Miss Lizelle's Note: Another update dahil sinisipag ang author. Happy reading!(kung may nagbabasa)
__________________
Jake's POV
Maaga akong nagising para sabihan sila Manang Elma na linisin ang bahay dahil uuwi na sila mama at para sabihan na din ang secretary ko na hindi muna ako papasok ng office.
Hindi ko pa din nakakausap si Slave. Bahala siya sa buhay niya.
Naghanda lang ako saglit at umalis na para sunduin sa airport sila ate.
----
Katherine's POV
Abala sa paglilinis at pag-aayos ng mga bagay bagay ang mga tao dito sa bahay o mansion.
Dadating na daw kasi ang mga parents ni Master kaya kailangan naglinis.
Si Master naman ay umalis daw at hindi ko alam kung saan pupunta at wala akong pake sa kanya Kahit saan pa siya pumunta.
Balak ko sanang tawagan din ngayon si Janice mah prend dahil ilang araw na siyang missing in action at hindi ako binabalitaan tungkol sa bahay at mga galaw ni daddy.
Kasama ko ngayon si Sam na naglalagay ng mga decorations sa bahay mga halaman at kung ano ano pa.
Nagkwekwentuhan lang kami ni Sam tungkol sa isa't isa pero kahit kaibigan ko na siya hindi ko pa din sinabi lahat dahil ayaw kong mag-risk.
"Sam sino na kasing cush mo?" Kanina ko pa yan tinatanong sa kanya.
Pero ayaw niyang sagutin. Minsan nga nahuhuli ko yang nakatingin kay Master. Kaya obvious na obvious na may gusto siya kay Master.
"Wala nga akong crush!" Yan din ang kanina pa niyang sagot sa tanong ko.
"Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Nakakaloka ka! Basta ako si Kyle ang gusto ko." Sabi ko.
"Haha loka loka ka!" Sabi niya at tumawa.
Maya maya ay nagulat na lang ako ng may bumangga sa akin. Paglingon ko, dalawang babae na mukhang hipon at coloring book.
And how dare they?
"Oppsss! Sorry not sorry!" Sabi pa niya.
Wow! English! Eh katulong lang naman. Gusto yata nalang masampolan ng nakaka-nosebleed kong english?
"Well, I don't care if you're not sorry because I know it's intended. Just be careful next time and use your eyes for to see if you're going to bumped into someone." Sabi ko.
Hindi sila makaimik at napanganga siyang dalawa at si Sam ay pumapalakpak sa tabi ko.
"Let's go na, Sam. Marami pa tayong gagawin na mas importanteng paglaanan ng my precious time." Sabi ko at hinila na si Sam paalis.
Isa lang ang gusto kong sabihin sa mga magtatangka pang banggain ako. 'Kung babanggain mo ako it means handa ka ng manghiram ng mukha sa aso'.
Pagkatapos namin ayusin at linisin ang lahat ng dapat ayusin at linisin ay nagpahinga na kami. Nasa hagdan kami ni Sam at abalang pareho.
Ako ay nagce-cellphone. Tinitignan ko lang naman kung meron parin yung mukha ko sa social media. Sakto ko namang nakita na online sa Instagram ang bruhang si Janice na missing in action lately.
To: Janice.
-Hoy bruha.From: Janice.
-Bakit?To: Janice.
-Ano ng balita? MIA ka ahh?From: Janice.
-Wala akong balita para sayo. Chill ka lang diyan. Ako ang bahala sayo.To: Janice.
-Anong chill lang ako dito? Ang hirap ng dinadanas ko dito dahil sayong bruha ka!From: Janice.
-Bruha ka din! Ng dahil sa akin hindi ka parin nahahanap ni Tito.To: Janice.
-edi thank you. Sana naman medyo inelevel up mo naman yung trabaho ko. Seriously? Katulong? gosh!.Sa buong buhay ko, hindi ko aakalain na magiging katulong ako.
From: Janice.
-Hayaan mo na! Papasalamatan ko rin ako."Stacey!" May tumawag saakin. Tinawag pala ako ni Sam.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mag-ready na daw tayo. Andiyan na daw sila." Balita niya. Ok.
Nagpaalam na ako kay Janice at inayos ko na din ang sarili ko.
"Tara na dali!" Sabi ni Sam at lumabas na kami ng bahay para salubungin sila.
Unang nakita kong lumbas ay si Master. Sumunod naman ang isang babae na......oh! Sh*t! Kilala ko siya. Isa siyang sikat na model and I'm one of her fans. Siya si Ericka.
Ang ganda niya. Sa wakas nakita ko na siya in person. Gosh! Pero teka lang? Bakit pala siya nandito?
Kaano ano niya si Master. Lumabas naman ang isang pang babae at lalake. Sila yata ang parents ni Master?
"Hi! Everyone!" Bati saamin ni Ericka. Talagang maganda at mabait siya tulad ng mga sabi sabi nila.
Maikwento kay Janice. Sigurado akong maiinggit iyon. Masgrabe pa iyon sa akin.
Tumigil siya ng mapansin ako.
"Oh! Hi! Ikaw yung bago dito? It's nice to meet you! I'm Ericka. Big sister ni Jake." Pakilala nito.
Huh? Big sister? Wow akalain mo nga naman noh? May kapatid na angel si Master.
"Ako naman po si Stacey. It's nice to meet you din po." Sabi ko naman.
Ng makapalit din sa amin ang mga parents ni master ay binati ko din sila.
"Oh! Hi! Hija!" Sabi ng mama ni Master.
"Hi!" bati din ng daddy ni Master.
Iniisip ko tuloy na ampon lang si Master dahil ang babait ng family niya at siya ampangit ugali, kaya nga lang kamukhang kamukha ni Master yung daddy niya kaya hindi siya ampon.
Ang ganda din ng mommy niya. Sa kanya yata nakuha ni Ate Ericka yung kagandahan niya. Hay namiss ko tuloy si Mommy na nasa heaven na.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nahuli kami ng master na pumasok. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. Bahala at iniwan na siya bahala na siya sa buhay.
Hindi pa din kami bati. Well, lagi naman.
_____________
Vote, comment and share this story.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Novela JuvenilMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...