37th League: The Deal
THE SUN was shining brightly and proudly as Iris walked on the warm and white sand at the shore. Suot niya ang puting t-shirt ni Travis na nagmukha ng duster sa kaniya kapares ang kulay pulang maiksi at floral na shorts.
Katamtaman lang naman ang dami ng tao sa beach kaya pakiramdam ni Iris ay magiging at peace naman ang pagre-relax niya sa resort nina Elerie. Bigla namang sumabit sa braso niya ang kapatid ni Travis na si Trixie.
"Ate Iris, ang ganda naman dito. Tingnan mo, lahat ng anggulo sa lugar na 'to ay pang-Instagram!" utas ni Trixie.
"Yup. If I were you, I'd take advantage of it. Magpi-picture ako nang marami," nakangiting wika ni Iris.
"Tama ka diyan, Ate Iris. Marami na namang maiinggit sa akin sa school!" tila kinikilig na sabi ni Trixie.
"Nga pala, nasaan na ba ang kuya mo?"
"Ay, oo nga pala, ang sabi niya ay mag-aayos lang daw siya ng mga gamit sa kuwarto. KJ talaga si Kuya kahit kailan," Trixie said, frowning.
Natawa naman si Iris sa inasal ng dalagita. If she didn't know Travis any better, she would've thought the same. Para sa kaniya, ganoon lang talaga ang binata. Hindi talaga ito mahilig sa mga lakad. Mabuti nga at napilit niya ito.
"Guys, come here! Mag-grill na tayo ng barbeques!" tawag ni Elerie sa kanila.
"I'll be back, girls! Puntahan ko lang si Travis!" tugon naman ni Iris. "Stay with Elerie. Baka mawala ka rito. Pupuntahan ko lang ang kuya mo." Tumango naman si Trixie sa sinabi ni Iris.
The house was huge. There were four bedrooms inside kaya naman lahat sila ay well-accommodated. Umakyat si Iris upang isa-isahin ang mga kuwarto para hanapin si Travis. Nagtungo pala ang binata sa pinakadulong kuwarto.
Sinilip muna siya ni Iris mula sa maliit na awang ng pinto. Nakaupo ang binata sa kama at nakatulala lang sa sahig. Tila may malalim itong iniisip. Napagdesisyonan na ni Iris na katukin ang pintuan at tuluyan nang pumasok ng kuwarto.
"A penny for your thoughts?" Iris asked.
"H-Ha? Ahh... wala naman. Pagod lang siguro ako sa biyahe. Nga pala, sorry nangialam na 'ko. Dito na 'ko sa kuwarto na 'to para magkakalapit lang kayo ng kuwarto ng mga kaibigan mo," Travis said.
"Are you sure you're okay?" tanong muli ni Iris.
"Oo, ayos lang ako," Travis replied with a smile. Iris walked towards him and sat on his lap. Malungkot itong yumuko.
"Baka naman kasi ayaw mo lang dito. Ayaw mo naman kasing sumama talaga, 'di ba?" malungkot na tanong ng dalaga.
"Tss. 'Wag mo na nga akong intindihin. Pagod lang talaga ako pero ayos lang ako," tugon ng binata sabay ngisi.
Ni-hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Suot pa rin nito ang kulay black na t-shirt at green cargo shorts niya. Kinapa ni Iris ang noo at leeg ni Travis bago hinawakan ang kaniyang nobyo sa pisngi.
"Baka naman may sakit ka?" Iris asked him.
Hindi naman sumagot ang binata. Nanatili lang itong nakatitig ng diretso sa mga mata ng kaniyang nobya. His green eyes were filled with mixed emotions that immediately disappeared when he snapped out and looked elsewhere.
"Wala akong sakit..." he replied.
Travis bit his lower lip. He wanted to say something to her. Gusto niya ay ang nobya niya ang unang makaalam. Pero hindi siya sigurado kung matutuwa ba ito. Para sa kaniya ay napakagandang balita ng gusto niyang sabihin pero tinatantya niya kung ano ang magiging reaksyon ng kaniyang kasintahan.
BINABASA MO ANG
Definitely Out of his League | published under Ukiyoto Publishing
RomanceShe's rich. He's poor. She thinks most commoners like taking advantage. He thinks most affluents are arrogant. She hates that she likes him. He denies that he's falling for her. Two different people from such different worlds apart. How much more di...