Chapter 36 - The Past (Part 1)

1.5K 56 0
                                    

Salamat ko sa 3k+ reads! Pls. vote, comment and share this story.

PS: ito po ay unedited.
sorry po kung may makikita kayong wrong grammar or typos.

Hehe. Happy reading!

____________________

Katherine's POV

Gumising ako ng maaga para sa pagpunta namin ni daddy sa bahay nila Jake. Niyaya ko kasi siya na samahan ako. Abot hanggang langit naman ang ngiti ko ngayon na hindi ko mawari.

Hindi ko din alam kung bakit, siguro kasi after so many months ay mabibisita ko na rin ang naging taguan ko rin ng ilang buwan. Hehe.

Kaya pumayag din si daddy na sumama kasi gusto niyang makilala yung mga taong nakasama ko doon.

Nalaman ko din pa lang yayain ni Jake si Kyle at Janice. Naku yung babae na yun, hindi man lang sinabi sa akin na nililigawan na din siya ni Kyle, yun talaga ang hilig niyang mang-chismis ng buhay ko samantalang hindi niya mai-chismis sa akin buhay niya. 

Bumaba na ako ng kuwarto ko at nakapalit na din ako. Hindi na din kami kakain ng umagahan dito sa bahay kasi doon na daw kami sa bahay nila Jake, sabi niya so hindi na kami nagpahanda ng breakfast.

Nakita ko si daddy sa living room namin na busy sa phone niya. Busy sa social media, akala mo millennial na millennial eh.

"Hi Dad good morning!" Bati ko sa kanya sa bahay sa pisngi niya.

"Good morning! So let's go? Para hindi tayo malate." Tanong ni dad at tinanguan ko siya.

Sumakay na kami sa sasakyan namin. Habang nasa biyahe ay wala akong maka-usap. Busy kasi si dad sa phone niya at naka-earphone pa. Tumingin na lang ako sa labas at paminsan minsan ay tumitingin sa phone.

Hindi ko alam kung bakit parang inaasahan ko ang message ni Jake sa akin. Hindi na kasi siya nagsesend ng message, tulad ngayong umaga, eh kahapon halos ayaw umalis sa tabi ko at nung umuwi naman siya ay panay ang text niya sa akin ng kung ano-ano, like corny jokes at mga banat. Hindi ko alam na medyo clingy din pala siya.

Hanggang sa dumating na kasi sa harap ng bahay nila. Lumabas kami mula sa sasakyan at nag-doorbell. Pinagbuksan kami ng hindi ko kilalang babae na naka-suot ng uniform ng maid. Bago lang siguro.

"Pasok po kayo." Sabi niya.

Nginitian ko siya. "Thanks." Sabi ko at pumasok na na kasi ni dad.

Pagbungad pa lang namin sa main door ay may nagulat ako ng may yumakap sa akin at alam ko na kung sino yun. Si Jake. Naamoy ko pa ang lagi niyang gamit na pabango.

Agad naman kaming naghiwalang ng may tumikhim, na mga magulang pala namin.

Nag-mano ako sa parents ni Jake at ganong din si Jake kay daddy.

"Hello hija. It's good to see you again." Sabi ng daddy ni Jake.

"Oo nga hija. Buti at pumayag ka dito kay Jake. Matagal tagal din nung huli kang nandito." Sabi naman ng mommy ng Jake.

"So dito and naging lungga ng aking unica hija." Sabi naman ni dad at nilibot ng tingin ang bahay.

"Yeah dito nga. Lagi nga silang magkasama ni Jake, yun ang kuwento nila manang elma dito." Kuwento ng mommy ni Jake. Nahihiyang ngumiti naman ako.

"Haha excuse us po.. sosolohin ko muna saglit si Kath." Sabi naman ni Jake at takang taka akong hinila ni Jake papunta sa mga upuan malapit sa pool.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon