Unedited. Sorry for the errors kung may makikita man kayo.
Pls. Vote and comment para ganahan naman po akong mag- sulat. Thanks ^_^ !!
______
Katherine's POV
Magkikita kami ngayon ni Janice. Sabi niya kasi matagal na daw yung huling labas namin na kaming dalawa lang daw. Kaya ayon nag- decide kaming huwag isama yung boys.
Papunta na ako ng bahay ni Kyle para sunduin si Janice. Nagpasundo si Janice sa akin, ayaw daw kasi niyang mag- commute. Sabi ko naman na Kay Kyle na siya magpahatid per ayaw niya. Choosy pa ang loka! Daming arte! Sarap niyang sabunutan sa kilay.
Buti nga at pinayagan ako ni daddy na mag-drive dati kasi ay naaksidente ako. Naibangga ko yung kotse na minamaneho ko noong teenager pa ako at sa halip na ako ang ma-trauma si daddy ang na-trauma kaya ayaw niyang akong mag-drive.
Tumigil ako sa tapat ng bahay ni Kyle at bumusina. Lumabas na si Janice kasunod si Kyle. Naku! Nagpapabebe na naman siguro itong babaeng ito. Nag-usap pa sila. Ayaw siguro payagan ni Kyle lumabas. Hindi ko din naman siya masisi pasaway naman kasi si Janice.
"Bakit ba alalang alala ka? Wala naman kaming gagawing kalokohan." Sabi ni Janice kay Kyle. So ayaw nga siyang payagan.
"Siguraduhin mo lang ah." Paninigurado ni Kyle.
"Oo." Sagot ni Janice. Ang higpit ng manliligaw nitong babaeng ito.
Sumakay na si Janice sa passenger seat ng kotse ko. Nginitian ko naman si Kyle. "Don't worry Kyle, hindi ko naman hahayaang gumawa itong babaeng ito ng kalokohan." Sabi ko sa kanya at pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na kami ni Janice.
"Ang higpit naman ng manliligaw mo!" Sabi ko kay Janice.
"Nakakainis nga eh hindi na ako makapunta ng bar ganon. Hindi na ako makagala ng walang inaalala."
"Ang sweet nga non eh!" Sabi ko naman.
Ang sweet kaya. At least alam niyang kahit mapahamak siya may sasagip sa kanya o di kaya'y may sobra sobra kung mag-alala.
Bigla naman sumagi sa isip ko si Jake na hindi na sa akin nagpaparamdam hanggang ngayon. Parang bumalik siya sa dating ugali noong una palang kaming magkakilala pagkatapos naming pag-usapan 'yung tungkol sa nakaraan niya.
Naamin ko na din kagabi sa sarili ko na gusto ko siya kasi hindi ako mag-aalala sa kanya kung hindi. Ang ikaiinis ko lang ay hindi pa yata siya nakaka-move on sa kung ano ang nangyari sa kanya sa past niya.
Iniisip ko na tuloy kung totoo ba ang mga pinagsasabi niyang gusto niya ako at seryoso siya daw siya sa akin kung hindi pa siya nakaka-move on sa past niya.
"Bakit parang malungkot ka naman yata? Huwah mong sabihing hindi ganoon saying si Jake?" Sabi niya sa akin.
Napansin yata niya ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.
"Naaalala mo ba yung mga nangyari kahapon? Para siyang nagbago pagkatapos mong tanungin sa kanya yung about sa past niya at ito pa ang nakakagulat he didn't text me to greet me a good morning this morning na lagi niyang ginawa simula ng manligaw siya sa akin. I think hindi pa siya nakaka-move on sa past niya." Sabi ko sa kanya.
"Patay! Mukhang magkakaroon ng problema sa forever o sa happy ending mo! Makwento nga kay Kyle mamaya." Sabi niya.
"Pero anong gagawin ko?" Nag-aalalang tanong ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman alalang alala ka sa mangyayari? Bakit natatakot ka?" Tanong niya at ngumiti ng nakakaloko. "Siguro may gusto ka na talaga sa kanya noh? Kasi kung Wala kang gusto sa kanya hindi ka matatakot na umatras si Jake sa panliligaw niya sa iyo o matatakot na hindi pa siya nakaka-get over sa past niya. Umamin ka nga sa akin may gusto ka na ba kay Jake?" Dugtong niya.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Novela JuvenilMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...