Vote ⭐comment 📩 Share 👥
Happy reading.-------------
Kath's POV
"Ayoko kasing mahiwalay ka sa akin." Bulong niya na nagpataas ng mga balahibo ko.
Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?—yan ang tanong ko sa sarili ko.
Nawawala na ba sa sarili si master—este Jake. Kung ano-ano ang pinagsasabi.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumawa para maitago ko ang kabang nararamdaman ko.
"Ano bang mga pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Sa ngayon hindi pa. Pero sa tingin ko malapit na." Makahulugang sabi niya at tumungin sa akin.
Bigla namang kumabog ang puso ko. No! Kath! Huwag kang magpapadala sa mga salita ng lalaking yan!
Sarkastikong tinawanan ko lang siya. "Kung ano-ano pinagsasabi mo! Umalis ka na nga dito! Nakaka-sira ka ng araw. Hmp...." Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.
Tama kaya ang naramdaman ko sa kanya. Hindi 'yun pwede.
"Ok edi! Aalis na." Sabi niya at nagulat na lang ako ng hilain niya ako patayo. "Let's go." Sabi niya at hinila.
"Wait?! What are you doing?!!"Sigaw ko sa kanya at pilit na tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Wait?! Jake! Bakit mo hinihila ang kaibigan ko?" Sabad naman ni Janice at tinulungan akong alisin ang kamay ni Jake na nakahawak sa akin.
"Janice! Help me!" Hingi ko ng tulong.
Sumasakit na kasi ang braso sa pagkakahawak ni Jake. Grabe naman kasi! Ang higpit naman ng pagkakahawak. Ayaw akong pakawalan.
"Bitawan mo ang kaibigan ko!" Si Janice.
"Huwag Lang makialam dito. Pinapasundo siya sa akin ni dad—este ng daddy niya." Si Jake.
Napatigil naman kami. Ako pinapasundo ni daddy sa lalaking ito? Hindi kapakipaniwala. Bakit naman 'yun gagawin ni daddy. Baka nga galit sa kanya si daddy dahil sa nangyari sa kwarto ko.
Bigla namang sumolpot si Kyle sa tabi ni Janice. "Huwag ka na ngang makiaalam diyan." sabi ni Kyle sabay hila din kay Janice.
Iwinaksi naman ni Janice ang pagkakahawak ni Kyle sa kanya. "Tse! Huwag mo nga akong hawakan." sabi niya at binalingan kami ni Jake.
"Ok. Hindi na ako manghaharang. Hindi mo naman agad sinabi na utos pala ng daddy ni Kath edi sana kanina pa kayo naka-alis. O siya sige tangayin mo na ang kaibigan ko." Hindi makapaniwalang tinignan ko si Janice habang paakyat na ito ng second floor.
"Bitawan mo nga ako. Sasama na ako sayo." Sabi ko sa kanya na agad naman niyang ginawa.
"Sasama ka din pala eh." Sabi niya at nauna ng umalis.
Nagpaalam lang ako kay Kyle at sumunod ma sa hinayupak na lalaking iyon.
****
Nakarating kami sa bahay na nakabusangot ang mukha ko. Paano ba naman kasi, habang Nasan biyahe kami ay iniinis lang ako ni Jake.
Pumasok ako sa bahay. "Dona. Nasaan si daddy?" Agad na tanong ko.
"Ms. Kath nasa office po niya."
Dali dali akong pumunta sa office ni daddy. Kumatok muna ako at pumasok na ako ng pumayag na siyang pumasok ako. Nakita ko siyang nagkakape at nakaupo sa sofa.
"Oh! You're already here ija. Upo ka na." sabi ni daddy.
Umupo ako sa tabi ni daddy.
"Dad, totoo bang pinasundo ninyo ako kay Jake?"
Kinukumpirma ko lang baka pinagtritripan lang ako ng lalaking yun.
"Yes." Sagot ni daddy.
"But why?"
"Bakit hindi ba puwede?" Tanong ni daddy at hindi na ako nakasagot.
"By the way, kaya kita pinasundo sa kanya kasi mag pag-uusapan tayo." sabi ni daddy.
"Ano yun?"
"May party na magaganap. Party ito para sa mga iba't ibang may-ari ng mga kompanya dito sa pilipinas kasama ang mga pamilya nito at dahil invited ako kaya invited ka din. Kaya lang wala ka pang maiisusuot kaya pinasundo na kita kay Jake. Pinapunta ko din dito ang bahala sa susuotin mo." Sabi ni daddy.
Kumunot naman ang noo ko. "'Yun lang pala eh. Bakit kailangan ninyo pa akong ipasundo sa lalaking iyon? Pwede namang tawagan ninyo na lang ako." Tanong ko pa.
Nainis naman ako sa sagot ni daddy. "Malalaman mo din sa tamang panahon ija."
What the!!! Tamang panahon???
****
At dumating na nga ang araw ng party. Gabi ito magsisimula at ngayon ay hinihintay ko si daddy dito sa bahay. Sabi niya kasi ay sabay kaming pupunta at nag-aalala na ako ngayon.
Tinanagan ko si daddy at agad naman niya itong sinagot. "Dad asan ka na ba?" Tanong ko.
["Ija, nauna na ako dito but don't worry may susundo sayo diyan."] sagot ni dad at agad namang Nawala ang kana at pag-aalala na nararamdaman ko.
"Ok dad thanks! Bye. " Sabi ko at pinatay na ang tawag. Lumabas na ako ng bahay at umupo sa may bench.
Mga ilang sandali pa ay natanaw akong isang sasakyan at hanggang sa
I sighed in relieved. Buti naman at nandito nandito na ito.
Hindi ko na hinintay na bumaba ang kung sino mang tao ang nasa loob at agad akong pumasok ng passenger seat.
Nagulat naman ako ng makita ko ang lalaking nasa driver seat walang iba kung hindi si Jake.
"Anong ginawa mo dito?!!!!" Sigaw ko sa kanya.
Kalmado lang siya. Nginitian niya ako. "Sinusundo ka." Sabi niya.
"WHAT?!! No! Hindi ako sasakay sayo." Sabi ko.
Bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan pero naka-lock ito.
"Palabasin mo ako."
"Chill ka lang masisira make-up mo niyan. Sayang naman ang ganda mo pa naman." Sabi niya na ikinagulat ko.
What the hell!
"Wala ka ng magawawa kasi ti-next ako ng daddy mo na sunduin ka." Paliwanag niya.
"Ok." Tipid na sabi ko at sumimangot.
"Huwag ka ng sumimangot diyan. Oh heto peace offering ko sayo kaya huwag ka ng sumimangot diyan." Sabi niya at iniabot sa akin ang tatlong tangkay ng red roses.
Taka ko siyang tinignan at tinanggap ang mga pulang rosas. "Anong nangyari sa iyo at parang nag-karoon ka ng sweet bones sa katawan?" Tanong ko sa kanya.
Pinaandar na niya ang sasakyan at may sinabi siya na hindi ko naman narinig kasi mahina lang ang pagkakasabi niya.
"Wala, na-in love lang."
------------
Maraming salamat po sa 2k+ reads.
Happy new year!!!
-bewitching_flower
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Novela JuvenilMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...