31st League: 'Pag Kasama Ka
NANGINGINIG ANG buong katawan ni Iris sa kaba habang tinatahak nila ni Trixie ang daan patungo sa kuwarto ni Travis sa San Diego General Hospital kung saan dinala ang binata. Nang buksan nila ang pintuan ng kuwarto ay tumambad kay Iris ang sugatang si Travis.
Mabilis siyang tumakbo palapit sa binata at nanghihinang pinagmasdan ito. There were a lot of bandages and gauzes on several parts of his body including that on his forehead. Nakasando na nga lang ang binata ngayon.
"T-Travis..." Iris uttered.
"Kuya! 'Wag kang mamamatay! Please! Paano na lang ako 'pag nawala ka?" umiiyak na wika ni Trixie.
"Hoy, 'wag ka ngang OA! Kung makapagsalita ka, akala mong may stage four cancer ako," anang binata habang nakapikit pa rin.
Iris bit her lower lip as she couldn't keep her tears at bay. Niyakap niya ang binata at ibinaon ang kaniyang mukha sa leeg nito. Doon pa lamang namulat ang mga mata ni Travis. He was shocked to see Iris.
"Ouch!" utas ng binata nang mabunggo ng dalaga ang sugat niya sa braso.
"Nakakainis ka! Akala ko talaga, kung ano nang nangyari sa 'yo," Iris cried, still had her face buried on Travis's neck.
Travis looked away as his face was red from the annoying feeling coming from the butterflies inside his stomach. Kinikilig siya na hindi niya maintindihan. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa ulo ng dalaga upang pakalmahin ito.
"Tumahan ka na. Galos lang naman ang mga 'to. Naghahadali kasi kami ni Trixie kanina. Mabuti na nga lang at nayakap ko agad ang kapatid ko. Kung hindi, baka siya pa ang nadisgrasya," ani Travis.
Iris frowned and slapped Travis's chest. Napaungol naman ang binata sa sakit na dulot ng hampas ni Iris.
"Aray ko! Ano ka ba?!" singhal ni Travis.
"Hindi ka kasi nag-iingat! What if something worse happened? I didn't tell you to rush your way to my party! Buwisit ka!" galit na utas ni Iris.
"Tss. Bumalik ka na nga sa party mo. Ikaw naman, Trixie, bakit ba dinala mo pa rito ang isang 'to? Bubugbugin lang naman pala ko," nakairap na wika ng binata.
"You have no idea how worried I was! Hindi na 'ko babalik sa party."
"Ha? Hindi puwede, bumalik ka na! Magagalit ang mga magulang mo kapag nalaman nilang—"
"They know I'm here! Do you think I'll be able to celebrate knowing you're situation now? Para kang mummy diyan, look at yourself!" nakapameywang na singhal ni Iris.
Napalunok ang binata at hindi na nakapagsalita. Nahihiya siya dahil kinailangan pang umalis ni Iris sa sarili nitong party para lang puntahan siya. At mas lalo pang nakakahiya dahil pinayagan ang dalaga ng mga magulang niya.
Inayos ni Iris ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ng binata. Napansin niyang mas humaba pa ang buhok nito. Lumagpas na ito ng balikat ngayon. She thought he looked good with it. Travis was mesmerized by how beautiful Iris was in front of him.
"Hay, akala ko pa naman mamatay ka na, Kuya, nasayang lang ang luha ko. Labas muna 'ko. Kakain lang ako. Akala ko pa naman makakakain ako ng pangmayamang handaan," sabi ni Trixie bago lumabas ng kuwarto.
"Tss. Lokong bata," bulong ni Travis.
"Seriously, Travis... please, be careful. Paano kung hindi lang ito ang nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Iris.
"Ayos nga lang ako. Mas nag-aalala pa nga ako sa motor ko ngayon. Siguradong napuruhan 'yon. Hindi ko pa nga tapos hulugan, nadisgrasya na. Saka 'yong tuxedo, bagong-bago pa 'yon," pailing-iling na wika ng binata.
BINABASA MO ANG
Definitely Out of his League | published under Ukiyoto Publishing
RomanceShe's rich. He's poor. She thinks most commoners like taking advantage. He thinks most affluents are arrogant. She hates that she likes him. He denies that he's falling for her. Two different people from such different worlds apart. How much more di...