Vote and comment
Happy reading.-------------------
Kath's POV
Kanina pa ako kating kati na sabunutan ang babaeng katabi ko na kanina pa nangawa ng ngawa na si Janice.
"Ano? Hinalikan ka niya?" Gulat na tanong ni Janice. Nandito ako sa bahay nila Kyle at binisita siya.
"Oo nga!" Sabi ko sa kanya. Ang kulit eh. Hindi yata siya naniniwala.
Lumapit siya sa akin at parang may inuusisa. Ano namang ginagawa nito?
Nginisian niya ako. "Anong feeling? Masarap ba? Malambot ba ang labi ni Master Jake?" Tanong at parang may iniimagine at ngumuso pa.
Nanlaki ang mga mata ko at binatukan ko siya. "Aray ko naman!" Reklamo niya.
"Kung ano anong mga sinasabi mo. Nag i-imagine ka pa ng kung ano ano!" Sabi ko sa kanya.
"Tsk! Bakit? Aminin mo nga sa akin na kahit konti hindi ka nasarapan sa halik ng master mo. Kung titignan pa lang kasi ay parang masarap na mahalikan ang mga ito." Sabi niya.
At habang nagkukwento siya ay nasa tabi na niya si kyle na nakakunot ang noo at nakikinig sa mga pinagsasabi niya.
Hindi man nila sabihin sa akin pero napapansin ko na napapalapit na sila isa't isa at parang may something na rin sila sa isa't isa. Yung something na parang more than friends.
Sabagay hindi malabong mangyari iyon dahil lagi silang magkasama. Gwapo din si Kyle kaya may chance na magustuhan siya ni Janice. Maski nga ako naging crush ko si Kyle kasi ang gwapo niya hihihi. Pero noon 'yun ngayon hindi na. Ewan ko din kung bakit.
Kung magiging si Janice at Kyle ay isa ako sa mga magiging masaya kasi mga bestfriend ko ang mga magkakatuluyan. Hehe.
"Oh talaga? May tinatago ka pa lang kahalayan ano?" Sabi ni Kyle kay Janice.
"Ano? Hindi ah." Tanggi niya.
"Oh eh ano yung mga sinasabi mong kahalayan. Bawal ang mahalay dito sa bahay ko." Si Kyle.
Sa totoo lang kahit nag-aaway sila hindi ako naiinis natutuwa pa nga ako eh. Baka kasi mauwi sa love ang awayan nila.
"Oh talaga? Bawal din ba ang maging bastos dito sa bahay na ito?" Si Janice.
"Bakit naman nasali dito ang pagiging bastos? Ang sabi ko lang bawal maging mahalay." Si Kyle.
Napakunot naman ang noo ko. Medyo nagtataka na rin kasi ako kung ano ang pinaguusapan nila.
Hindi kasi ako maka-relate.
"Ahh kaya pala binosohan mo ako kasi mahalay lang ang bawal. You pervert!!" Nagulat ako sa sinabi ni Janice.
Binosohan? Sino? Si Janice? Si Kyle binosohan si Janice? Grabeng rebelasyon ito!
"Hoyyy hindi kita binosohan. Huwag ka ngang mag imbento ng kuwento kundi may parusa ka." Pananakot ni Kyle sa kaibigan ko.
"Oh Edi gawin mo! Isusumbong kita kay daddy." Sabi naman ni Janice.
Napa-iling iling na lang ako dahil sa pag-aaway ng dalawang ito. Ewan ko na lang talaga kung sila magkatuluyan.
Bago pa kung ano-ano ang masabi nila ay inawat ko na sila.
"Hep! Hep! Tumigil na kayo mga aso't pusa." Awat ko sa kanila. Para silang mga aso't pusa na laging nag-aaway.
"Tsk! Kainis kasi itong lalaking ito. Wala ng nagawa sa buhay ko kundi inisin ako at utos utusan." Sabi ni Janice at nakita ko pang inirapan niya si Kyle.
"Tsk! Bakit ba kasi away kayo ng away?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Si Janice sumagot si Kyle naman ay tahimik lang na nakikinig.
"Eh sa nakakainis ang lalaking yan. Kasi siya ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon. Hindi ko na kaya magawa yung mga nagagawa ko dati like pagpunta sa bar, mag-travel at syempre yung buhay ko bilang prinsesa at makita ang pinakamamahal kong si Crush" Si Janice.
Patuloy lang akin nakinig. Pagtapos naman mag-salita ni Janice, sumunod naman si Kyle.
"Kasalanan ko mo 'yun. Kung nag-iingat ka lang ng araw na iyon ay hindi mangyayari ang aksidente at wala kang parusa, hindi natin makikilala ang isa't isa kaya huwag lang mag-inarte diyan at dahil diyan diyan sa mga sinasabi mo mas lalong hindi kayo magkikita ng pinakamamahal mong crush kasi bawal kang lumabas. Grounded ka!" Mahabang sabi ni Kyle.
Ewan ko ba kung nag-iilusyon lang ako o hindi, kasi parang nakakaamoy ako ng selos sa sinabi ni Kyle. Nagseselos kaya si Kyle sa crush ni Janice?
"Hindi mo gagawa sa akin 'yan." Si Janice.
"Anong hindi? Naalala mo bang binigyan ako ng permission mula sa kanya na pwede kong gawin ang kahit na ano kasama na doon ang bawalan kang lumabas ng bahay ko at pagbawalan kang makita mo ang pinakamamahal mong lalaki" Sabi ni Kyle.
At nagulat na lang kami ng bigla siyang tumayo at iniwan kaming dalawa ni Janice.
Lover's Quarrel ba ang naganap?
"Anong trip ninyong dalawa at para kayong magkasintahan na nag-aaway?" Asar ko sa kanya.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Sabi ni Janice at umakto na parang kinikilabutan.
"Tsk! Eh anong drama ng amo mo? Parang nagseselos?" Sabi ko.
"Nagseselos? Kanino naman noh?" Takang tanong niya. Ang manhid naman nito?
"Edi doon sa pinakamamahal mong crush!" Sarap niyang batukan
"Bakit naman siya magseselos doon?" Takang tanong niya. Minsan talaga naiinis ako sa pagka-slow ng kaibigan kong ito.
"Kainis talaga yung lalaking iyon. Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Yung tungkol na lang sa inyo ng master mo. Anong nangyari pagkatapos ng halikan niyo?" Si Janice.
Ano ba yan? Pinaalala pa niya! Nag-iinit na ang mga pisngi ko dahil nag-replay sa utak ko yung scene.
"Luhh! Bakit ka namumula?ayiieee. Kinikilig ka noh?" Tudyo niya sa akin.
Pero bago ko siya masagot ay biglang tumunog yung doorbell at bigla ding sumulpot si Kyle from somewhere.
"Sino yun?" Tanong ko kay kyle. May inaasahan na siyang bisita?
He grinned. "It's a friend or should I say Best friend."
Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin si Jake yun? Naman eh. Ayaw ko nga siyang makita eh. Nakakainis naman.
"Hello everybody!" Bati ng lalaking nagngangalang Jake pagkapasok Pa lang nito sa pinto. Kasunod nito si Janice.
"Bakit ka nandito?" Agad na tanong ko sa kanya.
"Bakit? Masama ba na nandito ako? At saka may sinusundo lang ako. Maya maya ay aalis na kami." Sabi niya at umupo pa sa tabi ko. Baka si Kyle yung susunduin.
Medyo umusog ako para magkaroon ng maraming space sa pagitan namin.
Bigla naman siyang umusog papunta sa akin kaya umusog din ako.
"Edi umalis na kayo. May sinusundo ka lang pala eh at saka bakit ba lapit ka ng lapit sa akin?" Naiinis na sabi ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Ayoko kasing mahiwalay ka sa akin."
-------------
Vote and comment

BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Roman pour AdolescentsMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...