46th League: Still

140 5 0
                                    

46th League: Still

NEVER WAS Iris prepared for what was going to happen. Iniisip niya kung totoong pinatawad na niya ang binata. Marahil nga ay napatawad na niya ito pero hindi pa rin siya nakakalimot. Sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari ay parang pinipiga pa rin ang kaniyang puso.

She felt it. She knew how sincere Travis's apology was. Grabe siya iyakan ng binata. Tagos sa puso. Hindi naman ito iiyak ng ganoon kung hindi nito talagang pinagsisisihan ang mga pagkakamali nagawa nito noon.

She knew Travis. He had so much pride in him. And the fact that he cried, knelt down, and begged for her forgiveness was more than enough to prove how regretful the man was.

It was a long day for Iris. She needed to go outside for some fresh air. Pagbukas niya ng pinto, si Travis agad ang bumungad sa kaniya.

"Good evening! K-Kumain ka na?" tanong ng binata.

"Uhh... Yes, kumain na 'ko," tugon ni Iris. Lumabas na siya ng kaniyang kuwarto at naglakad na patungong elevator. Nakasunod pa rin sa kaniya si Travis.

Hindi umimik si Iris. Hinintay niya lang na makababa ang elevator. Hanggang sa labas ng hotel ay nakasunod pa rin sa kaniya si Travis. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa inaasta ng binata.

"May pupuntahan ka rin ba?" walang emosyong tanong niya sa ex-boyfriend niya.

"A-Ako? Wala naman. G-Gusto ko lang maglakad-lakad," sagot ni Travis.

"Where are your bandmates? Shouldn't you be with them? Baka hinahanap ka na nila."

"Hindi 'yon. Busy sila gumala," tugon ng binata habang hindi mapakali ang mga mata, maiwasan lang ang titig ng dating nobya.

Muling naglakad si Iris pero ramdam pa rin niya na nakasunod si Travis sa kaniya. She looked at him again and cocked her left brow.

"Are you following me?" she asked.

"Uhh... A-Ano kasi... May pupuntahan kasi ako, dito rin 'yong daan," palusot ni Travis.

"Sige na, mauna ka nang maglakad," utos naman ng dalaga.

"S-Sige..."

Nahihiyang naglakad si Travis palayo. Ngumisi si Iris at naupo na lang sa kung saan siya nakatayo kanina. Mainit ang buhangin, tamang tama sa malamig na panahon. The sound of the waves was soothing.

Maya-maya ay bumabalik sa kaniya si Travis. Tumayo ito sa gilid niya.

"Why?" she asked.

"Oo na, sinusundan talaga kita. A-Ayos lang ba kung samahan kita?" namumulang tanong ni Travis. Iris looked away, trying to hide her smile from him. Bakit ba natatawa siya?

"Suit yourself," she told him.

Naupo ang binata sa gilid niya. Nakaputing sando lang ang binata at kulay itim na board shorts. Gaano man kasimple ang suot nito, hindi maikakaila ang kagandahang lalaki nito.

"Ang dami mo sigurong ginagawa sa office mo, 'no? Mabuti naman at naisipan mong magpahinga. I hope you're not abusing yourself," anang binata.

"Nagsalita ang taong kabi-kabila ang concert," tugon ng dalaga. She looked at Travis. Nakangiti ito sa kaniya. It seemed that her heart was jumping in happiness. Like she had longed to see that precious smile again.

"B-Bakit ka nakangiti?" namumulang tanong ni Iris. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Wala lang. Natutuwa lang ako na kasama na ulit kita. Mas lalo kang gumanda ngayon," saad ni Travis.

Definitely Out of his League | published under Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon