Chapter 35 - Cute

1.6K 53 0
                                    

Katherine's POV

"So daddy paki - explain nga kung bakit ka nakipagsabuwatan kay jake?" Tanong ko kay daddy habang kumakain na kami ng breakfast.

Hindi ko na kasi siya natanong ng ihatid kami ni Jake dito sa bahay at napag - alaman kong kasabwat pala si daddy sa plano ni Jake.

"Ija. Ano namang masama sa ginawa ko? Jake is just asking me a favor at hiningi din niya ang permission ko na payag ako sa plano niyang 'yun" Paliwanag ni daddy na ikinalaki ng mata ko.

"At pumayag ka naman na gawin niya sa akin 'yun daddy?"

"Yes." Deretsong sagot ni daddy at ipinagpatuloy ang pagkain. Nalaglag naman ang panga ko. What the heck? Siya lang ang kilala kong pumapayag na kidnapin ang anak.

"Sigurado ako dad kapag buhay pa si Mommy pipingutin ka 'nun." Sabi ko.

Tumawa naman siya. "Oo nga eh at huwag ka ng mag reklamo sa akin tungkol doon sa ginawa ni Jake, sure naman akong nagustuhan mo yun at kinilig din." Sabi ni dad. Lah! Akala mo kung teenager. Gross!

Ano kayang ginawa ng lalaking yun para maging boto sa kanya si daddy?

Bigla namang may narinig kaming nag doorbell. Pumasok ang isang kasambahay at kasunod nito si Jake na may dalang bulaklak at chocolate.

Nagtama ang mga mata namin at kinindatan naman niya ako na sigurado kong ikinapula ko. Bwiset to! Ang aga aga nandito!

"Hello po tito." Inuna niyang binati si daddy.

"Aga mo naman yatang umakyat ng ligaw ijo." Sabi ni dad na mas lalong ikinapula ko. Hindi naman kami tinutukso ni daddy, pero feeling ko kinilig ako, medyo!

At oo pinayagan kong manligaw sa akin itong lalaking ito at grabe naman ang pag-aalala ko kay Janice ng maalala ko siya tapos kasama niya din pala niya si Kyle na nagtapat na din ng pag-ibig. Natawa pa ako ng magselos si Janice ng umamin si Kyle sa kanya na nagkagusto si Kyle sa akin.

"Kailangan po kasing magsipag tito eh. Para mapasagot ko na." Sabi niya at tumawa silang dalawa.

Talagang kailangan mong magsipag. Hindi ako madaling mapasagot. Mahirap din ako ligawan.

"Ok. Galingan mo ijo at para maikasal na kayo agad at magkaroon na ako ng apo at akoy aalis na din. Kailangan ako sa office eh." Sabi ni dad at iniwan kami ni Jake.

I'm horrified. Kasal agad?! Hindi pa nga kami eh. Tapos gusto agad ng apo?

Itinuloy ko ang pagkain ko st nagkunwaring hindi ako naapektuhan ng presensiya niya. Lumapit niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hi! Kath!" Bati niya sa akin.

"Bakit? Ang aga mo yata ngayon." Sabi ko sa kanya. Medyo sinungitan ko pa siya.

"Mukhang bad mood ka ngayon ah. Hindi ko alam na nakakabad mood na pala ang gwapo kong mukha." Sabi niya at inilapit sa akin ang mukha niya. Halos hindi ako makagalaw.

"Lumayo ka nga sa akin." Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Kapag hindi pa siya tuluyang lumayo sa akin ay baka may kalalagyan siya. Hindi pa lang nagiging kami ay grabe na siya kung makalapit at baka mahalata niya ang kakaibang tibok ng puso ko.

Jusko! Heart pls! Tigil na! Kumalma ka pls!

"Sungit mo naman! Anyways may dala pala akong bulaklak at chocolates para sayo." Sabi niya at ibinigay sa akin ang bulaklak at chocolates na dala niya. In fairness nabili niya ang favorite na chocolate ko.

Nginitian ko siya. "Thanks." Sabi ko.

Narinig ko naman ang hagikgikan ng mga nanood palang mga kasambahay na parang kinikilig.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon