Chapter 18 - Janice and Kyle

2K 63 0
                                    

Katherine's POV

Kinagabihan ay nag dinner lang kami sa hotel at nagpahinga na sa mga hotel rooms namin at mabuti naman at tig-iisa kami ng room.

Pagkatapos ay nanatili na lang kami sa mga room namin at napagpasyahan na bukas na lang namin sisimulan yung mga activities para makapagpahinga daw kami dahil baka pagod kami sa biyahe pero ako hindi naman napagod sa biyahe dahil buong oras akong tulog katabi si crush. Hihi. Maikwento nga Kay Janice. Siguradong maiinggit nanaman siya. Hindi kasi siya pinapansin ng crush niya.

Ka video call ko siya ngayon.

"Hi! Sis! Musta na?" Tanong niya agad.

"Eto ayos lang naman. May ikwekwento pala ako sayo. Siguradong makinggit ka dito." Sabi ko sabay ngiti.

"Ano naman yan para kainggittan ko?"

"Alam mo ba nameet ko na in person si Ericka Mendoza. Ahhhhhh!!! Like o my gosh! Ang ganda in person. Friend ko na din siya at ngayon nasa vacation ako kasama din siya. Ahhhh!!!" Kwento ko.

"WHAT? Sis!!!! Bakit hindi mo ako niyaya? Nasa vacation ka pala with Ericka. Wahhhh!!! Ang daya mo naman!"

"Di ba nainggit ka! Hahaha! Pero dahil mabait ako ite-text ko sayo kung nasaan kami para mameet mo." Sabi ko naman. Syempre mabait kaya akong kaibigan.

"Omg! Is that true? Wah!! I can't wait to meet her!! Ahh!!!!!!" Nagtititili pa siya. Grabe Kahit ka video call ko lang siya sumasakit na ulo ko sa ingay niya.

"Ok....Tama na yang kakasigaw. Kamusta ka naman? Pinapansin ka ng crush mo?" tanong ko naman.

Sumimangot naman siya. "As usual hindi nanaman. Parang dinaig ko pa ang tae kung iwasan niya ako eh! Ang sarap niyang iuntog para matauhan." Sabi niya.

Hahaha. Tumawa naman ako.

"Bakit ka tumatawa?" Inis na tanong niya.

"Kawawa ka naman. Ako kasi niyaya ako ni crush ng date. Wala eh! Nahulog yata sa kagandahan ko. Kaya siguro hindi ka pinapansin ng crush mo kasi hindi siya nagagandahan sayo."

"What? That's not true. Ang ganda ko kaya. Kaya nga tayo magkaibigan eh!" Sabi niya.

"Baka naman kasi hindi ka na updated sa ibang nga fashion or baka kailangan mo na ng matinding make over. Kailan ka pa huling nagpunta sa salon?"

Nag-isip siya."Two months? Hindi ko sure eh?"

"Baka yan ang problema. Next time, i-visit mo naman ang salon. Mag-iba ng hair color and then change mo yung fashion mo." suggest ko.

"Ok. Pero after vacation na lang. Hihi." Sabi niya.

Nagpaalam na lang kami ng antukin na kami.

Kinabukasan. Maaga akong nagising. Hindi ko din kasi alam. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Tsk! Nerd pa rin pala ako. Ano kaya susuotin ko? Dapat yung pag-nerd at saka wala akong damit na dress dito.

Nagulat ako ng may kumatok. Isinuot ko muna ang salamin ko bago ito buksan at nakita ko sa Ate Ericka.

"Good morning! Stacey!" Bati niya.

"Good morning din Ate Ericka."

"Ano pa lang kailangan mo?" Tinanong ko ang pakay niya sa sa akin.

"May isusuot ka na ba? Like dress?" Tanong niya. Umiling ako.

"Don't worry dahil ako na ang bahala sayo. May dala akong dress. Na talagang inilaan ko para sayo. Pero bago yan. Baka pwede mo muna akong papasukin?"

"Ayyy....oo nga pala." sabi ko at pinapasok siya sa kwarto ko.

"Ito ang susuotin mo. Hindi ko pa yan nagamit. Siguradong bagay sayo yan. Maputi ka naman eh!" Sabi niya at ibinigay sa akin ang isang color yellow na floral dress at sobrang bright ng kulay.

"Hala. Thank you ate ha!" Sabi ko sa

"Welcome. Sige na isuot mo ito." sabi niya at itinulak na ako papasok sa comfort room.

Isinuot ko ito. Buti naman at sumakto ang sukat sa akin. Hehe. Pagtingin ko sa salamin ay bagay naman sa akin syempre maganda ako eh.

Lumabas na ako.

Napatingin naman sa akin si Ate Ericka at ngumiti. "Sabi na eh! Bagay sayo." Sabi pa niya. Hihi. True!

"Haha. Thank you dito ate Ericka." Sabi ko.

"Ano ka ba? Wala 'yun. So, are you ready? Labas na tayo for breakfast."

Tumango ako at kinuha ang sling bag ko na bagay naman sa outfit ko. Hehe. Bagay talaga lahat sa akin. Pati na si Crush! Ayieeeee!!!! Enebe.

Nag vibrate naman yung phone ko kaya inilabas ko. Nag text si Janice.

From: Janice.
~Hoyy, bes pasundo naman dito sa lobby ng hotel. PS: Kakarating ko lang.

Bilis naman nito nakarating sobrang excited na makilala si Ate Ericka. Hehe. Sakto kasi kasama ko si Ate Ericka.

"Ate Ericka. Nandito yung kaibigan ko nagpapasundo sa lobby. Pwede mo ba akong samahan?" Sabi ko.

"Uhm...sure! No problem!" Sabi naman niya. Hehe.

Sabay kaming pumunta ng lobby at agad ko namang natanaw si Janice. Hehe as usual, color violet na naman yung suot niya. Favorite niya eh.

"Janice!" tawag ko sa kanya napalingon naman siya. Nanlaki ang mata niya.

Hindi ko alam kung dahil nakita niya ako o dahil kay Ate Ericka. Tsk!

"Omg!!!" Sigaw niya. Napangiwi naman ako. Nag-iingay nanaman siya eh!

"Uhm....Ate Ericka. This is Janice my best friend."  Pakilala ko sa kanila sa isa't isa.

"Hello po! Ms. Ericka. It's nice to meet you po in person. Omg!!!! I'm one of your fan. Sobrang ganda po ninyo." Sabi ni Janice.

"Hahaha. Thank you. Nice to meet you din. By the way Kararating mo lang?" Tanong naman ni Ate Ericka.

"Yes." Janice.

"Nag-breakfast ka na ba? We're our way na kasi sa isa sa mga restaurant dito to eat. Pwede ka ng sumabay sa amin." Sabi ni ate Ericka.

Ang bait talaga niya. Maganda na nga mabait pa. Sayang at hindi nama na ni Master yung kabaitan niya.

"Hindi pa eh. Tamang tama." Sabi niya.

"Ok. So let's go na. Gutom na ako eh!" singit ko sa dalawa.

Sabay sabay kaming lumabas ng hotel at pumunta sa isang restaurant na sinasabi ni Ate Ericka.

Lumapit naman sa akin si Janice at may ibinulong. "Excited na akong ma-meet yung crush mo. I expect na gwapo siya at mabait." sabi niya.

Nginitian ko naman siya. Hindi siya mabibigo kay crush. Pagdating namin ay agad naman namin silang makita. Nasa likod naming dalawa si Janice kasi nahihiya daw siya.

Nagkatinginan kami ni Kyle at nginitian niya ako. Hihi. Ganda naman ng umaga ko. Nakita ko na ang ngiti ni crush eh.

Tumayo siya at sinalubong ako ng biglang pumagitna si Janice sa aming dalawa. "Hoyyy!! Sino ka namang........." Natigilan si Janice sa pagsasalitan ng makita na si Kyle.

Si kyle naman ay parang nagulat.

"Ikaw?!!!!!" Sigaw nilang dalawa.

(¬_¬) parang may hindi kami alam.

=============

Vote, comment and be a Fan.
Awiieee thanks for reading.
-otor.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon