Chapter 9 - Temptation (Part 2)

2.4K 75 0
                                    

Jake's POV

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nagpapalit ng damit pang swimming dahil niyaya ako ng kambal kong mga kapatid.

Naalala ko tuloy yung nangyari noong isang gabi. Noong nakita ko kung paano siya mailang sa akin. Ewan ko ba pero parang gustong gusto ko na inisin siya.

Tulad kanina ng batiin ko siya hatalang ilang at iniiwasan niya ako at ngayon balak ko siyang asarin.

Lumabas na ako ng bahay at dumeretso sa likod ng bahay kung nasaan ang swimming pool. Nakita kong nakatingin sila sa akin lalong lalo na si Slave. Titig na titig! Maasar nga naman.

I smirked. "Baka mahulog ka sa akin slave?" Asar ko sa kanya. Agad namang siyang napaiwas ng tingin sa akin.

"Hah? Ano bang sinasabi mo diyan master?" Parang defensive na sabi niya.

"Wala sabi ko kuhanan mo ako ng pagkain sa loob." Utos ko sa kanya.

Dalawang araw na wala ako pwede namang siguro akong bumawi.

Ngumuso naman siya.

Napalunok naman ako. Napatingin ako sa mga mapupulang labi niya. Sh*t ano bang iniisip ko.

Para siyang temptation sa akin.

"Kababalik mo lang may utos ka nanaman." Talak niya at umalis at pumasok sa loob ng bahay.

Sinundan ko lang ng tingin.

----

Kath's POV

Parang ewan si Master. Sabi na eh, aalilahin na naman ako pagdating niya. Sarapan sapakin sa mukha.

Pumasok ulit ako ng kusina. Naabutan ko ang dalawang echuserang frog na nag-aayos ng mga gamit.

Nakatingin naman sila sa akin at inirapan ko lang sila. Hindi sila worth pansinin dahil hindi sila kapansin pansin.

Pagtalikod ko sa kanila ay napa-aray nalang ako ng may humila ng buhok ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko at tinanggal ang kamay na nakakapit sa buhok ko.

"Ano bang problema ninyo?" Galit na sigaw ko.

Nagulat pa ako ng dinuro duro niya ako. And lakas talaga ng loob.

"Ikaw! Ikaw ang problema namin. Bago ka palang dito masyado ka ng papansin. Lalo na kay Sir Jake." Sabi kung isa.

"Hindi ako papansin at lalong lalo ng hindi ako nagpapansin lalo na kay Sir Jake. Sadyang kapansin pansin lang ako kaya mabilis akong mapansin. Inggit lang kayo dahil hindi kayo pinansin." Sabi ko at tinaasan sila ng kilay.

Ayy. Kaloka. Gusto nga nilang masampolan ng pagka-jugdemental ko.

Tinalikuran ko sila at kumuha ng cake at juice ni master sa refrigerator.

Pero bago ako makalabas may sinabi pa ang isa sa kanila.

"Huwag mong landiin si sir Jake, may fiance kaya huwag mo ng lalapitan si Sir Jake. Isa ka lang namang nerd na kasambahay kumapara sa fiance ni Sir na isang mayaman at maganda. Sa tingin mo magugustuhan ka ni Sir Jake?" sabi nito.

Hinarap ko siya. "Unang una wala akong pake kung may fiance na siya. Pangalawa wala ka ding pake kung isa akong nerd. Pangatlo hindi ko gusto o hindi ko inaasahang magugustuhan ako ni Sir Jake. Kaya kung ako sa inyo kung tumahimik na lang kayo!" Sabi ko ay nilayasan na sila.

Teka? Totoo kaya yung sinabi nila na may fiancé na si Master? Tsk! Ano bang pang pake ko doon?

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon