kin. Sinusubukan ko naman, eh," Travis uttered with pure sincerity.
"Grabe. I was hoping to be your friend, Travis. In fact, I thought I was already your friend all along. Mukhang umasa lang ako sa wala," wika ni Iris at dali-daling naglakad paalis.
Travis didn't know what to do. Hindi niya alam kung bakit ganito bigla ang naging akto ng dalaga. He looked around to check if anyone heard them and when he confirmed that there wasn't, he immediately followed Iris.
Nakita niya itong nagtatago sa likod ng elf truck na pinaglagyan ng mga groceries. Mabagal siyang naglakad palapit sa dalaga upang tantyahin ang ekspresyon nito.
His heart instantly fluttered when he saw her crying. He took off his aviators at tuluyan na niyang nilapitan si Iris.
"Uy, bakit ka naman umiiyak? Iris naman, oh," kinakabahan niyang tanong.
"Ano ba? Doon ka nga! Leave me alone!" utas ni Iris.
"Sorry na. Tumahan ka na, please. Bakit ka ba biglang nagkakaganiyan?" Travis uttered.
"Nasayang lang ang effort ko sa lahat. Ni-hindi mo man lang ako pinansin. If it wasn't because of Elerie you wouldn't even talk to me. I just don't understand why do you hate me so much when I sincerely apologized already for everything that happened in the past," umiiyak na saad ng dalaga.
"H-Hindi naman sa gano'n, Iris. Ano... Kasi ano... H-Hindi mo lang alam kung gaano akong kasaya na nakikilala na kita. Na mali lahat ng judgement ko sa 'yo. Pero kasi..."
"What, Travis? Admit it already, you just really hate me!"
"Tangina, gusto kita, Iris!" utas ni Travis.
Natahimik bigla si Iris. Para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Mas lalo pang bumilis ang naghuhuramentado na niyang puso.
"W-What did you just say?" she asked.
"I-Ibig kong sabihin... G-Gusto rin kitang maging kaibigan," nauutal na wika ni Travis. Nag-iwas naman ng tingin si Iris. "Pero... Hindi ka ba mahihiya? Kung magiging magkaibigan tayo, mababago ang image mo sa publiko. Huhusgahan ka nila ng mga maling bagay. At ayokong mangyari sa 'yo ang bagay na 'yon.
"Aminin na natin, Iris. Kahit nga mga sarili mong kaibigan, hindi nila 'ko gusto. Nandidiri sila sa mga kagaya ko. Magkaibang-magkaiba ang estado natin sa buhay. Sikat ka, eh. May pangalan ka. Kung magiging magkaibigan tayo, para ka lang isang iskultor na nag-alaga ng anay na sisira ng mga inukit mo," malungkot na pahayag ng binata.
"Travis... I wouldn't be pushing myself this desperately to you if ikakahiya lang kita bilang kaibigan ko. More than anyone of my friends, it's you I have so much respect for! And I don't care what other people might think. Kasi...
"Kasi, kilala kita, Travis. I know your struggles and I know how you manage all of them. Ako 'yong nakakakilala sa 'yo, 'di ba? Dapat opinyon ko lang ang pinakikinggan mo. Hindi opinyon ng ibang tao kasi hindi ka naman nila kilala," Iris told him, wiping her tears.
BINABASA MO ANG
Definitely Out of his League | published under Ukiyoto Publishing
RomanceShe's rich. He's poor. She thinks most commoners like taking advantage. He thinks most affluents are arrogant. She hates that she likes him. He denies that he's falling for her. Two different people from such different worlds apart. How much more di...