45th League: Another Chance?

149 5 0
                                    

45th League: Another Chance?

"GOOD MORNING, Davao!" masayang bati ni Iris habang nakatitig sa maaliwalas na dagat. Nakatayo siya sa balcony ng suite niya.

Matapos mag-agahan ay sinuot niya ang kaniyang jacket at bumaba upang muling magpunta sa beach. The staff in the resort were all friendly. Wala itong sinisino. Mapa-upperclass or middle-class na customer ay iisa ang customer service nila.

She was so grateful. Sinigurado talaga ni Froilan Villegas na mare-relax siya sa pagbisita niya. She couldn't wait to post an online review about the resort. Habang nagre-relax siya sa usual spot niya sa beach, she received a phone call from Ryland.

"Hey, Ryland, napatawag ka," she said.

"I heard you're in Davao. Ang daya mo, you didn't invite me," Ryland told her.

"Sorry, biglaan din kasi. Medyo stress lang kaya kailangan long mag-relax."

"I guess that can't be helped. I hope you're enjoying it there."

"Super! If you want, puwede ka namang sumunod. Isang linggo naman ako rito," anang dalaga.

"I'd love to but I have so many things to do. Anyway, tumawag lang ako to check on you. Keep me updated, Iris," Ryland uttered.

"Will do. Thank you, Ry."

She was more than happy that she and Ryland were in touch again. Seven years were more than enough for her to miss him. Ryland totally cut down the connections he had with his friends and family when he went away. It was probably a good thing since he became finer than ever.

"Girl, have you heard the news? Nandito raw 'yong lead singer ng Sleepless Solitude! Si Travis!"

Halos malaglag sa gulat si Iris. Nanlaki ang mga mata ni Iris nang marinig ang sinabi ng kalapit niyang babae na nakikipagkuwentuhan sa kaibigan nito.

"W-What did you just say?" tanong ni Iris sa babae.

"Fan ka ba ng Sleepless Solitude? Dumating daw kahapon ng gabi si Travis Falcon dito," tugon ng babae.

"P-Paano nangyari 'yon? Next week pa dapat ang dating niya, 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Iris.

"I'm not sure. Nandito raw ang buong banda. Baka mamaya mapuno na ng media ang labas ng resort. I've heard they've tightened up the security. I haven't listened to any of their songs but I often see tweets about it."

Hindi na pinakinggan ni Iris ang mga sinabi ng babae. Nagtatakbo siya pabalik ng hotel. Halos magkandarapa na ang dalaga dahil sa labis na pagmamadali.

Nang makapasok siya ng kaniyang kuwarto ay mabilis niyang ni-lock ang pinto. Sobrang lakas ng tibok ng kaniyang puso. At the same time, she was so confused about what was happening.

Kung totoo man na nasa Pilipinas na si Travis. Bakit kailangang tumuloy ito sa resort na tinutuluyan niya? Alam kaya ni Travis na naroon siya?

"Nakakainis! Bakit nandito siya? Teka... If that's the case, I need to pack my things up. Hindi kami puwedeng magkita. My gosh, my gosh! No, this isn't happening!" ani Iris na parang nababaliw na sa kaiisip sa nangyayari.

Kinuha niya ang kaniyang maleta at basta-basta na lang na isinuksok ang mga gamit niya roon hanggang sa may ma-realize siya. Naiwan niya pala sa beach ang phone niya.

"Damn! This is so annoying!" utas ng dalaga.

Lumabas siya ng kuwarto niya at nagtatakbo sa hallway. Paliko na sana siya sa elevator nang bigla na lang siyang tumama sa dibdib ng isang lalaki.

Definitely Out of his League | published under Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon