27th League: Ready to Risk

191 9 0
                                    

27th League: Ready to Risk

IRIS WAS just laying on her bed. She didn't have anything planned for that day. Wala rin siyang mapagkaabalahan dahil deactivated na lahat ng social media niya. She decided to do so because she was aiming for a normal life.

Nakatitig lang siya sa cellphone niya. Ni-wala ngang laman ang kaniyang contacts. Naalala niyang bigla na meron nga pala siyang fake account. Dali-dali niyang binuksan iyon at in-add si Travis.

Minsan ay ginagamit niya ang fake account niyang iyon sa Facebook upang mag-stalk ng kung sino ang maisipan niya. She wasn't comfortable of using her personal account for stalking people. Kung minsan, kapag nagkakaroon siya ng mild issue sa career niya, ang fake account din na iyon ang gamit niya para tingnan ang mga komento sa kaniya ng publiko.

She wasn't sure if Travis would accept her so she sent him a text on Messenger revealing her identity. Wala pang limang minuto ay in-accept na siya nito.

Travis Gary Falcon: Bagong account?

Iris Danielle Jang: This is actually not a new account. I've been using this for personal purposes. Naisip ko lang na i-add ka. I deactivated everything in case you missed it.

Travis Gary Falcon: Oo nga. Nawala ang mga account mo. Nga pala, may bagong bukas na samgyupsal na malapit sa amin. Pumunta ka rito.

Napakunot ang noo ng dalaga. Ni-hindi man lang siya tinanong kung puwede ba siya. Talagang pautos ang pagkakasabi sa kaniya ni Travis. Nagdesisyon siyang tawagan ang binata.

"Hello. Tumawag ka pa talaga," ani Travis.

"Hoy! Akala mo, kung sino ka makaaya diyan! Wala ka man lang tanong!" singhal ni Iris.

"Aba! Choice mo naman 'yon! Kung ayaw mo, edi 'wag, hindi naman kita pinipilit!" utas naman ng binata.

"Ah, gano'n? Talaga! Bawal talaga ako ngayon. Alam mo kung bakit?" iritang tanong ni Iris.

"Wala akong paki. Diyan ka na," sabi ni Travis bago binaba ang tawag.

Hindi makapaniwala si Iris na binabaan siya ng telepono ng binata. Halos magsanib na ang dalawang kilay niya sa pagsasalubong ng mga ito. Nanatili pa ring online ang binata kaya naisip niyang send-an na lang ng text ito.

Iris Danielle Jang: Don't call me! Magkikita kami ni Ryland, 'wag mo 'kong iistorbohin!

Ngumisi ang dalaga. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya agad. Talaga ngang walang ideya ang binata sa panliligaw.

Nang makita ni Travis ang text message ng dalaga, bigla na lang namula ang buong mukha niya. Para bang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo.

"Kaya ba siya hindi pupunta rito? Kasama na naman niya ang Ryland na 'yon!" asar na sabi ni Travis. Muli niyang tinawagan si Iris ngunit hindi na sumasagot ang dalaga.

"Oh, Kuya? Bakit nakakunot na naman 'yang noo mo?" tanong ni Trixie.

"W-Wala..." tugon niya.

Mabilis siyang lumabas ng bahay at pinaandar ang kaniyang motorsiklo. Kumuha siya ng hulugang motorsiklo dahil alam niyang magagamit niya ito sa trabaho at kailangan niya talaga ito. Ayos lang naman dahil may regular naman siyang pinagkukunan ng pera.

Ang laki rin talaga ng naitutulong ng pagkanta niya sa Loony Bar. Dahil sa pagdagsa ng maraming panauhin ay tumaas pa ang sahod niya.

Muli niyang naalala ang tungkol sa debut ni Iris. Ilang araw na niyang naiisip ang tungkol sa bagay na iyon. Wala siyang maisip na ibigay bilang regalo para sa dalaga. He knew all attendees would be from different rich clans. He would be a nobody around them for sure.

Definitely Out of his League | published under Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon