Chapter 29 - Second Kiss

2K 64 0
                                    

Vote and comment
Happy reading.

<><><><><><><><><><><>

Jake's POV

After kong malaman na dito nakatira si Kath ay sumaya ako bigla. Sumunod na ako sa dining area para makisalo sa kanila.

"Hey son! 'San ka galing?" Tanong ni dad sa akin.

Umupo ako sa tabi ni ate Ericka.

"Sa kotse po may kinuha lang." Dahilan ko at mukhang naniwala naman sila.

Nagsimula na kaming kumain. Naalala kong nabanggit ni Sir Adam na pinatawag na niya ang anak niya na si Kath pala.

I grinned. Dito pala siya nakatira. Haha lagot ka sa akin ngayon. Sisiguraduhin kong makakapag- usap ma na kami ni Kath.

"So Sir Adam, nasaan na pala yung babaeng anak mo? I bet she's beautiful." Tanong naman ni Ate.

Oo nga! Nasaan na ba ang babaeng 'yun.

"I don't know pero pinatawag ko na siya and yes she's beautiful." Sagot naman ng daddy ni Kath.

Bigla namang may sumulpot na kasambahay.

"Dona, where's my beautiful daughter?" Tanong ni sir Adam dito.

Napakamot ito sa ulo at parang takot na magsalita. "Sir.....si Ms. Kath po kasi ayaw bumangon at gusto pa daw po niyang matulog." Sabi nito.

Sir Adam sighed. "Ok pwede ka ng umalis." Sabi nito sa kasambahay. "That daughter of mine is totally a hard headed and a spoiled brat. I don't know how to control her anymore." Sabi nito.

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng yun. Sakit sa ulo.

"I think Sir Adam, you need someone na kaya siyang kotrolin at paamuhin tulad ng kapatid ko." Singit naman ni Ate na ikinalaki ng mata.

Ano bang pinagsasabi ng babaeng? Kinakabahan na tuloy ako.

"Paano mo naman nasabi ija?" Si Sir Adam.

"Actually we knew your daughter." Si Ate.

"Yeah they knew her dahil noong mga panahon na nilayasan ka niya napadpad siya amin at maging kasambahay at itong si Jake ang palagi niyang kasama." Kwento ni mommy.

Napatingin na lang ako kina mommy. So kilala na talaga nila si Kath sa simula pa lang.

"Oh? Totoo ba yan? Masaya akong malaman yan. At least alam ko na mabuti naman pala ang pinuntahan niya." Si Sir Adam.

Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya. Hindi ba siya nagagalit na naging kasambahay ang anak niya?

"Uhm...matanong ko lang po." Singit ko. "Hindi po ba kayo magagalit kasi naging kasambahay po namin si Kath.?"

Umiling iling ito. "Hindi ako magagalit or galit dahil alam ko na kaya niyang mabuhay ng mag-isa." Sabi nito.

Medyo napalunok. Kung malalaman kaya nito na naging slave ko ang anak niya magagalit kaya siya? Baka nga agad agad akong paalisin dito sa bahay o kaya'y bigla nalang akong masuntok.

"Honestly, gusto ko kapag nag-asawa ang anak ko ay ang mapapangasawa niya ay kaya diyan pagtiisan at kontrolin." Sabi pa ng daddy ni Kath. Napatango tango na lang.

"Kaya nga Sir Adam, sinasabi ko sayo bagay si Kath sa kapatid ko." Si Ate Ericka.

"Ate!" Saway ko sa kanya nakakahiya pa rin kasi.

"Bakit? Totoo naman. Nakita ko kung paano mo siya utos utusan. Minsan hindi siya umuubra sayo at napag-tiisan mo pa ang ugali niya." Sabi ni Ate.

Natawa naman ang mga kasama namin. Lalo na sila mommy at daddy at daddy ni Kath. Tsk!

"So ijo dahil nga close kayo ng anak ko. Puwede mo ba siyang sunduin sa kwarto niya siguraduhin mong bababa dito para sabayan tayong kumain at mag-kwentuhan. Ipapahatid na lang kita kay Dona" Sabi nito sa akin.

Nakakahiya namang tumanggi kaya pumayag na lang ako.

Sinundan ko ang kasambahay na si Dona. Hanggang sa tumigil kami sa isang pinto. Sa itaas ng pinto kay may nakalagay na KATHERINE so ito nga ang kwarto ng babaeng iyon.

"Dito na po ang kwarto ni Ms. Kath. Hindi po yan naka-lock kaya pwede po kayo ng pumasok." Sabi niya at umalis na.

Kumatok muna ako at hinintay siya magsalita. Ng may marinig akong boses na nagsabing 'Pasok' ay binuksan ko na ang pinto.

Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakapatalikod.

"Anong kailangan mo Dona? Hindi ba sinabi na ko sayong gusto ko munang humiga?" Masungit na sabi nito.

Napatawa naman ako.

***

Katherine's POV

Habang pinipilit kong maka tulog ulit dahil naistorbo ang tulog ko ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"PASOK!" Sigaw ko. Ang kulit naman kasi ni Dona. 

"Anong kailangan mo Dona? Hindi ba sinabi na ko sayong gusto ko munang humiga?" Masungit na sabi ko.

Sabi ng gusto ko pang humilata sa malambot kong kama. Gusto yata nalang masampolan ng kasungitan level 100....... ko.

Ang pagkabuwiset ko ay agad na napalitan ng pagkagulat ng maka rinig ng isang pamilyar na tama.

Tama ba ang narinig ko o imahinasyon ko lang dahil kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang lalaking iyon.

Lumingon ako at tinignan kung tama nga ang hinala ko o guni guni lang. Pagkaharap ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"HUDAS KA! BAKIT KA NANDITO? PAANO KA NAKAPASOK?" Sunod sunod na tanong ko.

Nag papanic na ako. Paano siya nakapasok dito? Si kyle.

"Sssssshhhhh!" Pinapatahimik niya ako.

Tumayo ako at kumuha ng unan at ipinagpapalo sa kanya at todo iwas naman siya.

Pinagbabalakan ba niya ako ng masama? "AHHH!! MANYAK KA! JERK! PAANO KA NAKAPASOK DITO? SIGURO AKYAT BAHAY KA NA! NAGHIHIRAP KA NA BA?"

Inagaw niya sa akin ang unan na ipinapalo ko sa kanya at hinila niya ako at......

He kissed me. My master kiss me for the second time.

"oh em gee!!" Napahiwalay kami ng may sumigaw.

Ng tignan ko kung sino ay si ate Ericka kasama pa ang parents nila. Anong ginagawa nila dito?

Shemay nakita nila?

At....nandito si daddy at nakita niya ang nangyari.

"Ijo, I think we need to talk in my office." Madilim ang aura ni daddy at halatang parang galit na sabi niya.

Oh no! Lagot!

-------------

Vote and comment

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon