Chapter 12 - Kyle and Stacey moment

2.2K 67 0
                                    

Katherine's POV

Kasalukuyang wala si Master at pumunta na naman sa trabaho niya at ako naman ay nagdidilig ng mga halaman.

Ewan ko ba ang weird na ni Master simula noong gumising siya kaninang umaga. From bad mood into sweet ng medyo lang.

Inutusan pa niya akong dalhan siya mamaya ng lunch sa company nila. Sa yaman nila bakit hindi na lang siya bumili ng lunch niya.

Tsk!

----

Jake's POV

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa sinabi sa akin ni kyle kahapon. Walang masama kung para sa iba pero parang may kakaiba ang akong naramdaman.

Bago ako makaalis ng bahay kanina ay tumawag sa akin kanina si Kyle para tanungin kung pwede daw niyang ilabas si slave pero sinabi kong madami pa siyang gagawin.

Lumabas na akong ng conference room dahil katatapos ko lang makipag meeting sa isang client at dumeretso sa office ko.

Napatingin ako sa wall clock. Malapit na palang mag-lunch time. Dahil sa inis ko siguro kay kyle kanina ay nautusan ko siyang dalhan ako ng lunch dito sa ipisina.

Tsk! Makapag-trabaho na nga lang.

----

Katherine's POV

Papunta na ako ng company nila Master para dalhan siya ng lunch. Baka magalit pa sa akin at parusahan ako.

Lalabas na sana ako ng bahay ng maalala kong hindi ko pala alam kung saan ang company nila Master. Napakamot naman ako.

Naalala ko naman si Kyle ng magpalitan kami kagabi ng number. Tama! Sa kanya na lang ako hihingi ng tulong.

Tinawagan ko si Kyle. Sinagot naman siya agad.

[Hello, Stacey!] Sabi niya sa kabilang linya.

"Hello din Kyle! Ang saya mo naman ngayon!" Sabi ko.

[Syempre dahil tumawag ka.] Sagot niya. Hehe.

"Hahaha, ok. Pwede ba akong humingi ng favor?"

[Sure! Kahit ano pa yan!]

"Magpapasundo sana ako sayo at magpapahatid na rin. Hahatiran ko kasi ng lunch si Master sa company nila. Kaya nga lang hindi ko naman alam kung paano pumunta doon." sabi ko.

[Sure! I will! Nasaan ka ba ngayon?]

Buti na lang at pumayag siya.

"Nasa bahay pa lang ako." Sagot ko sa kanya.

[Hintayin mo na lang ako diyan. Bye!] sabi niya at nagpaalam na rin ako. Maasahan talaga si crush.

Lumabas na ako ng bahay at maghintay sa labas ng bahay nila master.

Hindi naman matagal ang maging paghihintay ko dahil dumating naman agad siya.

Pagtigil ng kotse niya sa harapan ko ay agad itong lumabas at sinalubong ako ng matamis na ngiti. Sana ngiti na lang niya ang lagi kong nakikita tuwing umaga hindi yung nakasimangot.

"Hi Kyle!" Bati ko sa kanya.

"Hello Stacey. Ang mo ngayon ahh!" Sabi niya. Ang ganda ko daw kahit naka nerd mode ako. Bolero!

"Ngayon lang?" Tanong ko.

"Syempre hindi. Araw araw." Sabi niya.

Tinampal ko siya ng pabiro. Ang bolero niya. At shet! Kinikilig ako.

"Ikaw naman bolero ka!" Sabi ko.

"Hindi kaya kasi totoo yun!" Sabi pa niya.

"Tama na nga! Halika na baka pagalitan ako ni Master at parusahan pa niya ako." Sabi ko at pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse.

Ang sweet talaga!

Habang nasa biyahe, Tina tanong niya lang ako ng mga tungkol sa akin at iyon din ang mga ginagawa ko.

Nalaman ko na takot siya gagamba, favorite niya ang chocolate at ayaw niya ng matcha at kung ano ano pa.

"Pagkahatid mo ng lunch ni Jake pwede ba kitang yayain na kumain mamaya. Kung pwede ka ngayon?" Sabi niya.

Omg is he inviting me on a date? Ang assuming ko naman.

"Ok lang naman kasi wala naman akong gagawin mamaya." pagpayag ko.

At hanggang sa makarating na kami ng building ng company niya.

______________

Vote, comment and share.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon