57th League: Messed up
RYLAND AND Iris was standing before Karen. Mga ilang segundo rin silang tahimik hanggang sa nagsalita na si Karen. Iris thought she didn't look as fierce as she was back then. Ni-hindi nga ito makatingin nang diretso sa kaniya.
"A-Anong kailangan n'yo sa 'kin?" tanong ni Karen.
Nasa condo sila ngayon ni Karen na hindi naman kalakihan pero kung siya lang naman ang titira ay ayos na rin.
"We just want to ask you a few questions," Ryland told her.
"A-About what?" tila kinakabahang wika ni Karen.
"About what happened seven years ago. May nangyari ba talaga sa inyo ni Travis?" matigas na tanong ni Iris.
"I plead the fifth. I don't want to—"
"You drugged him, didn't you?" diretsahang tanong ni Iris. Tahimik lamang si Ryland na nakikinig sa dalawa.
"A-Ano bang sinasabi mo, Iris? Hindi ko magagawa 'yon kay Travis," kabadong tugon ni Karen.
"One bottle of beer, Karen. Just one bottle of beer. Tingin mo ba, mapapatulog ng isang bote ng beer si Travis? No!" galit na utas ni Iris.
"Alam kong hindi mo gawain 'yon, Karen. I know the pictures weren't from you. You don't want your private photos to be seen by other people, right? Tell me, who forced you to do it?" kalmadong sabi ni Ryland.
"Wala nga akong alam sa mga sinasabi n'yo!" singhal ni Karen.
"Karen, please! Nagdudusa si Travis ngayon sa kasalanang wala siyang kamalay-malay! Kaibigan ka ni Travis, 'di ba?" ani Iris.
Ryland saw a photo of an old woman and Karen on top of her drawer. Kinuha iyon ni Ryland at pinagmasdang mabuti.
"Is this your mom?" nakangiting tanong ni Ryland. Agresibong kinuha ni Karen and picture frame na hawak ni Ryland.
"'Wag ka ngang nakikialam ng gamit na 'di sa 'yo!" galit na utas ni Karen.
"Where is she? Bakit hindi mo siya kasama? Iniwan mo ba siya during the time that you were in London?" Ryland asked.
"M-May sakit ang nanay ko," malungkot na sagot ni Karen.
"I'm guessing she needed expensive medical support. Was that the reason why you framed my brother?" muling tanong ni Ryland.
Nanlaki ang mga mata ni Karen ngunit hindi ito nagsalita. It seemed that Ryland had hit a bullseye. Karen began crying. Kahit galit si Iris, hindi niya mapigilang maawa para sa dalaga.
"Where's your mom, Karen? I'll be more than willing to support her medical needs in exchange for the truth. I know you're not a bad person, Karen. Please, tulungan mo kaming linisin ang pangalan ng kuya ko," Ryland begged.
"Hindi mo ba tinuring na kaibigan si Travis? Alam mo kung gaano siya kabuting tao. When that night happened, kahit na iniwan ko siya, did he get mad at you? Sigurado akong hindi, 'di ba? Alam niya sa sarili niyang wala siyang kasalanan pero hindi siya nagalit sa 'yo, Karen," Iris said.
"Akala mo ba madali, Iris? Mayaman ka kasi kaya hindi mo 'ko naiintindihan! Kailangan kong gawin 'yon! My mother was dying and I didn't care about anything else! Basta buhay lang ang nanay ko... Araw-araw ay humihingi ako sa Diyos ng tawad sa nagawa ko kay Travis...
"But I had no choice! Kailangan ko ng pera! Hindi mo ako katulad na kahit walang gawin ay wala nang dapat intindihin kasi mayaman ka! Alam mo ba kung gaano ako kainggit sa buhay mo?
"I love Travis! Pero natalo pa rin ako ng mayamang katulad mo. Akala ko, noong lumipad kami ng London ay makakalimutan ka rin niya pero hindi. Hanggang doon, ikaw pa rin ang iniisip niya. See how effortless you can have anything?" Karen stated as she cried.
BINABASA MO ANG
Definitely Out of his League | published under Ukiyoto Publishing
RomanceShe's rich. He's poor. She thinks most commoners like taking advantage. He thinks most affluents are arrogant. She hates that she likes him. He denies that he's falling for her. Two different people from such different worlds apart. How much more di...